CHAPTER 16

921 24 2
                                    


Enjoy reading,Honeys

Kapag masaya ka mabilis lang lumipas ang oras ng hindi mo namamalayan.
Nakatayo si Hera sa gitna ng stage upang ibigay ang kaniyang Valedictorian speech.
April-10-2021 she graduate senior high school.
Sobrang saya niya dahil ngayon din ang araw ng 18 birthday niya. Hindi niya rin inaasahan na siya ang valedictorian.
Bago siya bumaba mula sa stage ay sinulyapan ulit niya si Sir Clinton na kanina pa nakatitig sa kaniya.
Nang mapansing nakatingin siya dito ay nginitian siya nito.
Mabilis namang tumibok ng mabilis ang puso ni Hera.
Oras, araw at buwan man ang lumipas hindi parin nagbago ang nararamdaman ni Hera. Tulad parin dati, tumitibok parin ang puso niya ng mabilis para sa binata.

"Congratulation,Princess,"
Agad niyang niyakap ang ama nang makakababa siya mula sa stage.

"Thank you so much,"
Sa sobrang tuwa niya ay napaluha siya.

"Congratulation, Our little sis," Masayang ani Lucas.

Mabilis siyang kumalas sa yakapan nila ng ama upang yakapin ang mga kaibigan.

"HAPPY BIRTHDAY!"
Bati naman nila sakaniya

Wala siyang masabi kundi ang magpasalamat.
Alas-syete na ng gabi nang makauwi sila.
Ang sinabi ng mga kaibigan niya ay ise-celebrate daw muna nila ang 18 birthday niya ngayong gabi.
Ang gusto naman ng ama niya ay mag dinner sila isang mamahaling restaurant. Tapos si Sir Clinton naman ay may pa- surpresa daw iyon sa kaniya ngayon ding gabi.
Hindi niya alam anong uunahin.

"Pa, maganda po doon sa hideout namin. Doon na lang po tayo,"
Kinumbinse niya ang ama'ng doon na lang. Wala naman kasi silang kasamang mag-celebrate ng birthday at graduation niya.

"Alright," Nakangiting ani ng ama.
Napahiyaw naman ang mga kaibigan  niya dahil sa sagot ng ama.

"Hindi ba kayo hahanapin sa inyo?"
Kunot-noo'ng tanong ng ama niya sa mga kaibigan

"Naku! Sabi ko kila mom, bukas na iyong celebration ko," Si Joshua ang unang sumagot. 

Sumunod naman si Lucas. "Same"

Ganun din ang sinabi ni Kyle. Siya at ang papa niya ay napatingin kay Tiffany.

"Ahm.. wala namang mag-si-celebrate,"
Mapait na ngumiti si Tiffany sa kanila.

Napatahimik silang lahat.Tiffany was really going through unto something. Family problem perhaps.

"Syempre! meron na ngayon. Mag-si-celebrate tayo."
Lahat sila ay napangiti dahil sa tinuran ng ama.

Mabilis ding bumalik ang tuwa sa mukha ni Tiffany.

Siya at ang ama ay sumakay sa taxi nila.  At ang mga kaibigan naman niya ay kay Lucas sumakay.

Habang nasa byahe sila papunta sa hideout nila ay nagpaalam siya sa ama. Sinabi niya ritong may makikipag date sa kaniya. Bago matapos ang araw na ito, ang birthday niya ay makikipagkita siya sa professor upang ipagdiwang ang kaarawan niya.
Hindi niya maiwasang ma-excite at the same time kabahan.
Is this the day were going to bs official?

"Okay pero lahat ng palala ko sayo huh? huwag mong kakalimutan,"
Bilin sa kaniya ng ama.

hindi rin nagtagal ay nakarating sila sa Club na pagmamay-ari ng magulang ni Lucas. Masaya siyang kinaladkad ang ama paakyat sa hideout nila.
Wala na ang mga kaibigan niya sa baba kaya siguradong nasa taas na ang mga ito.

"HAPPYY BIRTHDAY"

Masayang sigaw ng mga kaibigan niya.
Agad na dumako ang mata niya sa cake na hawak-hawak ng mga kaibigan.
Tulad ng birthday ni Tiffany, may limang kandila don.
Sabay-sabay silang pumikit at nag-wish.
Sabay-sabay rin nilang hinipan ang kandila.

Desiring my Professor (Dark Series Book 1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon