Enjoy Reading, HoneyHUMINGA ng malalim si Hera habang naka tingala sa gate na sabi ng papa niya ay paaralan daw kung saan napili nitong pag-aralin siya. Ito ang unang beses na makaka tapak siya sa lugar na iyon. Unang beses na mag-aaral sa paaralan at hindi na sa bahay tinuturuan.
After she woke up that day four years ago, nalaman niya ang dahilan kung bakit wala siyang maalala at kahit ang pag bigkas ng mga salita ay nahihirapan siya. Iyon ay dahil matagal na pala siyang natutulog sa kamang 'yon mula no'ng limang taong gulang pa daw siya.
"Tu-b-big.." bigkas niya habang nag-uusap ang papa niya at ang tinawag nitong 'Doc'. Agad naman nila siyang binigyan at hindi nagkasya ang isang basong tubig sa dalaga, agad din ulit siyang nanghingi ng panibagong baso hanggang sa naka apat na basong tubig siya.
Pagkatapos maubos 'yon ay nakaramdam siya ng kaunting kaginhawaan sa lalamunan.Pagkatapos ng mga ilang linggong pag-o-obserba sa dalaga, ay sinabi rin ng Doctor na maayos na daw ang lagay niya. Simula rin 'non tinulungan siya ng ama kung papaano maglakad na parang batang bago palang nag-sisimula. Mula sa paglalakad pati narin sa pananalita hanggang sa may kinuhang 'Tutor' daw ang tawag don–ang ama niya para makapag-aral siya.
Sa tatlong taon ay ang tanging ginawa niya lang ay ang mag-aral. May mga test na pinasubok sa kaniya para ma-accelerate at makasabay sa pag-aaral ng mga kaedaran niya.
At ngayon nga ang araw na iyon dahil naipasa niya lahat ng mga test."Anak, ang paalala ko sayo. Huwag na huwag kang sasama sa kahit na kanino." Paalala ulit ng kaniyang papa. Hindi naman kasi ito ang unang beses na lumabas siya ng bahay. Sa tuwing walang trabaho ang papa niya ay lagi niyang inilalabas sa bahay ang dalaga para matutuong makihalubilo sa ibang tao.
"Opo. Pero papa, pag may kumausap po sa akin anong gagawin ko?" Tanong nito habang inaalala ang unang pangyayaring may nagtanong sa kaniya isang araw sa mall kung nasaan daw ang C. R.
"MISS saan 'yong daan papunta sa C.R?" Magalang na tanong sakaniya ng isang ginang.
Bakit C.R agad ang tinanong niya dapat tinanong muna niya kung saan banda 'yong bahay namin kasi may C.R doon.
"Sa bahay po. May C. R don" naka-ngiting sagot ng dalaga. Luminga-linga rin siya sa paligid para hanapin ang kaniyang ama. Ang sabi nito bibili daw ito ng Ice cream para sa kaniya.
"Huh?"
Napa-angat ulit siya ng tingin sa taong nagtatanong sakaniya- na ngayon ay nakatingin sakaniya na parang hindi maka-paniwala. Bahagya pang naka bukas ang mga labi nito."Ginagago mo ba ako bata?!" Hindi makapaniwalang pasigaw nitong bulalas muli.
Napakunot narin ang noo ang dalaga. "Naku! hindi po ah. nagtatanong po kayo kaya sinasagot ko po kayo ng maayos. Kasi sabi ni Papa pag may kumausap daw sa akin kausapin ko daw ng maayos para good girl daw ako. Pero kayo, bad po kayo kasi sinisigawan mo po ako." Nakapamewang pa'ng turan ng dalaga.
Inirapan lang ito ng ginang pagkatapos ay bubulong-bulong ng "such an Idiot. ""What happend baby? " Nag-alalang tanong ng kaniyang ama nang bumalik na ito habang naabutan ang anak na nakakunot-noo sa papalayong bulto ng isang babaeng 'bad girl'
"May nagtanong po kasi papa kung saan daw 'yong C. R"
Sagot niya habang nakasimangot parin. Hindi matanggap na may umirap sa kaniya. Sanay siya sa mapag-mahal niyang ama na laging nakangiti sa kaniya."What did you say?" Nakangiting tanong ng kaniyang papa.
Naku!kung alam lang nito na inirapan lang siya nung babae imbes na magpasalamat.
BINABASA MO ANG
Desiring my Professor (Dark Series Book 1)
Ficção Geral'Who I am? What happened to me? Why I can't remember anything. All i know is i woke up didn't know how to walk, how to speak completly, it feels like I'm a new born baby but the opposite are i have a grown ups body. I'm so weak that i can't even mo...