TBR 03

101 8 0
                                    

Death Forest

Why am I here?

Inikot ko ang paningin sa paligid na may kuryuso sa mga mata. Hindi gaano kadilim pero mahamog. Pinalakasan ko ang pakiramdam habang nagsisimula na maglakad.

Sigurado akong nasa Death Forest ako. Ito lang ang daan para makapasok sa Dark Kingdom. Anong mayroon at bakit ako rito dinala ng orasan? May mahahanap ba akong kasa---

"Arianna!"

Napahinto ako at nanlaki ang mga mata nang marinig ang matinis na boses ni Dyx. Inilibot ko ang paningin sa paligid at pinagpatuloy ang paglalakad baka sakaling makita ko sila.

Paano napunta ang mga kaibigan ko rito? Sino ang nagdala sa kanila rito?

I can't feel their presence! Hinaharangan na naman ng gubat ang kahit anong abilidad o pakiramdam ko.

"Arianna, where are you?"

Nagtaasan ang balahibo ko nang marinig ang pagpapalit tono ni Dyx, naging malalim at seryoso. Hindi ko alam pero kinalibutan ako.

Nasaan sila?

"Dyx!"

Bakit hindi ko makita sila kahit na sobrang lapit na ng kanilang boses?

"Where did you go?"

Napahinto ako nang may maramdamang malamig na presenya sa likod at gilid ko. Pakiramdam ko ay katabi ko na silang dalawa pero hindi ko lang makita kaya imbis na umalis ay nakinig na lang ako sa kanilang mga boses.

"May nakita akong mga itim na paru-paro papunta sa direksyong iyon."

Hindi ko alam pero otomatikong napalingon ako sa kanang direksyon. May nakita akong grupo na itim na mga paru-paro. Kung hindi ako nagkakamali, papunta sila malapit sa direksyon ng malalim at madilim na bangin.

"Pumunta ka roon?" Seryosong tanong ni Dyx. Nakakapanibagong panlalaki na ang kanyang boses.

Nasa anong panahon ako? Ngayon ay sigurado na akong wala ako sa panahon na nagising ako. Anong gusto iparating sa akin ng orasan?

"Hindi... pero gusto ko sana..." Mahinang sagot ni Arianna. "Bawal ba pumunta sa kanila?"

"I'm not sure but Delfrion told us do not go anywhere. Delikado, Arianna." Tugon ni Fetalino.

Unti-unti ay nagpapakita na sila sa aking mga mata. Napaantras ako nang ilang beses at napatakip ng bibig. Hindi makapaniwala sa nakikita.

Dyx Fetalino is hugging Arianna. Ang mas nakakagulat pa ay inaamoy at hinahalikan nito ang tuktok ng ulo ng babae.

Anong mayroon sa kanila?

Alam kong hindi magsisinungaling ang gubat na ito. Makapangyarihan ito dahil may isang diyosang namatay rito. Naniniwala akong hindi ito gagawa ng senaryong ikasasama ng loob ng kahit sino kahit na pangit ang pinangalan dito.

Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita. May relasyon ba ang dalawa? Bakit walang nakakaalam o baka... hindi talaga namin napapansin? Napaka galing naman magtago ng dalawa?

Ang mas pinagtataka ko kung bakit hindi nila ako napapansin. Tinatago ba ng gubat ang presensya ko? Kung oo, bakit? Bakit hindi niya ako hayaan ipakita sa dalawang kaibigan ko?

"Arianna! Dyx!" Malakas sigaw ni Jobo, tinatawag ang dalawa.

Mabilis na humiwalay sa pagkakayakap si Arianna at hinila si Dyx papunta sa direksyon ni Jobo. Nang magkita-kita ang tatlo ay tyaka umalis. Balak ko sana sumunod sa kanila ngunit narinig ko ang malakas na tunog ng orasan at umikot ang aking paligid. Sa sobrang nakakahilo ay napapikit ako.

Thy Biggest RevelationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon