Sapphire Ramos' House - Living Room
"What is our first plan?" Pangunang tanong ni Jaycon nang makaupo ang lahat.
Sinuri ko muna ang paligid bago ibinalik ang tingin sa kanilang lahat na nakatingin sa akin. Maiksi akong ngumiti at inilapat ang paningin kay Sapphire.
"Wala ka bang kasama rito?" Tanong ko sa kanya.
"Wala," pag-iling niya. "Humiwalay ako ng tirahan."
Tumango ako at hindi na dinagdagan pa ang tanong. "My first plan is to know the prisoners' weakness. May alam ba kayo?"
Ilang segundong katahimikan bago sumagot si Glenson, "we can ask for Euphrasia's knowledge."
Napataas ang isang kilay ko at umiling. "Euphrasia cursed me."
"What?" Pagkagulat nilang lahat.
"Why would she do that?" Tugon ni Sapphire.
"Pinatay ni Aiukami ang kanyang kasintahan kaya napagkamalan ako ni Euphrasia na siya at sinumpa ng walang pagdadalawang isip." Pagsagot ko at bumuntong hininga. "Does she know us?" Pagtukoy sa aming magkakapatid.
"Yes, but not physically." Pangungumpirma ni Glenson sa tanong ko noon.
"Pagkaalis ng tatlo," pagturo kila Jaycon. "Dumating si Euphrasia at inatake kami ni Avidita. Doon din nagsimula ang sumpa sa akin."
Walang nakaimik sa kanila pero nakikita sa mukha ang kanilang hindi pagkapaniwala; dismayado.
"Anong sinumpa niya sa'yo at paano mo ito matatanggal?" Tanong ni Shianna.
Napahawak ako sa puson at mabagal na hinaplos iyon. Naalala ko ang araw na pinabayaan ko sila mamatay ni Arnee. Napakasama ko at walang pusong hinayaan sila nang hindi iniisip.
"Sa kanya ko nalaman na buntis ako at ito ang solusyon kung paano rin mawawala sa akin ang sumpa."
Napaawang ang labi ni Sapphire at Shianna habang tulalang nakatingin sa hinahawakan ko. Gumuhit naman sa aking mga mata ang sakit at lungkot pero mabilis ko iyong winala.
"Ang sumpang maglalaho agad sa mundong ito kapag nahawakan lamang ako." Pagpapatuloy ko at tiningnan si Shianna. "Patawad kung mabilis akong lumayo sa'yo kanina."
"N-naiintindihan ko... ang akala ko ay hindi mo gusto mahawakan ng isang katulad ko." Aniya.
"We can ask her for you, Princess." Pagsasalita ni Simbos.
Mabilis naman na umiling si Krypt. "In this situation, Euphrasia won't let anyone go near her. If she's mad, she's mad. Hindi siya makikipag-usap kahit kanino."
"Right, she's like that." Pagsang-ayon ni Sapphire.
Mabilis akong nagbalik tanaw noong nasa akadamya pa kami. Naramdaman kong dark magician ang tatlo noon pero hindi ako makapaniwalang isang dark witch si Euphrasia at magkakakilala pa silang apat. Magaling din siya magtago ng tunay na pagkatao.
"Well, like mother, like daughter." Saad ni Glenson. "The question is, where are they hiding?"
"If you want to kill them... kill the Enchantress first." Pahayag ni Frenco na kinakunot noo naming lahat.
"Enchantress?" Usal ko.
Taino's Auntie?
"What about her?" Tanong ni Jaycon.
"She's supporting the prisoners." Pagsagot ni Frenco na kinaawang ng labi ko.
"What?" Bulalas ko."What's the reason?"
BINABASA MO ANG
Thy Biggest Revelation
General FictionENCOUNTER SEASON #4 Going back to the past to change the future, can she do it? COMPLETED FILIPINO LANGUAGE Date Started: June 08, 2021 Ended: November 14, 2021 (Cover is not mine. Credits to the rightful owner)