Humangin ng malakas kaya nagulo na naman ang inaayos na buhok. Sinikop ko ito at inilagay sa kaliwang balikat habang tinatanaw ang malaking kastilyo. Pasimple akong sumandal sa katabing puno at tulalang pinanood ang mga taong naglalakad.
May naramdaman akong presensya palapit sa akin pero hinayaan ko lang siya hanggang sa tumabi na may ilang distansya sa akin.
"Why do you want to see me?" Pagtatanong ni Frenco habang nakatingin sa akin.
Madilim sa aming direksyon at natatabunan ng matataas na mga damo. Ito ang pinili kong lokasyon upang pag-usapan namin ang nangyari sa kanya noon sa bahay ni Sapphire.
I know he didn't notice it and I don't feel any wrong about him. Pakiramdam ko ay gusto pa kami tulungan ng taong pumasok sa kanyang isipan upang sabihin ang mga salitang iyon.
"Is there any way to know the prisoners' whereabouts?" I asked him back while kept wondering who could be the person who wanted to help us.
He fell in the silence. As I expected, he doesn't have any other way to find their location. Although, it's not really my real intention why I want to see him here. I just want to feel if someone is following him.
Umiwas siya ng tingin kaya ako naman ang napatingin sa kanya. Sinuri ko ang kaniyang kabuunan bago ibalik ang mga mata sa harapan.
"Do you really want to kill them?" Pagtanong na naman nang hindi sinasagot ang katanungan ko.
"Yes..." Mahinang sagot ko.
"If you are desperate to kill them, then be our queen so you can do whatever you want, Princess Aiutami." Seryoso niyang sinabi. "It is the only way to protect everyone."
How could I protect them if I became a queen, Frenco?
Suminghap ako ng hangin at napailing sa narinig. "Hindi mo alam kung gaano kahirap pamunuan ang libo-libong katao, Frenco."
"Bakit maghihirap ka kung narito naman kami, Your Highness?" Aniya at nakipagtitigan sa akin. "We promised to help you, kaya anong kinakatakot mo?"
Nakaramdam akong paninikip ng dibdib at natamaan sa kanyang sinabi. Inilingan ko siya at nginitian na para bang mali ang kaniyang sinabi.
"Being a queen means neglecting your own happiness, Frenco. I... don't want to experience what Queen Maricarana experienced." Nahihirapan kong sabi at nangilid ang mga luha. Naalala ko ang mga panahong kasama ko pa ang yumaong reyna. "I saw how my auntie neglected her friends and lover. How she was forced to betray them even though she didn't want to. How she cried for breaking her promise to them. How she cursed herself for hurting everyone."
Lahat ng sinabi ko ay may malalim na kwento. Lahat iyon ay may kahulugan na mas nagpapasikip sa puso ko.
Hindi ko alam kung ilang taon na ako noon, ang naalala ko lang ay ang mga araw na pumupunta siya sa aming tahanan upang umiyak at magmakaawa sa aking ina na tanggalin siya ng emosyon dahil ayaw niya na masaktan pa ng paulit-ulit dahil sa kaniyang desisyon bilang reyna.
Alam niya rin na pipiliin ako ng mga tao rito na maging reyna dahil sa aking katauhan. Ito rin ang dahilan kung bakit pinakiusapan niya ako na mangako sa kanya na huwag tatanggapin ang trono upang hindi ko maranasan ang kaniyang naranasan.
"H-hindi mo alam kung gaano kasakit maalala ang paghihirap ng aking reyna, Frenco. Hindi niya kasalanan ang lahat pero kinimkim niya iyon para sa kahariang ito."
May mga sekretong gusto ko sabihin sa kanya ngunit ito ay napaka importante at hindi dapat ipagsabi. Kung pwede lang... kung pwede ko lang sabihin...
BINABASA MO ANG
Thy Biggest Revelation
General FictionENCOUNTER SEASON #4 Going back to the past to change the future, can she do it? COMPLETED FILIPINO LANGUAGE Date Started: June 08, 2021 Ended: November 14, 2021 (Cover is not mine. Credits to the rightful owner)