TBR 15

71 4 5
                                    

After 2 weeks...

Underground Training Room - 14:12

Isang malakas na kalansing ang narinig ko nang tumama ang espada ni Krypt sa espada ko. Mabilis ko siyang sinulyapan sa mata bago itulak ang kanyang sandata at sinipa siya sa t'yan pero kanyang naiwasan. 

"Time's up!" Parinig ni Simbos at sinenyasan ang mga katulong na lumapit sa amin. 

"You become good at using the sword, Your Majesty." Wika ni Krypt habang pinupunasan ang mukha ng telang ibinigay ng isang katulong. 

"Let me do it." Pagpigil ko sa katulong nang subukan nito punasan ang mukha ko. 

"Pasensya na po, Kamahalan." Takot na pagyuko ni Dara at patalikod na naglakad paalis. 

Hindi ko iyon pinansin pa at tinaasan ng kilay si Krypt. "What do you mean, Handel?" Tanong ko habang sinisimulan tanggalin ang pawis sa mukha. 

"I'm just complimenting you, Your Majesty. You are getting better and better using any kind of sharp weapon." Aniya at kinuha ang basong dala ng katulong niya. 

Hindi na ako sumagot pa at tinalikuran siya. "Frenco, what will be the design for the upcoming Royal Ball?" Pagbaling sa katabi ni Simbos. 

Tatlo silang nakaupo sa mataas na upuan habang nakahalukipkip at nakatingin sa akin. Si Jaycon naman ay pinaglalaruan ang kanyang tubigan gamit ang isang kamay. Napaayos lamang sila ng pagkakaupo nang makalapit ako. 

Tumayo si Frenco at tumikhim. "I'm not sure because I'm not the one who will handle the event, Your Majesty." 

"Who will?" 

"Lady Soltana will handle the Royal Ball." 

Soltana again. Bakit hindi nalang siya naging reyna kung kaya niya naman pala pamunuan ang kahariang ito? Is it because she's adopted? Wala naman akong nabasa na hindi pwede mamuno ang hindi namin kadugo. 

Now that I think of her, simula noong araw na nakipaglaban ako kay Zakken ay hindi na siya nagpakita pa. Dalawang linggo na ang lumipas pero hindi ko siya nakitang bumalik dito. 

"By the way, where is she? I haven't seen her for the last 2 weeks." 

Walang sumagot sa kanila kaya nilingon ko si Krypt na nasa likod ko na pala. Binigyan ko siya nang mapagtanong na tingin pero inilingan niya lang ako. 

"Then, where are Sapphire, Glenson, and Shianna?" Kunot noong tanong ko. Nagtataka na sa pagiging kulang nila. 

"Speaking of which, Ate Sapphire is here." Pagsabi ni Simbos at tinuro ang kanang bahagi kung nasaan ang pinto ng silid. 

Sapphire flipped her hair as she walked in our direction. She gave us a smirk and a meaningful look. She also bowed her head to me before speaking.  

"Ask me where I've been these past few days." Kumpiyansang aniya. 

"Where/Saan?" Sabay-sabay naming tanong. 

Lumaki ang ngisi niya sa labi. "Sinundan ko lang naman si Lady Soltana at alam n'yo ang nalaman ko?" 

Bakit kailangan pa itanong ng itanong kung pwede naman diretsuhin ang gusto sabihin? 

"Ano?" Inip na tanong ni Krypt. 

"I heard she wanted to take the throne." 

"What?" Gulat nilang usal. Lalo na si Jaycon. 

Ano 'to? Dalawa sila ni Euphrasia ang may gusto sa trono? Uunahin nila ako patayin bago ang isa't isa?

"Are you sure of that, Sapphire?" Seryosong sambit ni Krypt. 

Thy Biggest RevelationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon