Malungkot kong pinagmasdan si Frenco mula sa aking bintana. Nakatulala ito sa kawalan habang nakatagil sa gitna ng daanan. May iilang kawal na bumabati sa kanya ngunit para bang wala siyang naririnig.
I wanted to comfort him but I was afraid he would shout at me like Jaycon did. Hindi ko na kakayanin pa kung magiging isa siya sa mga magagalit sa akin. Mabuti na siguro na ganito, tahimik at malaya ko siyang mapapanood sa malayo.
Parang kahapon lang, kumpleto pa sila. Parang kahapon lang, naririnig ko ang kanilang tawanan at kulitan. Parang kahapon lang...
Maybe Jaycon was right that I was to blame for everything. Naging pabaya ako at walang ginawa para sa kanila. Ni isa ay wala akong na protektahan. Katulad na lamang dati, naulit iyon sa kanila. And maybe, I don't really deserve anyone. Even my family, even Arnee's love.
Napapikit ako ng mariin. Umagang-umaga, punong-puno na naman ng negatibo ang pag-iisip ko.
Huminga ako ng malalim bago tinalikuran ang bintana at pumunta sa upuan na kaharap ng lamesa ko. Tinitigan ko lang ang mga papel at walang ginalaw doon. Iniisip ko kung matatapos ko ba pirmahan ang lahat ng ito o hindi na dahil nawawalan na ako ng gana maging isang reyna.
Lahat ng ito ay hindi talaga para sa akin at baka sa susunod matanggap ko na rin na... wala akong karapatan mamuhay sa mundong ito.
Sunod-sunod na tumulo ang mga pawis galing noo. Pagod man sa ensayo ngunit hindi ito ang rason para huminto ako dahil ilang araw nalang ay magsisimula na akong hanapin silang lahat habang hindi pa dumarating ang buwan ng kaarawan ko. Determinado kong ipaghihiganti ang mga taong nasaktan, namayapa, at sinasaktan pa.
"One more time." Pag-utos ko sa kawal na aking kalaban.
Malamig ko siyang sinundan ng tingin mula sa pagkakahiga sa sahig hanggang sa makatayo. Hingal siyang pumuwesto at pumorma habang nakatingin sa akin.
"Mahal na Reyna, oras na ng iyong tanghalian." Pagkarinig ko kay Fiona, ang bagong katulong.
Binaliwala ko ang sinabi niya at sinugod muli si Alex gamit ang mabilis na abilidad. Katulad ng inaasahan, kahit na pagod din siya kagaya ako, naiwasan niya pa rin ang atake ko mula sa likod. Mabilis niyang isinalag ang kanang braso sa palipad kong mga sipa.
Hindi pa roon nagtatapos, siya naman ang gumalaw at bumuo ng itim na mahika sa kaliwang kamay. Bago niya pa iyon matapon sa akin ay malakas kong pinagalaw ang lupang kinatatayuan niya pero imbes na alalahanin ang kalagayan ay pinilit niya pa rin ako inatake.
Napangisi ako at bumuo ng pangga gamit ang makakapal na ugat. Bago pa tumama ang kanyang mahika ay natabunan ko na ang sarili at nakarinig nalamang ng malakas na tunog ng nasirang panangga.
May iilan pang napatili dahil muntikan na ako matumba sa lakas ng epekto ni Alex pero mabuti na lang ay naibalanse ko ang sarili.
"Mahal na Reyna, pakiusap, tumigil na kayo at magpahinga." Nag-aalalang wika ni Fiona.
Tatlong araw pa lang siya nagtatrabaho sa akin pero kung mag-alala ay para bang kay tagal na namin magkakilala. Dahil doon ay hindi ko rin maiwasan maihahambing sa kanya si Arianna.
Inilipat ko ang sarili sa kanang bahagi ni Alex at sinalubong siya ng water ball. Naiwasan niya ang mga naunang atake kaya ginawa kong yelo ang mga bola dahilan para ikagulat niya at kinaantras. Nahihirapan siyang sirain ang iilan sa pamamagitan ng espada kaya't kalaunan ay nagtayo siya ng hadlang upang maprotektahan ang kanyang sarili.
"Mahal na Reyna, narito si Master Frenco."
Mabilis akong napatigil at inilayo ang sarili sa lalaking pagod na pagod na. Napansin ko pang may umagos na dugo mula sa noo niya.
BINABASA MO ANG
Thy Biggest Revelation
General FictionENCOUNTER SEASON #4 Going back to the past to change the future, can she do it? COMPLETED FILIPINO LANGUAGE Date Started: June 08, 2021 Ended: November 14, 2021 (Cover is not mine. Credits to the rightful owner)