TBR 08

86 4 0
                                    

Huminga ako ng malalim habang ang mga mata ay nakatingin pa rin sa apat. Nag-iba ang kanilang pinag-uusapan kaya nagkaroon ako ng pagkakataon mag-isip kahit saglit.

Sa panahong ito ay alam kong hindi ko kaya mag-isang labanan ang mga preso. Limitado pa ang abilidad ko at hindi ganoon kalakas para harapin ang mga sanay na makipaglaban. Nakulong man sila noon pero alam kong hindi kukupas ang kanilang kakayahan lalo na kung pakikipagpatayan.

Dumikit ako sa pader at sumilip ulit sa kanila nang dumating si Krypt kasama ang magkasintahang Glenson at Shianna. Sumali ang mga ito sa usapan at napatango sa mga narinig.

"Hindi na bago iyon," kibit balikat na sabi ni Glenson. "Nangako ang pangalawang prinsesa sa ating dating reyna na hindi uupo sa trono."

Napakunot ang noo ko, paano niya nalaman iyon?

Walang nakaimik sa kanila kaya naibaling ang pansin kay Shianna nang magtanong ito.

"Narinig kong nakatakas ang mga preso, totoo ba iyon?"

Naunang tumango si Krypt, "that's true and they are planning to kidnap the second princess."

"Para saan? Para gawing reyna?" Pangungumpirma ni Sapphire.

"No, actually they are planning to kill her." Pagsagot ni Glenson na kinalaki ng mga mata nila.

So, they knew but they didn't stop them? Why?

"Should we stop them?" Nag-aalalang tanong ni Shianna.

"We should inform Lady Soltana first." Wika ni Frenco.

"What do you want to tell me?"

Naibaling ang aming pansin sa babaeng papalapit sa kanilang puwesto. Walang emosyon ang mukha nito at nababalutan ng itim na awra.

Katulad noon ay yumuko ang pito sa babaeng huminto sa kanilang harapan kaya likod na lang ang nakikita ko maliban kay Soltana. Humalukipkip ito at isa-isa tiningnan ang mga nasa harapan.

"We were informed that the strongest prisoners escaped, My Lady, and they are planning to kill the second princess." Pangunang sagot ni Krypt nang makatayo ng tuwid.

"How did you know about their plan?" Malamig na tanong ni Soltana.

"Euphrasia Ponza informed us, My Lady." Pagsagot naman ni Glenson.

She did? Kung ganoon, paanong hindi niya ako nakilala bilang prinsesa?

Wala siyang tinugon at tumingin kay Shianna. Pumunta ito sa harapan ng babae at tiningnan mula ulo hanggang paa.

"State your name and where are you from," she ordered. Para bang alam niya na hindi taga rito ang babae.

"Shianna Shien from Bearus Kingdom, Your Lady." Nakayukong pakilala. "It is nice---"

"What is your connection with Mr. Larus Shein from Snakus Kingdom?"

Napaangat ang ulo ni Shianna at Ilang segundo bago sumagot. "He's my father, Your Lady."

"Your Father? What a shame." Walang emosyong sambit ni Soltana at umalis sa harapan ni Shianna. "You have a relationship with a dark magician but without knowing your father killed one of my knights."

Bahagyang napalingon sila Sapphire sa direksyon ni Shianna pero walang sinabi.

"I-I'm s---"

"Where is Euphrasia?" Mabilis na tanong ni Soltana kay Krypt para hindi matuloy ang sasabihin ni Shianna.

Pasimpleng inabot naman ni Glenson ang kamay ng kasintahan at masuyong hinaplos iyon. Unti-unti namang napakuyom ang mga kamay ng babae.

"Paumanhin ngunit bigla na lamang ito nawala nang umalis ang tatlong ito." Pagturo kila Frenco.

Thy Biggest RevelationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon