TBR 19

46 5 0
                                    

Isinara ko ang libro pagkatapos ko mabasa ang huling salita. Huminga ako ng malalim at minasahe ang ulo ko nang maramdaman ang pananakit nito.

Maraming araw na naman ang lumipas. Sa mga araw na iyon, ang tanging ginawa ko lamang ay libutin ang buong kaharian. Kasama sina Krypt at Frenco, hindi ako nakaramdam ng inip. Mabuti na rin ito para makalimutan ko ng panandalian ang mga nangyayari.

Napaangat ako ng tingin nang marinig ang katok mula sa pinto. Hindi na ako nagsalita pa at ikinumpas ang kamay para bumukas iyon.

Yumuko si Krypt bago pumasok. Dala-dala ang iilang papel ay napasimangot na naman ako. May panibago na naman siyang ipapabasa sa akin. Sana lang ay mas importante na ngayon iyon at hindi katulad sa mga nabasa ko noon.

Pagkalapag ng mga papel sa lamesa ay maikli siyang ngumiti. Hindi pa ganoon katagal simula ng mamatay ang mga kaibigan niya pero ito siya, pilit pa rin na itinatago ang lungkot na nararamdaman sa pamamagitan ng pagiging aktibo at pagngiti.

Pareho sila ng kanyang pinsan, ginagaya ako sa pagiging abala upang makalimot kahit panandalian. Hindi na rin nagpakita pa sa akin si Jaycon kaya pinahanap ko siya dahil nag-aalala akong baka may masamang nangyari na sa kanya.

"Do you have anything to say?" Tanong ko sa kanya nang mapansing hindi pa siya nagpapaalam umalis.

"Can I take a leave?"

"Where are you going?"

"Snakus Kingdom."

Mas lalo akong nakuryuso. "I'm sorry if I have so many questions but what are you going to do there? How can you enter if there is still a magic barrier?"

Saglit siyang na tahimik.

"Does Frenco know about this? The magic barrier of Snakus Kingdom is strong so you can't get in easily, Krypt."

"I know..."

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mag-isip ng masama. All of their impossible thinking can be made possible if someone strongly helps them. I just hope...

"Krypt," boses pag tanto at pagdududa. Nagsisimula na naman mapagod ang sarili. "Sabihin---"

Umiling siya. Nakahinga ako ng maluwag. "What you're thinking is wrong, Your Majesty. Hindi sa mismong loob ako pupunta dahil lilibutin ko lamang labas upang hanapin si Glenson."

"Paano mo nalaman na nasa Snakus Kingdom si Glenson?"

"Nabasa ko sa mensaheng binigay sa akin ni Demian," pagtukoy sa pinaka malakas na maniktik. "Naroon ang ating kaibigan at sinusubukan makapasok sa loob."

Kumusang napangiti ako nang marinig ang 'ating kaibigan' sa kanyang salita. Naramdaman kong kabilang nga ako sa kanyang mga naging kaibigan at nagpapasalamat ako roon. Kahit ilang porsyento lang ay nabawasan ang bigat sa dibdib ko.

"All right, please take care of your journey, Krypt."

"Thank you, Your Majesty."

Strong wind made the colorful butterfly fly.

Hindi ito natakot dahil sa hangin, lumipad ito dahil gusto niya sabayan ang kalakasan nito.

Ang sabi nila, ang mga paru paro ay hindi nakikita ang kanilang magagandang pakpak. Hindi nila alam na napaka ganda nila. Hindi nila alam na dala-dala nila ang kulay ng mundo.

Patagal ng patagal, hindi ko maiwasan maisip na kailan ako tutubuan ng aking pakpak? Kailan ako makakalipad katulad nila? Kailan ako magiging malaya katulad nila?

If Arnee cut his wings so I could have mine, then why until now there was no sign that I would have one? Did he lie or did I really not have my own wings because I was a goddess before I became human?

Thy Biggest RevelationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon