Happy Reading
One week had passed and she became the center of attraction in their campus . She doesn't know if she's happy because of the attention she's having or be annoyed about it. Everyone wants to be with her especially boys, not just her classmates but also the college students.
Sometimes it was just fine to her but most of the time she felt unconfortable surrounded by guys. Every day is a new day to her. New day, New experience.
With that thought she sighed and smiled before she walked from the hallway.Pero mukhang ang positibo at magaan niyang pakiramdam ay masisira nang makasalubong niya ang grupo nila Sofia ang kaklase niyang isa sa pinaka-mayaman sa school nila at isa daw ito sa kinikilalang bilang isang Queen Campus dahil narin sa taglay na ganda.
Wala nang kokontra maganda talaga si Sofia but She was always glaring at her like as if she did something wrong with her . Badgirl inaaway ako e."Oh! Look who's here . The playing innocent to get the attention of the boys." Naka-ngising anito ngunit maya-maya lang ay tinitigan na naman siya ng matatalim. Kung nakakapatay lang ang mga matatalim na titig na 'yon ay kanina pa siya humandusay—ay mali no'ng isang araw pa pala.
"C'mon bitch! Show me the real bitch you can be" Dagdag pa nito. Napayuko na lang si Hera dahil siya na ang nahihiya sa mga dumadaan sa hallway na ngayon ay pinagkukumpulan na sila.
Ang iilan ay nilalagpasan lang sila, karamihan ay huminto na parang nanunuod lang ng isang pelikula.Nakakahiya!
"Hindi ko kayo maintindihan pero kung may nagawa man akong mali. Pasensiya na." Malamunay na pakikuusap ni Hera sa mga ito.
Hindi na siya natutuwa sa dami ng nakapalibot sa kanila.
Natatakot siya na baka malaman ng kaniyang ama na nakikipag away siya.
Sabi ng ama'y hindi siya bibilhan ng ice cream kapag nakipag-away o di kaya ay naging pasaway daw siya.Para sa ice cream hindi ako makikipag-away.
Atsaka hindi talaga siya lalaban sa dami ba naman ng grupo nila anong mapapala niya. Hindi niya sila kaya. At hindi siya sanay ng gulo.
"Hindi mo kami makukuha sa pagiging mahinhin mo. Alam ko nasa loob ang kulo mong babae ka!
'Yan ba ang mahinhin lahat ng mga lalaki inaangkin." Halos sumigaw na saad nito.Napapikit na lang siya ng mariin dahil sa sinabi nito. Kung alam lang ni Sofia na ayaw niya rin sa kanila, na hindi siya komportable sa mga ito. Kaya lang ay hindi naman niya sila kayang paalisin dahil mababait naman ang mga iyon. Nang dahil sa mga lalaking 'yon ni piso hindi niya nagagastos dahil sa mga libre nila—kahit ayaw ni Hera ay laging may nakahanda ng pagkain para sakaniya sa tuwing dumarating siya sa cafeteria. Sa sobrang dami ay hindi niya na maubos.
Napangiti na lang siya sa pinanggagawa ng mga ito.Tila tumigil ang paghinga niya nang marinig ang malutong na sampal—hindi lang narinig damang-dama niya rin ang hapdi ng pisnge. Hindi niya napaghandaan ito.
Mula ng magising siya ay ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng pisikal man o emosyonal na sakit dahil alagang-alaga siya ng papa. Ngayon niya lang 'to naranasan simula no'ng mag-aral siya.Kasama ba to sa buhay kapag nasa labas ka ng tahanan mo na nagsisilbing comfort zone mo?
Mukhang tatanggapin niya na lang 'to bilang isang panibagong karanasan sa buhay.
Lahat naman siguro ng nasa kaedaran niya ay naranasan ng mapabilang sa mga away.
Sa kaisipang 'yon ay dirediretso siyang naglakad at hindi na sila nilingon pa.Tuloy-tuloy ring umagos ang mga luha niya.
Siguro ayos lang na nasampal siya dahil sa wakas alam niya na ang pakiramdam ng umiiyak. Pero bakit parang ang sakit sakit ng puso niya?
Iyong sampal na nakuha niya ay parang hindi na bago. Pakiramdam niya ay sanay na siya don.
Pero wala naman siyang maalala na sinampal siya ng papa.
Hindi nito kayang gawin yon, ni pagalitan ay hindi niya rin naranasan sa ama. Lagi lang itong naka-ngiti pagmagkasama sila.
Alagang-alaga niya siya na kung pwede ay huwag madapuan ng lamok.
BINABASA MO ANG
Desiring my Professor (Dark Series Book 1)
General Fiction'Who I am? What happened to me? Why I can't remember anything. All i know is i woke up didn't know how to walk, how to speak completly, it feels like I'm a new born baby but the opposite are i have a grown ups body. I'm so weak that i can't even mo...