CHAPTER 24

931 20 2
                                    

Happy Reading.

ISANG MAHIGPIT na yakap ang sumalubong kay Hera. Ginantihan din niya ang ama ng mahigpit na yakap. Habang yakap ang ama ay saka lang niya naramdaman ang pangungulila rito. Ang yakap ng kaniyang ama ay sapat na para madama niyang sapat na ang pagmamahal ng isang ama para magpatuloy siya. Hindi niya kailangan ng ina'ng aabusuhin lang siya. Hindi niya kailangan ng ina'ng tatalikuran lang siya. Her father is enough, her father's love is enough.

"I miss you, papa" Nalaglag ang isang butil ng luha sa kaniyang mga mata.

Mas lalo namang humigpit ang yakap sa kaniya ng ama. "I miss you more, sweetie"

Kapagkuwan ay humarap ang ama kay Niccolas. "Thank you hijo for bringing back my princess" Ngumiti ito kay Niccolas.

Ano kayang nangyari no'ng wala siya rito? Mukhang close ulit ang papa at ang Niccolas niya e.

"Wala po iyon" Sagot ng binata.

"Well..." Her father trailed off.
"Siguro naman nakikilala mo pa siya Hera. Si Nicco ang kalaro mo dati."

Napangiti siya sa sinabi ng ama." Opo, naalala ko na po siya."

"Pasok na tayo." Ani ng ama.

Ang binata naman ay idineritso sa kwarto niya ang malete niya. Sumabay narin siya rito.

"Salamat" Pasasalamat niya nang maipasok nito ang may kaliitan lang namang maleta niya.

Ngumiti lang ang binata bilang sagot bago ipinagpatuloy ay pagtingin sa bahuohan ng kaniyang kwarto. She missed her room too.

"May i ask you something?" Mababakas sa itsura ng propesor ang pag-aalanganin.

Kumunot naman ang noo niya pero tumango parin siya.

"Anong nangyari sa dating bahay niyo? May tao pa ba doon?" Tanong nito.

Siya naman ay napa-isip narin. Sa kaisipan palang na babalik siya sa bahay na iyon ay nanghihina na ang mga tuhod niya. Nanginginig at nanlalamig na ang mga palad niya. Puro sakit at karahasan lang ang maalala niya sa bahay na iyon kaya hangga't maari ay ayaw na niyang bumalik doon.

"Hey, baby?" Napatalon siya sa gulat nang yakapin siya ng binata. Sa sobrang pag-iisip ay nakalimutan niyang nasa tabi pala siya nito.

"I'm here" Bulong nito sa kaniya.

Ipinikit niya ang mga mata at huminga ng malalim. "Hindi ko rin alam kung ano ng nangyari sa dating bahay namin." Sagot niya rito.

"Pasensiya na, itinanong ko pa" Hinging paumanhin ng binata na nanatiling nakayakap sa kaniya.

Sobrang sarap talaga sa pakiramdam na kayakap ito, pakiramdam niya ay ligtas siya sa mga bisig nito.

"Marami rin akong gustong itanong kay papa" Sambit niya.

Dahil hanggang dibdib lang naman siya ng binata ay damang-dama niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito. Naka-dampi ang pisge niya sa dibdib nito kaya naman damang-dama niya ito.

NAKATANAW LANG SILA ng ama sa binata habang nagluluto ito ng pananghalian. Nagprisenta namang magluto ang ama kaya lang ay siya na ang pumigil dito. Baka kasi hindi malunok ng binata ang luto ng ama niya. Kung siya lang ay ayos lang dahil sanay naman siyang kainin ang luto ng ama pero kung si Niccolas...Nah! Baka isumpa nito ang luto ng ama niya.
Sanay ito sa masasarap na pagkain, alam niya iyon.

"Nasaan si daddy mo?" Tanong ng ama habang matiin paring nanunuod sa bawat galaw ni Niccolas.

Saglit na humarap sa kanila ang binata. "As usual, busy po sa kompanya." Pagkatapos ay pinagpatuloy nito ang pagluluto.

Desiring my Professor (Dark Series Book 1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon