Enjoy Reading honeys
Nagising ang dalaga'ng hinahabol ang hininga. Sapo niya ang ulo at ang kaliwang kamay ay nasa puso.
Napakabilis ng tibok niyon at ang ulo niya ay parang pinukpok ng kung anong matigas na bagay dahil sa sakit.
Kinalma niya ang sarili at lumabas sa kwarto para uminom ng tubig.
Isang masamang panaginip? Pero bakit naman niya papanaginipan ang mga bagay na iyon.Bakit pamilyar sa kaniya iyon? Nakita na niya iyon. Hindi niya lang maalala ng maayos. Pero kailan naman niya nakita iyon? Imposible!
Pagkatapos uminom ng tubig ay napaupo siya sa sahig. Nanghihina parin siya. Ang kaninang sakit ng ulo ay mas lalong lumala.
Kahit nahihirapan ay bumalik siya sa kwarto at doon tinabunan ang kumot ang buong katawan.
Hindi na nagpaawat ang mga luha niya at kusa iyong tumulo.
Binaon niya ang bunganga sa unan niya para hindi marinig ng papa niya ang pag-iyak niya.
Kaya pa niyang indain ang sakit. Hindi siya hihingi ng tulong."Aaaahhhhh! Please stop!" Sa gitna ng mga hikbi niya ay nagawa niyang magmaka-awa.
Mas lalo lang sumakit ang ulo niya ng tila pamilyar sa kaniya ang lumabas sa bibig na para bang gawain niya na iyon."Oh god! No-no-noo!" Hindi niya rin alam ang mga lumalabas sa mga bibig niya. Ang alam niya ay mas lalo lamang sumakit ang ulo niya kasabay non ay ang malabong mukha at boses ng isang batang babaeng nagmamaka-awa ang naririnig at nakikita niya.
Bago pa man niya makita ng maayos ay biglang pamamanhid ng buong katawan niya kasabay non ay ang pandidilim ng paningin niya.KINABUKASAN ay nagising ang dalaga sa nag-iingay na alarm. Inaantok na bumangon siya at pinatay ang alarm. Bago pa man siya makatayo ay naalala niya ang panaginip kagabi. Hindi niya maalala kung panaginip rin ba ang paglabas at paginom niya ng tubig sa kusina.
Kung totoo iyon ay dapat masakit ang ulo niya pero wala naman siyang maramdamang sakit sa katawan niya. Normal na tumitibok ang puso niya at hindi rin masakit ang ulo niya.
Nakatulala siya habang naglalakad papasok ng banyo.Wala sa sariling nag toothbrush siya. Napatingin siya sa salamin at napagtantong namamaga ang mga mata niya. Umiyak ba talaga siya? O baka naman kinagat ng ipis ang mata niya? Pero imposibleng dalawang mata niya ang kinagat ng ipis.
Ipinilig niya ang ulo nang magsimula na namang bumalik ang masamang panaginip sa isipan.
Matapos magbihis ay naglakad siya papuntang kusina para mag-almusal."Goodmoring, Pa." Hinanda niya agad ang ngiti bago humarap sa ama at nagsimulang kumain.
Ang ibang hotdog ay nangingitim pa dahil nasunog. Pero ayos lang sanay na siyang kainin ang luto ng ama.
Parehas lang din naman sila ng ama, hindi rin siya marunong magluto."Goodmorniny, My princess," Ang papa niya habang humihigop ng kape at nagbabasa ng diyaryo.
Nang matapos mag-alumsal ay hinatid na siya ng ama sa paaralan.
"Mag-iingat ka, nak," Paalala ng ama.
Tumango siya at ngumiti sa ama. "Kayo rin po." Humalik siya sa pisnge ng ama bago dumiretso na sa loob ng paaralan.
Isinantabi niya ang kunting takot sa puso. Wala namang kaugnayan sa kaniya ang panaginip na iyon. Masamang panaginip lang iyon at mananatiling masamang panaginip.
Nang makarating sa classroom ay nandon na ang adviser nila. Matagal din itong nawala at ngayon ang balik niya. Maayos na daw kasi ang kalusugan nito.
Binati nilang lahat ang adviser nila. Masaya ang dalaga dahil maayos na ito. Mas napangiti si Hera nang mapansing si Sofia'ng nasa dating upuan nito.
Lihim siyang nagpasalamat kay Professor Clinton.
Pero mas gusto niya ang tawagin itong Niccolas. Kaya lang ay kawalang respeto naman ata iyon dahil estudyante siya at guro iyon. Sa isipan niya na lang tatawaging Niccolas ang propesor.
BINABASA MO ANG
Desiring my Professor (Dark Series Book 1)
General Fiction'Who I am? What happened to me? Why I can't remember anything. All i know is i woke up didn't know how to walk, how to speak completly, it feels like I'm a new born baby but the opposite are i have a grown ups body. I'm so weak that i can't even mo...