TBR 01

166 8 1
                                    

"Lynslay and Gavyn, please behave," bawat minutong paalala ni Ama tuwing sinusulyap ang direksyon naming apat.

"Ama, paulit-ulit mo na lang sinasabi iyan. Hindi ko na nga marinig huminga ang mga kapatid ko dahil sa paalala mo," nakasimangot na reklamo ni Aiugami.

Huminto si Ama at nakangiting nilingon kami. Masuyo niyang hinaplos ang puting buhok ni Aiugami bago ito halikan sa tuktok ng ulo pagkatapos ay binalingan niya kaming tatlo.

"Patawad, nais ko lang makasiguradong hindi kayo magkukulit para hindi magalit sa atin ang mahal na reyna," katwiran niya at tinalikuran ulit kami para ipagpatuloy ang paglalakad.

"Anong mayroon sa pagdiriwang na ito, Ama?" Mahina kong tanong pero sapat na para marinig niya.

Napatingin ako kay Kami nang hilahin niya ang braso ko at napansin na muntikan ko na mabangga ang isa sa mga panauhin. Bilang pasasalamat ay maiksi ko siyang nginitian.

"Malalaman ninyo mamaya." huling pagrinig namin sa kanya bago sinalubong ang iilang kakilala.

Bumuntong hininga ang katabi ko at nilibot ang paningin sa paligid. Naibaba naman ang paningin ko sa bunsong kapatid na buhat ni Aiugami. Nginitian ko siya at mabilis na hinalikan ang mataba niyang pisngi.

"Nasaan si Axalus?" Tanong sa akin ni Aiugami. "Maaari natin siya tanungin kung bakit may biglaang pagdiriwang."

Napailing ako sa kanya. "Hindi ko alam, ilang araw na kaming hindi nagkikita."

"Nakita ko siya noong nakaraang linggo, hindi ba kayo naglaro?" Nagtatakang singit ni Aikami.

"Hindi?" Patanong kong sagot. "Hindi ko maalala."

Napailing ang dalawa sa akin at sumunod na kay Ama nang sinyasan kami nito na sumunod.

Pagpasok sa palasyo ay mabilis kong inilibot ang paningin sa paligid. Maraming bandiritas, palamuti, at iba't ibang uri ng bulaklak. May espayo sa gitna at nakagilid naman ang mga lamesa at upuan. Sa hindi kalayuan, may mahabang lamesa kung nasaan ang pagkain. Katabi nito ay ang apat na nakalinya na mga katulong habang nakamasid sa lahat.

Napalingon ako sa kanang bahagi at nagningning ang mga mata. Ang sikat na mga musikero sa aming kaharian ay masayang tumutugtog.

"Aiukami, look!" Sabik kong turo sa direksyon nila. "Narito ang mga sikat na musikero!"

Nanlaki ang kanyang mga mata at ngingiting lumingon sa akin. "Puntahan natin sila?"

"Si---"

"Hindi maaari, pinagbabawalan ni Ama na huwag tayong humiwalay sa kanya, hindi ba?" Mabilis na sabat ni Aiugami at tinanaw ang mga musikero.

"Saglit lang naman..." Mahinang sabi ko na inilingan niya.

"Magpaalam muna kayo sa kanya kung gusto n'yo pumunta sa kanila," aniya.

Tumango kami sa kanyang sinabi at hinila si Aiukami para lapitan ang ama. Kinalabit ko ito at nginitian nang sulyapan kami.

"Excuse me," paalam nito sa kanyang kausap at hinarap kami. "Anong kailangan ninyo?"

"We want to go there, Ama," pagturo ni Aiukami sa direksyon ng mga musikero. "Will you let us go?"

"Basta't huwag kayong gagawa ng gulo."

Napanguso ako, "hindi naman kami sakit sa ulo."

Nakangiting napailing siya, "alam ko, Aiutami. Kailangan ko lang makasiguro."

"Masusunod, Ama."

Nang simulan na namin lumayo sa kanya ay lumapit sa aking tenga si Kami at may binulong. "Simula na iwan tayo ni Ina, masyado na tayong pinaghihigpitan ni Ama."

Thy Biggest RevelationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon