18:23
Hindi katulad nang naiisip ko, ang gusaling pagmamay-ari ni G. Warrenhalk ay malaki at malawak. Gawa sa bamboo ang lahat at maamoy mo sa hangin ang pabango ng rosas. Tahimik at may iilang tao na kumakain. Ang kanilang ilaw ay galing sa ilaw ng buwan at dinagdagan lamang ng iilang lampara.
"Ganito ba talaga rito?" Nagtatakang bulong ni Sapphire kay Frenco nang makapasok kaming lahat.
Umiling sa kaniya ang lalaki. "Hindi, hindi ganito ito tuwing umaga."
Magsasalita pa sana si Jaycon nang may sumulpot na maliit na lalaki sa harapan namin. Tiningala kami nito na may seryoso sa mukha.
"Magandang gabi sa inyong lahat," pangunang pagbati na amin namang tinugunan. Napatingin kami sa dalawang braso niyang itinaas at nilahad sa amin. "Hawakan ninyo ang aking mga kamay upang mabilis tayong makaalis dito." Pag-utos.
Nagkatingnan ang mga kasama ko habang si Simbos ay naunang hawakan ang kamay nito. Sumunod naman kami at sa isang iglap ay napunta sa madilim na silid na may masangsang na amoy. Mabilis akong napatakip ng bibig at ilong dahil hindi ko makayanan ang baho.
"Eww, where the heck are we?" Maarteng tanong ni Sapphire sa maliit na lalaki.
Hindi siya sinagot nito at nakarinig nalang kami ng pitik gamit ang mga daliri kaya nagkaroon ng ilaw sa paligid. Napansin kong luma na ang lahat nandito. Mula sa mga gamit, sahig, pader, at mga lampara. Unti-unti narin nawawala ang mabahong amoy kaya nakakahinga na ako ng maluwag.
"Let me introduce myself to everyone, I'm Bibso, the assistant of Mr. Warrenhalk." Aniya at napatingin sa aking direksyon. Bahagya siyang yumuko. "Ikinagagalak ko makilala ang bagong reyna ng kahariang ito."
"Mr. Warrenhalk is preparing himself, please wait for him to come here."
Sa gilid ng mata, katabi ko si Shianna, nakita ang pagsalubong ng kaniyang kilay. "Excuse me but who is he to make the queen wait? He's being disrespectful."
"Forgive me for making everyone wait." Saktong pagpasok ni Warrenhalk sa sirang pinto.
Ang unang napansin ko sa kaniya ay ang pagkinang ng malalaking hikaw sa magkabilaang tenga. Pasimple ko siyang sinuri mula ulo hanggang paa. He's tall and fine man. Hindi katulad nang iniisip ko, hindi siya matandang lalaki. He seems to be in his mid 20s. Maayos ang kaniyang suot at naka bota rin. Pansin kong kumikinang din ang kaniyang mga mata kapag natatapat sa ilaw.
"Oh~~ charming." Komento ni Sapphire sa maliit na boses ngunit narinig iyon ng lalaki.
"Thanks for the compliment but you don't pass my standards." Mabilisang sambit ni Warrenhalk kasunod ang mahinang tawa sa malalim na boses at mas lalong lumubog ang magkabilaan niyang biloy.
Napataas ang isang kilay ko nang magkatama ang aming mga mata. Hindi ko alam ang naging reaksyon nila Glenson dahil nasa likod namin sila.
Sapphire grinned in annoyance. Napagalaw din siya sa kaniyang kinatatayuan kaya naibalik ng lalaki ang paningin sa kaniya.
"You're full of yourself, huh?"
"Of course, dear."
"Whatever, totoo naman."
Napangisi ang kaharap namin at tiyaka tumingin muli sa akin. "Forgive me for being rude," hindi sinsenaryong wika at bahagyang yumuko. "I'm Zakken Warrenhalk, the most handsome and competent owner of this place. It is nice to meet the young and beautiful Queen of Dark Kingdom."
Matapos niya magpakilala ay hinawi niya ang bumagsak na buhok at kumindat pa sa akin. He even bit his lower lip. Imbes na mapangiti sa kaniya ay napangawi ako.
BINABASA MO ANG
Thy Biggest Revelation
Fiction généraleENCOUNTER SEASON #4 Going back to the past to change the future, can she do it? COMPLETED FILIPINO LANGUAGE Date Started: June 08, 2021 Ended: November 14, 2021 (Cover is not mine. Credits to the rightful owner)