TBR 16

51 2 0
                                    

It all happened so fast that I was afraid to blink my eyes.

Ang malakas na agos ng talon ay ang nagpapa-ingay sa madilim na paligid. Ang madilim na paligid ay binibigyan liwanag ng malaking buwan. Ang mainit na katawan ay nakatayo sa gitna ng malamig na tubig.

I took a deep breath before I close my eyes. Umagos ang mainit na luha nang hindi ko na ito napigilan pa. Ang pusong naninikip sa sakit, lungkot at paghihirap ay nandiyan na naman. Ang sariling pagod na dahil lagi nalang pinaglalaruan.

How can I save everyone if I can't trust myself?

Parang kahapon lang kasama ko pa sila. Parang noong isang araw lang, nakakausap ko pa ang mga kaibigan ko. Parang kahapon lang... parang kanina lang... saglitan lang...

"He's dead." Paulit-ulit na binibigkas ni Sarika sa likod ko.

"Tama na... hindi totoo 'yan." Nasasaktan kong pakiusap. "H-hindi totoo 'yan."

Pero sino ba ang niloloko ko? Ang sarili ko. Hindi ko matanggap na wala na ang lahat. Dati pa ito pero pinipilit kong maayos pa. Ilang buwan na ang lumipas. Tapos na. Hindi na maibabalik pa.

Nanginig ang buong katawan ko sa lamig at pagkamanhid. Nanginig ang kalamnan ko dahil sa sakit at pagsisisi. Sa paulit-ulit na pakiramdam ay hindi nagsasawa ang sarili.

"Sa pangalawang pagkakataon, pinatay mo na naman siya, Aiutami."

Napahagulgol ako't napatakip sa mukha gamit ang dalawang palad. "I-I-I didn't! I didn't kill Arnee. I-I was trying to save him! To save e-everyone..."

"Aiutami... bumalik ka na sa panahon mo."

Mas lalo akong napaiyak nang maramdaman ang orasan sa isang kamay ko. Napasigaw ako sa gulat at galit at hinagis iyon sa talon.

"NO!"

"Aiu--"

Marahas ko siyang hinarap. "PLEASE! Give me one last chance! I'm begging you!" Pag-iyak ko at lumuhod sa harapan niya kasabay na pinagsiklop ang dalawang kamay."Please, Sarika. I don't want to leave this world without seeing them alive!"

Ang kanyang tinginan sa akin ay dismayado. Ang mga mata ay nagsasabing wala na siyang magagawa pa.

Nanghihina kong binagsak ang mga kamay sa malamig na tubig at natulala habang patuloy na umiiyak.

"Hah... hahaha," wala sa sarili kong pagtawa at tiningala siya. "Do you really want me to suffer?"

"No, Aiutami. I want you to learn."

Saglit akong napahinto at mapait na ngumiti. "Matuto saan? Matuto na intindihin na lang lagi ang inyong mga galit?"

Hindi siya umimik kaya napaiwas ako ng tingin. "Now I understand why my mother hates our grandmothers. They are selfish and cruel."

"Wala kang pinagkaiba kay Lucinda, pareho kayong walang puso at walang malasakit sa mismong kadugo."

It was just a dream. The dream I wish would not happen.

"YOUR Majesty, how are you?"

Mula sa labas ng bintana ay napunta ang paningin ko kay Frenco. Inayos ko ang makapal na kumot sa hita ko bago ibinalik ulit ang mga mata sa kanya. Pagkahinto niya sa tabi ng kama ko ay maiksi siyang ngumiti.

"Didn't I tell you not to enter without my permission, Frenco?"

Napatango siya at bahagyang napayuko. "Yes, Your Majesty. Please, forgive me. I'm just worried about you. Sorry."

Hindi ko na siya sinagot pa at hinayaan na lang siya roon na nakatayo.

Lumipas ang tatlong araw nang hindi ako lumalabas ng aking silid. Simula nang makita ko na naman si Arnee, nawalan na ako ng gana. Walang ganang makipag-usap at makipagkita sa kahit kanino pero tanging si Frenco, Jaycon, at Simbos lamang ang may lakas loob na pumasok dito. Hindi ko naman masaway dahil gusto ko rin naman.

Thy Biggest RevelationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon