Inangat ko ang orasan upang tingnan kung anong numero na nakatutok ang maliit na daliri--- sa pangalawang numero.
Wala pa akong nagagawa para umalis sa oras na iyon. Anong klaseng pagtulong ang ginagawa ng orasan? Hindi ko alam kung sisisihin ko ito o ang sarili.
Suminghap ako ng maraming hangin at inilabas ulit iyon. Iikutin ko na sana pabalik ang mga daliri upang bumalik sa sitwasyong iyon ngunit napatigil ako nang makarinig ng mga natatapakan na dahon. Napaangat ako ng tingin at dahan-dahang tumayo.
"Hahahaha!"
Nang marinig ang pamilyar na mga boses ay nanlaki ang mga mata ko't mabilis na nagtago sa malapit na puno. Nararamdaman kong papunta sila sa direksyon ko kaya binalot ko ang sarili ng mahikang magtatago ng presensya ko.
"Hindi kayo nakakatuwa!" Nangangalit na sambit ni Aiugami.
Sumilip ako at pinanood silang lahat na dumaan sa kanang direksyon, salungat sa akin. Ang akala kong didiretso sila ay biglang huminto at nagpasyang magpahinga. Napalunok ang noo ko para alalahanin ang eksena ito noon.
"Stop making fun of me, stupid friends of Aiutami!" Inis pa niyang dugtong sa huling sinabi.
"Masyado mo naman siniseryoso ang mga dapat na biro, Ate Aiugami." Nakangiting tugon ni Arianna at umupo sa gitna ni Sweet at Dyx.
"Biro ba ang tawag sa paghahagis sa akin ng mga malalaking bulate?!" Salubong ang kilay na sigaw ni Aiugami at pumeywang. "You're all disgusting!"
Imbes na mainis sa kanyang sinabi ay natawa ang mga kaibigan ko. Kahit ang sarili kong malapit kay Arnee at Avidita ay ngingiti rin.
Napangiti ako sa kinatatayuan, ang makita ang ganitong eksena sa nakaraan ay nakakatuwa.
"Calm down, Gami." Mahinahon kong sabi sa kapatid. "Ang tahimik mo kasi kaya napag-tripan ka."
Aiugami rolled her eyes at her. "Kapag maingay ako, naiinis kayo. Kapag tahimik ako, pagti-tripan n'yo naman ako! Mga hangal!"
Napangisi si Axalus, "mabuti nga napapansin ka pa namin."
"As if I want your attention!" Masungit na sagot ni Gami.
"Maging mabait ka na sa amin at magpapakabait din kami sa'yo." Taas-kilay na wika ni Jubo.
"Tsh! As if you all deserve me!"
"Ang tanong, karapat-dapat ka rin ba sa'min?" Pabiro na balik ni Arianna.
Napansin kong nag-iikot ng paningin sa paligid si Arnee kaya bago pa niya ako mahuli ay mabilis akong nagtago. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko kahit na wala pa naman siyang ginagawa. Kinakabahan ako na natutuwa na hindi ko na alam kung ano dapat itawag sa nararamdaman kong ito.
Tiningnan ko ulit ang orasan at nagdadalawang isip kung gagamitin ko na ito o makikinig muna sa usapan ng mga kaibigan. I miss them so much that I want to hear their voice.
"Kantahan na lang kita, Aiugami, at baka kumalma ka pa." Pangangasar ni Blaze.
"Sus! Baka 'di lang 'yan kumalma, Kuya Blaze. Baka ma-in love pa 'yan!" Pandagdag asar ni Arianna.
"Oh? 'Wag na pala."
"Ayiieee!!"
"Shut up, you two! Mandiri ka sa sinasabi mo, Arianna!"
"Ang mainitin naman ng ulo mo, Aiugami." Pagsali ni Sweet. "Ikababawas ng ganda mo 'yan."
"Magalit o hindi, mas maganda pa rin ako sa lahat ng maganda!"

BINABASA MO ANG
Thy Biggest Revelation
General FictionENCOUNTER SEASON #4 Going back to the past to change the future, can she do it? COMPLETED FILIPINO LANGUAGE Date Started: June 08, 2021 Ended: November 14, 2021 (Cover is not mine. Credits to the rightful owner)