TBR 11

68 7 0
                                    

"Aiutami..." Isang malamig at walang ganang pagtawag sa aking pangalan.

Nanghihina ang mga mata nagmulat ako at inangat ang paningin sa babaeng walang buhay na nakalumbaba sa akin.

Her stare sent shivers down my spine. Her aura and posture intimidate me. The way she slowly walked in my direction made me tremble.

Sarika Liongrey is scarier than her sister.

Pagkahinto sa aking harapan, hindi ko inaasahang makakatikim ako ng malakas na sampal galing sa kanya. Napaawang ang labi ko at nangilid ang luha.

Tinawag ko lang naman siya para tulungan ako. Bakit niya kailangan manakit? Hindi ba siya naaawa sa akin na pinatay ang mga kasama sa mismong harapan ko?

"You're a stupid, fragile, and incompetent princess."

Tinamaan ako sa kanyang sinabi kaya lumuluha ang mga matang ibinalik ang tingin sa kanya. "I-I can't think clearly... I-I'm losing my mind..."

I get hurt so much every time I think of everyone's death. It hurts me so much every time I try to make a plan but I fail. I can't move on. I can't stop thinking. I can't stop blaming myself.

Sinundan ko siya ng tingin nang lumapit pa siya sa akin at kinapkapan ang katawan ko. Nang malaman ang kaniyang gustong mahanap ay mabilis ko siyang tinulak dahil sa takot na kuhain niya ang mahalagang bagay sa akin at baka hindi na ako makabalik sa nakaraan.

Ngunit nang mapahiwalay sa akin ay pagpapakita ng orasan sa kaniyang kanang kamay. Nanlaki ang mga mata ko at hahablutin na sana ito sa kanya nang mabilis siyang gumawa ng harang sa pagitan naming dalawa.

Naging blanko ang isipan ko. Wala na akong maisip kun'di umiyak at hampasin ang harang. Natatakot ako na baka... huli na ang tyansang ito. Wala na akong maramdaman kun'di takot, pangamba, at takot.

"Please give it back to me!" Pagmamakaawa ko habang patuloy na hinahampas ang harang. "Please, I need to save them! I need to change the future!" Mas lalong kong pag-iyak. "Please!"

Humagulgol ako nang marahas siyang umiling at tumayo. Ang madilim niyang mga mata ay walang awa akong tiningnan.

"This is the last thing that's still alive, Aiutami, yet you're using it the wrong way." Malamig at matigas niyang pagkakasabi.

Inilingan ko siya upang sabihin na maling-mali ang pagkakaintindi niya. Hindi naman masama ang ginawa ko sa nakaraan para sabihin niyang mali ang pagkakagamit ko nito. Nanginginig ang katawang lumuhod ako sa harapan niya habang patuloy na umiiyak.

"P-please! Give it back to me. I-I need to change the future..."

"Stop crying!" She hissed. "Are you that weak to beg?! You disappoint me so much!"

Kinagat ko ang ilalim na labi upang pigilan ang sarili na humikbi. Ang naninikip kong puso ay mas lalong nanghihina. Gusto ko marinig ang gusto niya pang mga sasabihin.

"Do you see this?" She said and raised the black pocket watch. "You're stupid!"

Hindi ako umimik at tinanggap ang mga pinagsasabi niya.

"Pocket watch should be gold and not black, idiot!" Magkasalubong ang kilay niyang sambit at inalis ang harang sa pagitan naming dalawa. "Are you that desperate to change the future? Stupid!"

Kinatitigan ko ang orasan. Itim na itim iyon at may kaunti ng sira. Hindi ko ito napapansin at ngayon lang napagtantong may nangyayari ng masama sa orasan.

"Lucinda found out about this thing so I'll take this back." Pahayag niya na kinalaki ng mga mata ko.

"N-no, please!" Pag-uumpisa ko na naman umiyak. "K-kung ibabalik mo ako sa tunay kong panahon, w-wala na akong magagawa kung hindi tanggapin ang nangyari--"

Thy Biggest RevelationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon