"Are you stupid? Mali, mali. You're stupid!"
I tried to move my hand but I felt paralyzed. Sinubukan ko rin suminghap ng hangin dahilan para mapansin kong napahinto sila sa pag-iingay.
"She's awake."
"She's awake?!"
"Aiutami..."
"Ate Garelle!"
"Paki galaw nga ang baso kung gising ka na talaga."
"Really, Blaze? Nasisiraan ka na ba ng isip?"
Noong unang pagmulat ko ay nanlalabo pa ang mga mata ko kaya pumikit ako at ilang segundo ang hinintay bago binuksan ulit.
Madilim at mataas na kisame ang agad na bumungad sa akin. May ilaw pero katamtaman lamang para sa lahat. Sinubukan kong igalaw ang mga daliri at nakahinga ng maluwang nang magalaw na iyon. Ramdam na ramdam ko pa rin ang panlalamig ng katawan.
"Aiutami..." Malambot ngunit pagod ang boses na iyon.
"Arnee?" Usal ko ng walang tono.
Sinubukan ko galawin ang ulo para makita siya at nang matagumpayan ay napaawang labi ko. Ang gulo ng buhok niya. Ang dungis ng mukha niya at kita ang pagod at panghihina sa mga mata.
"A-anong..." Napahinto ako ng hindi pa rin nagkakatono ang boses ko.
Maraming tanong ang agad na pumasok sa isipan ko. Totoo ba ito? Nasaan kami? Bakit ang dungis niya? Buhay ba talaga silang lahat? At higit sa lahat, bakit narito si Catena at Darina?
Inikot ko ang paningin sa paligid. Ang namamanhid na katawan ay mas nanlamig sa nakikita. We're inside of the big cage. Magkakahiwalay kaming lahat pero tanging si Arnee lang ang pinaka malapit sa akin.
Mabilis akong naguluhan. Anong nangyayari? Anong mayroon? Bakit ganito ang aming sitwasyon?
Dumapo ang paningin ko sa hawla ng aking mga kapatid. Pinilit kong gumalaw upang makaupo dahil nasa bandang paanan ko sila. Habang ginagawa iyon, hindi ko hiniwalay ang tingin sa kanilang mga nag-aalalang mukha.
"How are you? Do you feel anything?" Nag-aalalang tanong ni Aiukami.
Hahawakan niya sana ang bakal ngunit mabilis siyang pinigilan ni Aiugami at nilayo roon.
"I told you not to touch that!" Inis niyang sambit.
Hindi nakaimik si Aiukami at ibinalik na lang sa akin ang tingin. Hindi ko alam ang ibibigay reaksyon kaya malungkot ko na lamang siyang nginitian.
Kagagawan ko ba ito? Anong panahon ito para mangyari ito?
"This is the day before everything happened, Aiutami Lynslay."
Nasagot ang aking katanungan ng magpakita si Lucinda sa mismong harapan ko. Agad kong napansin ang ngiti sa kanyang labi.
"Did you enjoy your dream?"
"D-dream?"
"The dream comes true, isn't it?" Aniya't lumawak ang ngisi.
Anong ibig sabihin niya?
Kung hindi ko lang nalaman ang kanyang nakaraan baka hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kanya. Sa kanilang magkakaibigan. Kailangan ko habaan ang pasensya.
"What do you really want, Lucinda?" Diretso kong tanong nang masulyapan ang kanang bahagi kung nasaan ang hawla nina Dyx, Blaze, at Jobo. Mahina ang aking boses pero sapat na siguro iyon para marinig nila.
Nawala ang ngiti niya pero mabilis din itong bumalik. "What do you mean I really want, Princess?"
"Oh my god, you're so many says. Just tell her what you---"
BINABASA MO ANG
Thy Biggest Revelation
General FictionENCOUNTER SEASON #4 Going back to the past to change the future, can she do it? COMPLETED FILIPINO LANGUAGE Date Started: June 08, 2021 Ended: November 14, 2021 (Cover is not mine. Credits to the rightful owner)