TBR 02

106 6 0
                                    

"Anong ginagawa mo rito?" Hindi maitagong inis kong sambit sa kanya. "We're not friends so why are you here?"

Hindi siya sumagot at inis na binagsak sa harapan ko ang hawak na rosas. Mas lalo akong nainis sa ginawa niya at masama siyang tiningnan.

"Bakit mo ginawa 'yon?!"

"I know you won't accept it, wala namang kwenta," walang pakialam niyang sabi at sinipa pa ang mga rosas. Napaawang ang labi ko at tinulak siya ng malakas.

"Anong kasalanan ng mga rosas?!" Galit kong sigaw sa kanya at mas lalo siyang sinamaan ng tingin. "Ang sama-sama ng ugali mo!"

Nagkasalubong ang kilay niya at malakas akong tinulak sa balikat na kinaantras ko. "Anong karapatan mong tulakin ako?"

"Wala kang kwenta!" Mas malakas kong sigaw. "Nananahimik ako rito, nananahimik ang mga rosas at pipitasin mo tapos sisipain mo lang? Natatanga ka na ba?!"

"Anong sabi mo?" Nagyuyumapos na sa galit niyang sabi at lumapit sa akin na kinaantras ko sa gulat. "Are you cursing me, Aiutami?!"

Bigla akong kinabahan ng masama niya akong tingnan at mas lalo pang lumapit sa akin. Natatangkaran niya pa ako lalo!

"'W-wag ka lumapit! A-ano ba ginagawa mo rito?!" Paglaban ko pa rin sa kanya kahit na natatakot na ako sa lapit ng presensiya niya.

"Narito ako dahil gusto ka ipasuyo ni ina! Akala mo ba gusto ko 'to? Hindi! Akala mo rin gusto kita makita? Hindi rin! Mas gugustuhin ko pa makita si Aiugami kaysa sa'yo!" Galit at madiin niyang sabi na kinasinghap ko ng malakas.

Malakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba, inis, at sakit. Nang marinig ang kanyang dahilan ay para akong naubusan ng hangin sa katawan. Napakuyom ang kamao ko at pinigilan ang sariling saktan siya ng pisikal.

"Then leave! If you don't want to see me, leave! Sana hindi ka pumayag sa'yong ina kung ayaw mo sa akin! Alis!" Galit na galit kong sigaw sa kanya at tinalikuran siya.

Nanginginig ang kalooban at mabibigat ang yabag akong umalis sa harden namin. Nanahimik ako rito tapos magpapakita siya para lang mangalit! Pagkatapos sasabihin niyang mas gusto niya makita si Aiugami kaysa sa akin? Sana ito na lang ang sinuyo niya! Napaka hangal na prinsipe!

"Where are you going?" Inis nitong sigaw at naramdaman kong sumunod siya sa akin.

Mas lalo akong naiirita! Ang bata-bata ko pa para makaramdam ng ganitong sama ng loob!

Ina, pasensya na pero hindi ko talaga kaya pigilan ang sarili na magtanim ng galit sa prinsipe. Kung hindi sana siya pumayag, sana hindi kami magkagalit ngayon!

"Aiutami!" Madiin at galit na naman niyang tawag.

"Tangina mo!" Galit kong sigaw pero napatigil agad at natakip ng bibig nang mapagtanto ang sinabi.

Oh god, I'm sorry po!

Naramdaman ko na ang prinsipe sa likod ko at bilog ang mga matang tiningnan siya. Salubong ang kanyang mga kilay at ang sama-sama ng tingin sa akin.

"K-kasalanan mo 'yan!" Pagbawi ako at lumayo sa kanya. "H-hindi mo naman ako isusumbong kay ama, h-hindi ba?"

"What?" Aniya. Inirapan ko siya padabog na nilayasan ulit.

"Huwag ka na sumunod sa akin! Hindi ko gusto makita ang pagmumukha mo!" Inis kong parinig sa kanya at nilingon para irapan ulit.

Ina, mabait naman ako, hindi ba? Pero bakit kapag nakakaharap ko na ang lalaking ito sumasama ang kalooban ko? Naiinis ako ng sobra, ina. Pasensya rin sa sinabi ko kanina. Sana hindi mo narinig at isumbong kay ama.

Thy Biggest RevelationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon