"Do not disappoint me, Arnee."
I didn't answer. I just nodded at her.
"Now, let's go meet them."
Today is my announcement of my fixed marriage and the first day I get out of my room after so many years. Yet I don't feel freedom, I only feel suffocation. I'm not ready for this but I can't disobey the Queen Mother.
Ipinakilala na ako sa lahat ngunit napansin ng reyna na nawawala si Axalus.. Nang mapadaanan kami sa lamesa nila Master Cald ay agad kong napansin na wala si Aiutami. Siguro kasama rin siya ni Axalus. Nakita ko ito kanina at hindi naman sinasadyang makabanggan sila ni Aiukami pero hindi ko alam ang dapat sabihin kaya nagkaroon ng kaunting sagutan.
"Have you seen Axalus?" Malamig na tanong ni Ina sa pangatlong anak na babae ni Master Cald.
"Nakita ko po siya kasama ni Aiutami na pumunta ng harden kanina, Mahal na Reyna." Mahinahon na sagot niya bago sumulyap sa akin.
"Let's go to them," wika ni Ina at tumango naman si Master Cald. Nilingon niya naman ang mga kasama nito. "Gentlemen, please excuse us."
"Of course, Your Majesty." Kanilang tugon.
Nang magsimula na maglakad patungo sa harden ay mabagal kong pinaglaruan ang kupitang hawak. Nangunguna sa paglalakad ang mahal na reyna at naka sunod naman sa kanya si Master Cald at ang tatlo niyang anak.
"Gavyn, don't let go of my hand." Mahina pero tama lang para marinig ko ang sinabi ng babaeng may puting buhok.
I heard their baby brother is five years old but it's not obvious from his appearance. Para bang may sakit ito kaya nagmumukhang tatlong taong gulang. Despite that, he's cute and looks soft.
If only I could touch him but my body was heating up because my power is trying to get out of my body. Kanina ko pa ito pinipigilan at hinihiling na sana wala akong masaktan na kahit sino. Nais ko ito paalam sa reyna ngunit lagi itong okupado kaya wala akong tyansa sabihin sa kanya.
Pasimpleng inikot ni Aiukami ang kanyang ulo para makita ako sa likuran nila. Imbis na umiwas ng tingin ay tinitigan ko siya at tinaasan ng kilay. Hindi siya nagpatalo at tinaasan din ako ng kilay bago bumaling sa katabi niyang kapatid at bumulong.
"Ang Mahal na Reyna!"
Huminto muna ako saglit para sumimsim sa kupita at pakalmahin ang sarili bago magpatuloy sa paglalakad. Nang mapansin na humiwalay na ng linya ang magkapatid ay nagkaroon ako ng pagkakataon lumapit kay Ina ngunit sa kamalasan ay natalisod si Aiutami.
Sa oras na iyon, mabilis na tumibok ang puso ko. Nakaramdam ng kaba na baka makuha ng aking kapangyarihan ang kanya kaya imbis na saluhin ay mabilis ko siyang tinulak at saktong dumulas pa ang kupita na hawak ko.
"Arnee!"
"Tami!"
Naitungkod niya ang kamay, malakas siyang napasigaw at sunod-sunod na umiyak. Mabilis akong nakaramdam ng konsensya pero mas makakabuti iyon kaysa mawala ang kanyang kapangyarihan.
"Why did you do that, Kuya!" Galit na sigaw ni Axalus.
Iritadong lumingon sa akin si Ina. Ang kanyang mga mata ay nagpapahiwatig na unang araw ko pa lang ay may mali na agad akong nagawa. Hindi ako nagbigay reaksyon at ibinalik ang tingin sa mag-ama.
Pagkabuhat sa umiiyak na prinsesa ay mabilis na lumakad papaalis ang kanyang ama. Sumunod naman ang kanyang mga kapatid at kaibigan, kasama na si Axalus.
Maglalakad na rin sana ako paalis ng maramdaman ko ang mahigpit at malamig na kamay ni ina sa aking pulso. Ang lamig sa kanyang mga mata ay matalim at bigo.
BINABASA MO ANG
Thy Biggest Revelation
General FictionENCOUNTER SEASON #4 Going back to the past to change the future, can she do it? COMPLETED FILIPINO LANGUAGE Date Started: June 08, 2021 Ended: November 14, 2021 (Cover is not mine. Credits to the rightful owner)