CHAPTER 7

1.1K 33 0
                                    

Enjoy Reading Honeys

Ang bawat estudyante ay nae-excite sa paparating na Intramurals. Pagkatapos nilang mag-exam ay nag-announce din ang school na may magaganap na Intramurals. Maraming activity ang magaganap , tulad ng mga sports, singing contest, dance contest na may iba't-ibang category. Hindi niya rin maiwasan ang hindi ma-excite.
Lahat ng estudyante ay obligadong sumali sa mga activities. Ang buong mag-aaral sa Donovan University ay hinati sa sampung grupo. Ang nakakatuwa 'don ay sa bawat grupo ay magkahalong Junior high students hanggang sa college students. Para daw hindi lugi ang mga estudyanteng nasa Junior High pa.

"Sana magka-team tayo," Masayang hiling ni Tiffany.

Gusto niya rin itong maka-team dahil wala naman siyang gaanong ka-close sa mga ibang estudyante.

"Oo nga, sana magkaka-team tayo," Segunda ni Lucas.

Ang dalawa ay tumango rin. Lahat sila ay gustong makasama ang isa't-isa.

"Pero wala naman tayong magagawa kung hindi tayo magkakasama," Malungkot na saad ni Hera.

"Ayos lang yun,"  Pag-aalo sa kaniya ni Kyle.

"Ayos lang na magkakalaban tayo?" Inosenteng tanong ni Hera.

Tumawa lang si Kyle. "Ano ka ba, laro lang yon," 

"Sasali talaga ako sa singing contest," Masayang pahayag ni Tiffany.

Umakto namang parang nasusuka si Joshua.
"Huwag na, parang awa mo na,  maawa ka naman sa mga kapwa mo ka-magaral," Si Joshua na sinabayan pa ng sign of a cross.

Pinaikot lang ng mata ni Tiffany si Joshua. "Ang dami kayang na-iinlove sa boses ko,"

Totoo 'yon, minsan niya na itong narinig kumanta at masasabi niyang maganda nga ang boses nito. Nakaka-kalma, na kapag pinagputoy mong makinig makaka-tulog ka dahil sa malamyos na boses nito.
Samantalang, siya ay hindi pa alam kung ano ba talaga ang talent niya. Hindi niya rin alam kung anong sport ang kaya niyang laruin. Mukhang taga cheers na lang siya sa magiging ka-grupo niya. Wala silang mapapala sa kaniya!

"Hey! bakit ganyan itsura mo little babe?" Tanong sa kaniya ni Lucas. Sanay na siya sa tawag nito sa kaniya.

Nakasimangot na sumagot siya. "Eh! kasi hindi ko alam hanggang ngayon kung anong talent ko."

"Eh! sa wala ka naman talagang talent" Nagbibirong sabi ni Kyle.

Tumango siya bilang pagsang-ayon.

"Hoy! joke lang yon, darling" Biglang bawi ni Kyle.

Sanay narin siya sa tawag nito sa kaniyang Darling.

"Pero kasi totoo naman e," Aniya

"Sumali ka na lang sa kung anong activities ang magugustuhan mo, kumbaga ikaw yung panira sa grupo niyo, baby girl," Tumatawang suhestiyon ni Joshua.

Sa tawag ng mga ito sa kaniya, pakiramdam niya ay siya ang bunso nila, pero hindi naman magakakalayo ang edad nilang lahat , magkaka-iba lang ng Months. Pero si Kyle, lucas at joshua ay 18 na.  Turning 18 narin si Tiffany.

"Sumali ka na lang sa sayaw. Pag hindi mo kaya, edi huwag mo ng ipilit," Si Tiffany.

Mukhang 'yon lang ang magandang payo'ng narinig niya.

"Thank you," Masayang ani ni Hera at niyakap pa si Tiffany.

"Naku! maliit na bagay," Si Tiffany.

"Huwag ka lang hihingi ng advice sa tatlong bugok na 'yan dahil wala kang mapapala," Dagdag ni Tiffany habang itinuturo ang tatlong lalaking kaibigan.

Desiring my Professor (Dark Series Book 1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon