Chapter 11.2: He's Jealous?

1.1K 25 1
                                    


"CHASE!"

Iniwan ko yung cart tapos tumakbo sakanya, ganun din ang ginawa niya. Nang malapit na kami sa isa't isa niyakap ko siya, alam kong mukha kaming tanga dalawa, pero wala akong pake. Haha. Siguro mga 2 minutes din kaming ganun.

"Eheeeemm!" Naputol yung moment namin ng biglang umepal si Darwin, kaya kumalas na kami sa hug namin. Hehe.

Nakalimutan ko pala na may kasama ako, nagkatinginan lang kaming tatlo, umurong ata yung dila ko! Shocked e. XD

"Chelle!" Binasag na ni Chase ang katahimikan,

"Chase!" Haha. Ang awkward ng sagot ko. :D

"Mukha kayong ewan, ano? Wala man lang bang tatawag sa pangalan ko?" Epal nanaman ni Darwin.

"Aah.. Eeh. Sorry, hehe. Ah Chase, si Darwin pala, Darwin, si Chase." Pagpapakilala ko sakanilang dalawa,

Nilahad naman ni Chase yung kamay niya.

"Hi! Nice meeting you, i'm Chase." Sabi niya with a smile on his face.

"Alam ko, Darwin, fiancee ni Chantelle!" Nakastraight face lang siya habang sinasabi yan, pero nakipagkamay naman siya, and wait? Anong sabi niya?

"Ha? Fiancee?" Gulat kong sabi, pano ba naman kasi, di pa ko sanay na tinatawag niyang fiancee.

"Oo! Bakit? Hindi ba?" Tas tumingin siya kay Chase, "Ano mo siya?"

"Ay! Si Chase yung boy bestfriend ko, classmate ko siya nung preschool hangang elem, kaso nung graduation nung elementary ..." Naalala ko bigla, napatingin sakin si Chase, halata sa mukha niya na nasasaktan padin siya dun sa nangyari samin, si Darwin naman halatang nagtataka.

"Kaso nung graduation ano?" Tanong ni Darwin.

"Ah... Wala! Saka na natin pagusapan yun, basta bestfriend ko siya, yun na yun!" Pinilit kong ngumiti, ganun din ang ginawa ni Chase. "Tara! Bayaran na natin mga pinamili natin, Chase? May kasama kaba? Gusto mo after natin dito sa bahay ka na namin maglunch?" Yaya ko sakanya.

"Hindi pwede!" Nagulat ako nung sinabi yan ni Darwin.

"At bakit?" Tanong ko.

"Eh kasi ano... Baka ano... Baka madumi yung bahay! Oo tama! Baka madumi, nakakahiya sa kaibigan mo." Sagot niya.

Magsasalita pa sana ako ng nagsalita na si Chase.

"No, it's fine, saka ang tagal na naming hindi nagkikita ni Chelle e. Kaya ayos lang, kahit gaano pa kadumi ang bahay niyo!" Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sakin.

"Yey! Yun naman pala eh! Tara na! Magbayad na tayo! Pagluluto kita ng masarap na adobo Chase!" Kinuha ko na yung cart kay Darwin at tumakbo na sa counter, excited na ko!! Finally, after 7 years nagkita ulit kami!

-----

"Kaano ano mo ba talaga yung lalakeng yun?" Si darwin yan.

Nasa bahay na kami ngayon, nandito sa kusina, ako naghihiwa ng mga ingredients, siya naman nakaupo lang sa lamesa

Si Chase? Susunod daw after niyang ihatid yung pinamili niya sa bahay nila. Binigay ko naman yung address dito e.

"Alam mo? Pang 100 na beses mo na atang tinatanong yan! Bestfriends nga kami! Ano bang di mo maintindihan dun?" Sagot ko, ang kulit kasi e. Kanina pa yan.

"Tss, eh bat ganun kayo kung magyakapan kanina?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Kaya napalingon ako sakanya.

"Ha? Ano bang mali dun sa pagyakap ko sa- OUCH!" Shet! Nahiwa ko yung daliri ko!

"Hala? Anong nangyari?" Lumapit naman sakin si Darwin tapos tinignan yung daliri ko. "Ang tanga mo naman kasi!" Sabi niya tapos inupo ako sa upuan. "Dyan ka lang! Kukuha lang ako ng med kit!" Tapos tumayo na siya.

Aray! Ang sakit talaga!

Tatayo sana ulit ako para hugasan yung sugat ko. Ang tanga din ni Darwin e, di muna hinugasan tong sugat.

"Chelle?" Nagulat ako ng biglang pumasok sa kusina si Chase? Andito na pala siya!

"Oy! Paano ka nakapasok?" Sabi ko tas dumiretao na sa sink para maghugas.

"Bukas yung pinto niyo e. Hehe. Anong ginagawa mo dyan? Pating- SHET!" Lumapit siya tas nakita yung sugat ko. "Anong nangyari dyan?!' Kinuha niya yung kamay ko tas siya na ang naghugas nung sugat ko, dahan dahan lang naman kaya di gaanong masakit.

"Nahiwa ko kasi. Hehe." Napatingin ako sakanya, ang laki ng pinagbago niya,

Yung payatot niyang katawan dati e ngayon naging matipuno na, yung kutis niya na dati e sobrang itim, ngayon e sun-kissed tan na, yung mukha niya dati na 'ayos lang', ngayon e 'mala-artista' na. Siguro kung hindi niya ko tinawag at nakasalubong ko lang siya basta basta, hindi ko ata to makikilala.

"Chelle? Hoy? Masakit pa ba?" Na-pop yung thought balloon ko ng nagsalita siya. Di ko namalayan nakatitig na pala siya sakin.

'Namiss kita."

Oh shet!!! Anong sinabi ko? Ugh! Napayuko na lang ako, ano ba Chantelle? Ano bang iniisip mo! Kainis ka! Sa sobrang kahihiyan gusto ko na lang sana na kainin ako ng lupa.

"Namiss din kita." Nagulantang ang mundo ko ng sumagot siya. Napatingin ulit ako sakanya,

Di ko na napigilan ang sarili ko, niyakap ko siya, yung mahigpit. Saka ako umiyak, kainis na mga luha to oh!

"Sssshhh.. Tahan na." Hinahaplos haplos lang niya yung likod ko. "Wag ka na umiyak Chelle, di na kita iiwan ulit, di na ko aalis. Dito na lang ako lagi sa tabi mo." Tapos niyakap na din niya ko ng mahigpit, siguro kung hindi lang ako umiiyak e sasapakin ko na siya, ang hirap kaya huminga!

Masaya ako, masaya ako na bumalik na ulit si Chase. Bumalik na ulit yung bbf ko, yung boy best friend ko :)

-----

After nung iyakan portion naming dalawa, i mean ako lang pala, haha. Nagpatuloy na ko sa pagluluto, medyo nawala na din naman yung sakit nung sugat ko e. Tinulungan na lang ako ni Chase sa paghihiwa, after 20 minutes natapos na din kami sa pagluluto,

Pero nasan na kaya si Darwin?

"Chelle. Asan na yung fiancee mo?" Napansin din siguro ni Chase na wala siya.

"Hmm. Sabi niya kukunin lang niya yung med kit, di na bumalik, wait lang ha? Tawagin ko lang, baka nasa kwarto lang." Tumango lang si Chase tas nagayos na ng hapag kainan. Ako naman lumabas ng kusina.

Nakita ko yung med kit na nasa table sa may sala, bakit kaya nandyan yun? At nasan na si Darwin?

Umakyat ako sa kwarto. Wala. Inikot ko na yung buong bahay, pero wala si Darwin, Nasan kaya yun? Hmm, bahala nga siya.

-----

Like niyo po! Hihi. Tas kung may mga suggestions kayo or reactions pakicomment na lang po. Hihi. Thank you :*

Tulungan niyo din ako magisip ng loveteam ni Chantelle at Darwin ... Hmm, CharWin? or CheDar? Kasi diba nickname ni Chantelle is Chelle? Hahaha. O diba, cheezy lang ang peg, hart hart <3 Suggests kayo iba pa!! XD

Married to a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon