CHAPTER 26

978 23 0
                                    

Warning: SPG AHEAD

Enjoy reading, Honeys.

Tiningala niya ang mataas na gate ng Donovan University. Walang nagbago ngunit maraming estudyante'ng dumagdag. Namiss niyang mag-aral. Medyo kinakabahan siya dahil ito na ang panibagong hakbang para sa pangarap niya. Hindi na siya senior High School dahil isa na siyang College student. 

Napalingon siya sa umakbay sa kaniya at nakita niyang si Lucas iyon kasama sila Tiffany, Kyle at Joshua.

"Sabay-sabay na tayong pumasok." Anito sa kaniya.

Tumango naman siya bilang sagot. Firts day ng pasukan at sobrang daming estudyanteng may kani-kaniyang mundo.
Dati no'ng pumasok siya rito ay walang siyang kakilala ni isa, pero ngayon ay may kasabay na siyang naglalakad sa hallway.

Ito ang paaralang nagbigay sa kaniya ng mga kaibigan at syempre nakilala niya si Niccolas. Kung hindi kaya siya rito pinag-aral ng papa niya, posible kayang hindi magtagpo ang landas nila?

"Ang lalim ng iniisip natin ah." Puna sa kaniya ni Lucas.

"Anong 'natin'? Ako lang ang nag-iisip kaya." Sikmat niya rito.

Bumuntong hininga naman si Lucas ganun din ang iba pa niyang mga kaibigan.

"Heto! na naman tayo." Natatawang ani Joshua.

"Pero ang mahalaga hindi na siya gaanong literal mag-isip katulad no'ng dati." Puna ni Tiffany.

Mukha lang siyang nakikinig ng mabuti pero sa totoo lang ay hindi naman talaga niya maintindihan ang pinagsasabi ng mga kaibigan.

Habang naglalakad sila ay napaka-ingay nila. Puro asaran at tawanan lang naman ang ginagawa nila kapag pagkakasama sila.

Bigla siyang napaisip kung nasaan na si Sofia.
Ipinagsawalang bahala na lang niya ang katanungan.
At dahil magkakaiba naman sila ng kursong kinuha ay hindi na sila magkaka-klase. Merong ibang subject na magkaka-klase sila pero mas marami ang wala.

"Goodluck mga babes." Ani Tiffany na naka-ngiti sa kanila. 

Nagkani-kaniya silang daan patungo sa mga section nila. Huminga siya ng malalim bago pinihit  ang pinto pabukas. Panibagong taon, panibagong yugto.

Sa may tabing bintana siya banda umupo. Habang wala pang gurong pumapasok ay pinagmasdan niya na lang muna ang tanawin sa labas. Hanggang ngayon ay hindi parin niya maiwasang hindi mamangha sa lawak ng university.

Nang bumukas ang pintuan ay pumasok doon ang napaka-gawapong si Niccolas. Kailan ba ito naging pangit?
Napaka-simple lang ng suot nito pero taglay parin n'on ang pagiging marangya. Kahit ata basahan ang suotin ng binata ay gwapo parin ito.

"Good morning." Naka-ngiting bati nito sa kanila.

Kani-kaniya namang greet ang mga kaklase niya.
Pero siya ay walang lumalabas na salita sa bibig niya dahil napako lang ito sa binata na naglilibot ang tingin hanggang sa mapako ang mata nito sa kaniya.
Mabilis at malakas na kumalabog ang puso niya. Simpleng sulyap lang nito sa kaniya ay
naghuhurmentado na ang puso niya.

Tumagal ng ilang segundo silang nagtitigan bago ito bumalik sa pagiging seryoso.

Tumikhim ito upang kunin ang atensyon ng mga kaklase niya.

"Gusto ko lang malaman niyo na hanggang first semister niyo lang ako makakasama dahil mag-re-retiro na ako sa pagiging guro." Tumingin ito sa kaniya.

Siya naman ay naka-awang lang ang bibig dahil hindi siya makapaniwala. Why?

"Anyway, Since it's just first day of school, I'll just give  you a light research.."

Desiring my Professor (Dark Series Book 1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon