Chapter 9: moving in with HIM

1.1K 18 0
                                    

"Hoy manyak! Tulungan mo ko dito oh! Tss. Ang gentleman mo talaga no?" Tas umupo ako sa may hagdan. Binaba ko na din yung isang box na dala dala ko. Pagod na kaya ako. Haler?! At yung magaling kong fiancee? Ayun at nakaupo sa may sofa. Nanonood ng t.v. Gentleman niya ano po? -_-

"Aish! Sino ba kasi nagsabi sayo na dalhin mo yung buong bahay niyo? Pang ilang box na yan a?" Sabi niya saka lumapit sakin at kinuha yung box na binaba ko. Salamat naman at tutulungan na ko nito. Tss. "Ang bigat naman nito. Dinala mo ata pati kama mo e." Aba't nagreklamo pa? Kung hindi ko lang kailangan ng tulong niya baka kanina ko pa to nasapak.

"Tss. Arte mo. Parang kang bakla." Tas tumayo na ko then pinagpag yung pants ko. Lalabas na sana ako para kunin yung iba pang box ng biglang sumigaw si Darwin.

"Ikaw na nga tinutulungan gaganyan ka pa! At hindi ako bakla no! Halikan kita dyan e!" Hays. Ang isip bata niya ano po? Mukhang magiging mahirap talaga ang buhay ko kasama siya.

Kung nagtataka kayo bakit nagbubuhat ako ng box. Di ko pinahihirapan sarili ko a? Di ako ganun ka shonga shonga. Pero kasi diba namention ko na sainyo na magsasama na kami ni Darwin sa iisang bahay? So eto na yun.

After siguro ng mga 2 and a half hour naayos ko na lahat ng mga gamit ko sa kwarto. Hep hep! Magkaiba ka ng kwarto ni Darwin ha? Pinakiusap ko yun kina daddy e. Haha. Sabi ko after na namin ikasal saka kami magsasama sa isang kwarto. Well. Pumayag naman sila. ^_^ And kung nagtataka kayo kung bakit inabot ng mahigit 2 oras ang pagaayos... Well..

flashback...

"Hoy dal! Saan ko ba to ilalagay?! Siguraduhin mong last box na to ha?!" Aba? Tignan mo tong manyak na to. Dal? Sinong dal?

"Hoy ka din! Dyan mo na lang kasi ilagay! Kailangan lahat ng box itatanong mo kung san ilalagay?! Magisip ka kaya pre! Di puro tanong. At saka anong dal sinasabi mo dyan?" Binuksan ko na yung isang box. Puro mga kaechosan ng babae ang laman. lotion, powder, shampoo. Basta yung mga ganun. Haha. Dinala ko kasi lahat. Natatamad ako mag grocery e.

"Ewan ko sayo. Sunget mo! Dal kasi ang daldal mo!" Binaba na niya yung box na dala niya sa may tabi ng kama. Tas umupo siya sa tabi ko.

Tinignan ko siya sandali saka binuksan isa isa yung mga box. Di ko na pinansin yung sinabi niya. Mapipikon lang ako lalo e. Tss. Baka mapatay ko pa siya. Mahirap na -.-

"Dal?" Siya yan. Ang kulit niya no? Di na nga pinapansin e.

And as usual. Tinignan ko lang ulit siya saka inilagay na sa mga dapatw lagyan yung mga gamit ko. Infairness ha? May mga built in cabinet na dito. At may walk-in closet pa. Color pink din yung buong room and queen size yung bed ko. May pink heart shaped sofa din dito and ofcourse a flatscreen t.v. Meron din dvd/cd racks sa gilid which is may laman na. Hmm. Macheck nga mamaya yung mga cds. Mukhang pinaghandaan talaga nila paglipat ko a? Hihi. I love this room na. Haha.

"Dal! Kausapin mo ko! Diba madaldal ka?" Sino pa ba yan? Yung manyak ko pong fiancee. Ewan ko ba. Kulang na din ata siya sa pansin. This time di na ko lumingon. Mapagod siya kakulit dyan -_-

Tumayo siya at lumakad papunta sa harapan ko.

"Dal pag di mo ko kinausap hahalikan kita!" Bigla akong napatitig sakanya. Huwat? Baliw na nga talaga tong manyak na mokong na ito. Haha. Dami ko tawag sakanya no? Well. Abnormal po kasi siya.

"As if naman na makakaya mo." Sabi ko habang nakatingin padin sakanya. Bale naka indian sit ako sa sahig tas nakatayo siya sa harap ko. Nagbubukas po kasi ako ng mga box diba?

"Nakaya ko na diba? Jewelry store. Remember?" (O.O) Ha? Ano? How? Akala ko ba nakalimutan na niya? Kasi diba nung sa c.r? Ha? Ang gulo >.<

Di na lang ako nagsalita. Pero siya todo kulit padin sakin. Mga 30 minutes din ata naging ganun ang sistema naman. Siya nangungulit ako naman no-pansin ang drama. Ewan ko ba dito. Ngayon lang ata nagkaron ng kasama sa bahay na maganda katulad ko. Haha. Ay. Nalimutan kong pervert pala siya. I'm sure marami na siyang naiuwing babae dito. And oh no! Baka dyan sila nagaano sa kama na yan! Waaah. So eeewwy!

"Ah eh. Darwin? Bago ba yang bedsheet na yan? Pati yung punda?" Tas biglang natahimik si Darwin at tumingin sakin na parang ang weird nung sinabi ko.

May mali ba sa sinabi ko? Wala naman diba?

end of flashback...

Ang kulit niya mga friends no? Hays. Pero ngayon? Andun siya sa baba. Di ko alam kung anong ginagawa at wala akong pake. Mas ok na yan kesa nangungulit siya.

Matawagan nga si Riana. Magkwento daw ako sakanya e. Haha. Alam niyo naman yun. Isang dakilang chismosa din. :D

-----

sorry for the lame update. nagupdate lang ako kasi ang tagal ko ng di naguupdate e.

comment kayo please? para mamotivate ako.

vote na din? haha.

or if you want you can follow me :)

labyu guys :*

Married to a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon