Enjoy reading,Honeys
Hindi katulad kahapon na nagising siyang walang masakit sa katawan, ngayon ay nagising siyang namimilipit parin dahil sa sakit ng ulo.
Halos hindi niya na makita ng nilalakaran niya dahil sa mga bagay na nakikita niya. Hindi na siya nananaginip, umaga na pero bakit parang nasa harap niya lang ang mga scenariyong hindi niya naman maintindihan. Pinilit niya ang sariling makapasok sa loob ng banyo. Napadausdos siya ng upo sa basang sahig ng banyo. Kahit may damit pa ay kinuha niya ang tabo at ibinuhos sa ulo ang malamig na tubig, nagbabakasakaling mawala ang sakit.Kung nanaginip parin siya ay gusto niya ng magising.
Buti na lang ay habang tumatagal siya sa banyo ay unti-unti naring nawala ang sakit.
Mabilis niyang tinapos ang pagligo at nagmamadaling nagbihis. May pasok pa sila kaya kailangan niyang magmadali. Late na ulit siya.
Buti na lang pagbaba niya ay nakahanda na ang pagkain niya. Tapos naring mag-almusal ang ama at hinihintay na lang siya."Akala ko hindi ka na papasok," Ani ng ama.
Mabilis niyang ininom ang isang basong gatas at hindi na siya kumain.
"Tara na po, late na ako. Doon na lang po ako kakain," Mabilis niyang aya sa ama.
Sana naman ay papasukin siya nung guard. Late na siya sa first subject at baka hindi na talaga niya iyon maabutan.
Nang makarating sa university ay mabilis siyang nagpaalam sa ama. Buti na lang ay pinapasok parin siya nung guard kahit late na siya. Kaya lang ay isang late ulit pa niya ay hindi na daw siya makakapasok unless may kasama siyang guardian o parents.
Patapos na ang unang subject nila nang makarating siya sa classroom nila.
Nang dumating ang panglawang subject nila sa umaga ay lumulutang ang isip niya. Kahit anong gawin niyang pakikinig ay wala paring pumapasok sa utak niya.
Gulong-gulo na siya dahil sa mga nangyayari sa kaniya. Gusto niyang maniwala na masamang panaginip lang ang mga iyon, na hindi iyon konektado sa pagkatao niya pero hindi niya mapaniwalaan ang sarili ng buo. May parte sa kaniyang nagsasabing posibleng konektado ang lahat ng napapaniginipan niya sa nawawalang memorya niya nong pagkabata."HOY! tulala ka riyan?" Halos mapatalon pa siya sa gulat dahi sa tinuran ni Tiffany.
"Ay!gulat na gulat 'te! Kanina ka pa nga namin kinakausap," Tinarayan pa siya ng kaibigan.
Nasa cafeteria sila ngayon dahil lunch break na.
Huminga siya ng malalim at napagdesisyunang huwag nang isipin ang mga masamang panaginip.
Dapat ay nagsasaya na lang siya kasama ang mga kaibigan."Pasenseya na, medyo inaantok kasi ako,"
Totoo naman kasing inaantok siya pakiramdam kasi niya ay dalawang gabi na siyang hindi natulog.Nakakatulog nga siya pero sa pagpikit niya masamang panaginip ang sasalubong sa kaniya. Siguro mas magandang hindi na lang matulog.
"Nagpupuyat ka? Pero bakit?" Tanong agad ni Lucas.
Magsisinungaling na naman ba siya? Oo .
"Ah...eh.." napakamot pa siya sa ulo.
"Anong Ah eh, may balak ka ba'ng mag a e i o u"
Napatawa siya dahil sa sinabi ni Joshua
"Ano kasi, may nakita akong magandang game kagabi kaya sinubukan kong i download, hayun nagustuhan ko,"
Napangiwi pa siya sa kasinungalingang hinabi."Naku! Baka matulad ka dito sa bugok na si Joshua ah!" Tinuro pa ni Tiffany si Joshua
Agad naman itong umalma. "Hoy! Dahil sa online gaming ko kumikita ako ah,"
Totoo iyon, nalaman nilang nala-live ito at marami itong viewers dahil sa galing nitong maglaro ng Mobile Legend.
"Akala mo naman naghihirap na kayo," Si Kyle binatukan pa si Joshua.
BINABASA MO ANG
Desiring my Professor (Dark Series Book 1)
Fiction générale'Who I am? What happened to me? Why I can't remember anything. All i know is i woke up didn't know how to walk, how to speak completly, it feels like I'm a new born baby but the opposite are i have a grown ups body. I'm so weak that i can't even mo...