TBR 17

50 2 0
                                    

Matunog na sampal ang dumapo sa kanang pisngi ni Glenson habang galit ang mga matang nakatingin sa kanya si Sapphire. Sinubukan naman siya hilahin nina Frenco at Jaycon pero hindi ito nagpatinag. Pasimple naman akong napailing sa kanila.

"What stupidity were you thinking, Glenson?!" Nagngangalit na sigaw ni Sapphire. "It was her fault! It was her choice! Why did you let yourself become like her!"

Mabibigat ang hininga ng kinalas ni Sapphire ang mga braso sa hawak ng dalawang lalaki at walang buhay naman nakipag titigan sa kanya si Glenson.

"Answer me! Iniisip mo bang sundan siya sa kabilang buhay pagkatapos mo balakin patayin ang reyna?!" Singhal nito. "Sumagot ka, Glenson! Sumagot ka!"

"Sapphire! That's enough." Pagpapagitna ni Krypt at siya na mismo ang naglayo kay Sapphire. "Nangyari na ang nangyari. Ang magagawa na lang natin ngayon ay hintayin ang utos ng mahal na reyna."

Mabilis na tumaas ang kilay ko. Gusto matawa sa kanyang sinabi.

What they are doing in front of me is disrespectful. Pag-aaway sa harapan ko? Pagsisigawan at walang pakiramdam na may nanonood sa kanila? Tingin ba nila hindi ako nababastos bilang isang reyna kahit na ganito ako katahimik sa kanila? Ngayon pa nila gusto akong marinig na magsalita pagkatapos ng eksena?

Nasaktan ako nang makitang mamatay sa aking harapan si Shianna at patuloy na nasasaktan habang pinapanood silang nag-aaway at unti-unting nagkakasiraan.

Hanggang ngayon iniisip ko kung bakit sila nawalan ng respeto sa akin. Ito ba ay dahil sa pagiging mangmang ko bilang isang reyna o dala lamang ng emosyon? Ngunit sa kahit ano pang rason nakikita ko, ito ay nagpapakita ng hindi pagrespeto sa akin.

Sa una palang, alam ko na sa sarili kong sinubukan ko iligtas ang magkasintahan ngunit kahit anong posisyon ko pa, kung isa sa kanila ay may mabigat at masamang intensyon sa akin, ito ay matatawag na pagtataksil.

Nagdaan ang ilang araw simula nang bitayin si Shianna sa harap ng lahat. Hindi ko man gusto iyon panoorin ngunit bilang isang reyna ay kailangan naroon ang aking presensya upang masaksihan ang kamatayan ng taong nagkasala sa akin. Gustuhin ko man pigilan ang oras o baguhin ang nangyari noon subalit wala na akong magagawa kundi tanggapin na lamang ang lahat.

Noong araw na nakatingin ako sa kanya, sinusundan ang bawat hakbang papunta sa nakasabit na lubid, hindi ko mapigilang malungkot para sa kanya at sa akin. Ang akala kong masaya at matibay na pagkakaibigan ang mapapasukan ko pero hindi, nagkamali na naman ako. Nasaktan na naman ako dahil umasang isa siya sa mga taong tutulong sa akin para hindi maramdaman ang pag-iisa sa madilim na kaharian na ito.

Everyone was there. Glenson was there when Shianna was hanged. I saw his tears. I saw his resentment but most of all, I saw the love and sadness in his eyes.

May mali. Nararamdaman kong may mali. Sa mga matang nakikita ko alam kong may mali ngunit paano ko mahahanap ang sagot sa aking katanungan kung wala naman akong mapaghahanapan ng solusyon? Kung saan ako magsisimula at kung saan dapat simulan.

Hindi kinaya ni Glenson ang nangyari at mabilis na umalis sa kanyang pwesto. Ang kanyang mga kaibigan ay pinanood lang siya, walang balak sundan siya. Gustuhin ko man siya habulin pero pakiramdam ko may kasalanan ako. Kasalanan ko ang pagpatay sa kanyang kasintahan. Kasalanan ko kahit hindi naman talaga.

Simula ng mangyari ang araw na iyon, iniisip ko kung bakit naging ganito? Ang aking plano noon ay patayin ang mga nakatakas na preso at gamitin sila Sapphire upang patayin ang mga ito. Bakit parang bumaliktad? Bakit parang ang karma ay kumakampi kila Lucinda? Bakit?

Glenson tried to kill me while I was sleeping but luckily Frenco entered the room and immediately stopped him. Imbes na magtiwala sa ginawa ni Frenco, pinagdudahan ko rin ito.

Thy Biggest RevelationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon