Everyone clapped their hands as they looked up at me. My heart was beating fast as the memories passed through my mind.
I broke my promise
Hanggang kailan ko ito pauulit-ulitin sa aking isipan? Hanggang kailan ko ito matatanggap? Hanggang kailan ko ito iisipin?
Napahinga ako ng malalim. May mga pangakong kaya mo tuparin at hindi kayang tuparin. Pangakong hindi ka nakakasiguro. Intensyon man o hindi, sa huli alam mong may kapalit ito.
Lumipas ang maraming araw, marami akong natutunan at nakasalumuha. Marami akong nakilala at naging katiwala ngunit ang iba sa kanila ay patago kong dinududahan. Katulad nalamang ni---
"Your Majesty," pagtawag ni Frenco at bahagyang yumuko. Umayos ako ng pagkakaupo at tiningnan lamang siya. "I am here to report to you about the underground battle."
"You may continue,"
"As the announcement was released, as expected, many disagreed to remove the underground battle. And here, the letter from the Head of Dark Carbonge Battlefield," aniya at masuyong inilahad sa akin ang gintong sobre na may seal na apoy. Kinuha ko naman iyon at mabilis na binuksan para mabasa ang nilalaman.
Napangisi ako nang matapos at ibinaba ang hawak sa lamesa. "He's challenging me to fight him, huh?"
"What?" Gulat niyang bulalas. "I'm sorry, but what did you say?"
Binasa ko ang ilalim na labi at nilagay ang nakatakas na buhok sa likod ng kanang tenga. Pasimple akong suminghap ng hangin habang kinatitigan ang sulat.
"Mr. Warrenhalk wants to have a duel with me," I said and crossed my legs under the table. "If he loses, he'll let me destroy his underground but if he wins, I'll let them continue it."
Sinuri ko si Frenco habang pinapaliwanag ang tungkol sa gusto ni Warrenhalk. Lubos itong nakikinig habang seryosong nakatingin sa akin.
He's only 18 but already sufficient and competent.
"So... will you accept the duel?"
Hindi ko siya kaagad nasagot dahil sa taong kumatok sa pinto. Nang bumukas iyon ay magkasunod na pumasok si Soltana at Krypt.
"Greetings, Your Majesty," sabay nilang sabi at yumuko pagkatabi kay Frenco. "We are sorry to interrupt but we have something important to say." Saad ni Soltana.
"Yes?"
"The prisoners did not listen to your warnings and disobeyed your words," Soltana reported. "Earlier, soldiers saw them leaving the kingdom."
Hindi ako nagbigay reaksyon. Inaasahan ko na iyon. Pangatlong beses na nila ito ginawa. Kahit anong sabihin ko sa kanila ay hindi nila sinusunod.
Sumandal ako sa kinauupuan habang nakatingin sa kanilang tatlo. Bukod sa mga preso, may iilan din na gusto makita ang kapangyarihan ko para maniwala silang malakas ako at kaya ipaglaban ang kahariang ito.
Kapangyarihan? Walang kwenta. Diyan lang ba sila bumabase para sa reyna? Nakakasuklam. Paano nalamang kung walang kapangyarihan ang kahit sino? Wala ng kakayahan pamunuan ang lahat? Nakakaawa.
Hindi kapangyarihan ang basehan kung paano maging isang magaling na pinuno. Ang pagiging makunsidersyon, matatag, matiyaga, malakas, at matalino sa bawat sitwasyon ang kinakailangan ng isang magaling na pinuno. Nakakahiya ang mga taong ito, walang kwenta sa pag-iisip.
"When will they return?" Tanong ko pero si Krypt lang ang sumagot.
"No one knows, Your Majesty."
BINABASA MO ANG
Thy Biggest Revelation
General FictionENCOUNTER SEASON #4 Going back to the past to change the future, can she do it? COMPLETED FILIPINO LANGUAGE Date Started: June 08, 2021 Ended: November 14, 2021 (Cover is not mine. Credits to the rightful owner)