CHAPTER 25

864 17 0
                                    

Happy Reading.

PAPALUBOG na ang araw nang makarating sila sa isang napaka-habang bridge na wala masyadong dumadaang sasakyan. Sa ibaba ng bridge ay isang malawak at malalim na lawa. Napapikit siya nang tangayin ng hangin ang buhok niya. Hinayaan niya lang iyon at hindi na inabala ang sarili na ayusin.
Indeed, this place is so relaxing.
Hindi natagal ay naramdaman niyang inakbayan siya ng binata, tulad niya ay naka-titig din ito sa papalubog na araw.

"So relaxing, isn't it?" Kapagkuwan ay tanong nito sa kaniya.

"Yeah" Tanging iyon lamang ang naisagot niya.

Napakalawak ng kalsada at parang sinadya iyon para sa mga taong titigil upang pagmasdan ang magandang kapaligiran. This kind of peace is the one she needed. A peace that only nature can give.

"Thank you so much for bringing me here." Puno ng sensiridad niyang pasasalamat sa binata.

Niccolas lovingly smiled at her.

"Come here, I'll give you a hug."

Nang dahil sa narinig ay mabilis niya itong niyakap ng mahigpit. Ah, if the beauty of the nature gives him peace, One hug from her Niccolas can give her Comfort. And one 'I love you' from her father gives her motivation. She is lucky, indeed.

Ang kaninang takot niya ay pansamantalang nawala.
Napalitan iyon ng purong kasiyahan.

Nang medyo madilim na ay napagpasiyahan nilang umuwi na. Tumawag kasi ang papa niya at pinapa-uwi na sila.

Kumunot ang noo niya nang mapansing tila hindi mapakali ang binata habang naka-tutok parin ang atensiyon sa pagmamaneho.

"Ayos ka lang?" Tanong niya.

Pilit itong ngumiti sa kaniya na nauwi sa ngiwi.

"Bakit?" Tanong niyang muli.

"Ahm.. sabi ko kasi sa- papa mo.. sandali lang tayo." Naka-ngiwing pahayag nito.

Mas lalo lamang kumonot ang noo niya. "So, what?"

Bumuga muna ito ng marahas bago siya sinagot. "Nangako akong iuwi ka ng maaga."

Natatawang naiiling siya. "Takot ka kay dad-hmm. Mas sanay na ako sa papa. Takot ka kay, papa?" Natatawang tanong niya.

"Yes.. i mean.. No." Sumimangot ito habang umiiling.
"It's just.. that... baka kapag pinaalam kitang ilabas muli ay hindi na ako payagan ni Tito Enruque." He explained.

"Mabait naman si Papa. Ako na bahala 'don." Kinindatan pa niya ang binata.

Ang binata naman ay lihim na napamura.

Damn! She is so sexy while winking at him.

Nang makarating si Hera at ang binata sa bahay niya ay inaya niya itong pumasok. Mag-pipito na nang gabi bago sila nakarating dahil medyo may kalayuan ang pinanggalingan nila.

"Good evening, papa" Bati niya sa ama na naka-abang sa labas ng pintuan nila.

"Anong oras na, Hera?" Tanong ng ama.

Napakunot naman ang noo niya. Huh? Why? Wala ba itong relo?

Nalilito man ay sinagot parin niya ang ama. "Exactly, 7:00 pm."

"Pasenisya na po, ginabi kami." Hinging paumanhin nf binata kaya naman dito natuon ang titig ng ama.

"Sabi mo mabilis lang kayo sa labas?" Matiim itong nakatitig sa binata. Ang binata naman ay tila hindi mapakali habang nakatayo sa harap ng ama.

Desiring my Professor (Dark Series Book 1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon