Twenty-two
"Mamaaaaaaa!" tili ng kambal nang makita akong bumaba ng sasakyan. Naluluhang tumakbo ako palapit sa mga ito, saka mahigpit na niyakap sila.
"Nasaan si Papa? Akala ko ba may Pap na kami pagbalik? Tita-ninang lied to us, Hali!" ani ni Hiraya. Mangiyak-ngiyak na lumayo sa akin. Saka tumakbo palayo. Sinundan agad ito ng Yaya nito. Sinulyapan ko si Hali. Bahagya itong ngumiti, pero dama ko ang lungkot sa mukha nito.
"Ayos lang 'yon Mama, nag-expect lang siguro kami po na makikita na namin ang Papa namin." Malungkot na sabi nito."Puntahan ko lang po si Hiraya. Nagtampururot na naman po." Sabi pa ni Halina, pero may naglandas ng luha na mabilis nitong pinahid.
"A--nak!" tawag ko rito. Ngunit umalis na ito. Mukhang umasa talaga ang mga ito na may ama na silang makikilala kapag umuwi ako.
"C-ara!" si Belle na naluluha na rin sa pagkahabag sa akin."I'm sorry."
"Ayos lang, excuse me." Sabi ko rito. Hindi ko maiwasang magtampo rito. Kung hindi sila sumang-ayon ay hindi sana ganito ang sitwasyon ko ngayon. Tinatawag ako nito, narinig ko pa ang paghikbi nito. Mababaw lang talaga ang luha nito.
"Kapekpek!" natatawang binalikan ko ito. Hindi ko matitiis ang bestfriend ko. Mabilis ako nitong niyakap. Iyak ito nang iyak. Sa dami na ng pinagdaan namin ni Belle, nauunawaan ko naman kung bakit gusto nitong maging okay na kami ni France eh. Iniisip din nito ang happiness ko.
"I'm sorry, akala ko kasi makatutulong si France para maging okay ka na. Hindi ko naman alam na sawa ka na sa t*ti n'ya." Bastos din talaga ang bunganga nito. Well, it's a tie.
"Anong tingin mo? Nangulila ako sa daks n'ya? Hindi 'no!" ani ko rito na natatawa.
"Pero kung makahalinghing ka, Gaga. Pwede ko na n'gang ibenta sa mga p*rn site 'yong mga videos n'yo."
"Hoy, pinanood mo kami?"
"Aba, bagong kaalaman mas better. Lalo pa't marami na ang gustong magpa-mentor sa akin."
"Seryoso?"
"Oo nga, ikaw magpa-enrol ka na. May session kami ng mga student ko."
"Hindi ko naman kailangan 'yan. Mas expert pa ako sa'yo." Ngumisi ako rito.
"Mas expert ako sa'yo. Ilang taon kang tigang habang ako gabi-gabi." Mayabang na sabi nito. Napanguso ako, totoo naman.
"Tsk, may s*x toy naman."
"Dah, kilala kita. Ma-pride kang tao. Hindi ka aasa sa mga s*x toy. Tiyak na t*ti pa rin ni France ang hinahanap-hanap mo." Nakangising sabi nito na ikinatawa ko.
"I miss you so much, bff!" sabi ko rito.
"Tsk, may pakaway-kaway ka pa noon sa simenteryo. Pwede mo naman akong tawagan. Sinayang mo pa ang luha ko no'n. Grabe ka!"
"Sorry na, alam mo namang kailangan ko munang lumayo. Ayoko kayong madamay dahil sa gulo ng buhay namin ni Kuya Thomas. Kailangan ko lang lumayo upang maging ligtas kami ng mga anak ko. Hindi rin madali ang magbuntis sa kambal. Ayokong madamay sila sa panganib na dulot ng yamang mayroon ang mga Arguilla."
"Hay, ano na bang balita?"
"Kayang-kaya naman nang i-handle ni kuya ang mga iyon. Ligtas na nga kami, kaya pinauwi na kami ni kuya rito. Pero sa tingin ko, mas mabuting bumalik din kami ng mga bata pagkatapos ng bakasyon. Mas payapa sa Isla." Sabi ko rito.
"Paano 'yan?" turo nito sa t'yan ko. Alam na alam talaga nito. Tiyak n'gang sumubaybay ito sa mga ganap namin ni France sa Isla.
"Dating gawi, solo flight. Kaya ko naman."
"Hindi kaya pagiging selfish na 'yan? Wala kang balak gawin parte ng buhay ng mga anak mo si France? Alam nating nagkamali 'yong tao, pero hindi ba pwedeng bigyan mo nang chance? At oo nga pala, bumalik na si Tanya. Ikaw rin, tiyak luha ang puday kapag na wala na naman." Pasaring nito.
"Si T-anya?"
"Oo, nakulong s'ya 'di ba? Ngayon malaya na s'ya, nagpunta nga agad sa family house nila France. Kitang-kita ko na plano n'yang bawiin ang lalaki. Kapag sobra nang napagod si France, kahihintay sa'yo, kahahabol sa'yo. Tiyak kong sasaluhin ni Tanya 'yon." Pakiramdam ko tinatakot lang ako ni Belle. Pero hindi naman naiwasang makadama talaga nang takot.
"Babawiin n'ya?"
"Oo, gagawin daw n'ya ang lahat. Sabi nga n'ya, wala ka naman daw magagawa. Mas maging daw s'ya sa BJ! Mababaliw si France, babalik sa kanya. Mas marami raw s'yang alam na position kesa sa'yo."
"Sinabi n'ya talaga iyon?" nabubuhay ang inis na tanong ko rito. Sunod-sunod na tumango si Belle. Kumuyom ang kamao ko. Bwisit talaga sa buhay ko ang Tanya na 'yon. Akala n'ya siguro, nakalimot na ako sa mga sakit na s'ya ang dahilan. Gaga s'ya, titiyakin kong luluha s'ya ng dugo.
"Kaya ikaw, 'wag kang mabagal. Gusto rin kitang maging sister-in-law. Kaya go na!" sabi nito sa akin. Nagkibitbalikat lang ako.
"Bahala si France." Bagsak ang balikat na ni Belle sa naging tugon ko.
"Puntahan ko muna ang mga anak ko."
NAGTUNGO ako sa silid ng mga bata. Dinig kong umiiyak ang mga ito. Hindi ko na nga naituloy ang pagtulak sa pinto.
"Gusto ko rin ng Papa, Hali! Gano'n kay Tal!" humihikbing anas ni Hiraya. Sumikip ang dibdib ko.
"Gusto ko rin ng gano'n, pero wala namang iniuwi si Mama. Akala ko nga may Papa na tayo 'pag umuwi na si Mommy." Sabi ni Halina. Napahikbi ako na marahang pumasok sa silid. Agad na nagpaalam na lalabas muna ang mga Yaya nila.
"Mga anak?"
"Mamaaaa!" sabay na tumayo ang mga ito, at mabilis na lumapit sa akin at niyakap ako.
"I'm sorry po, sorry po kasi nagtatampo kami sa'yo. Mama, gusto po namin ng Papa." Iyak nang iyak ang mga ito.
"Gustong-gusto po namin, Mama!" sabi naman ni Halina.
Kaya ko na ba? Kaya ko na bang i-let go ang nakaraan ko para sa gusto ng mga anak ko?
"Gusto rin namin ng Papa, Mama. Ibili n'yo na lang po kami." Pakiusap ni Hiraya. Nag-e-emote na rin ako, pero nauwi sa tawa iyon. Ibang klase talaga ang mga batang ito.
BINABASA MO ANG
The Memories of Carmela
General FictionMadami ang takot sa binatang bilyonaryo na si France Kevin El Frid. Pagdating sa negosyo wala itong sinasanto. Kahit pa gumapang sa hirap ang mga katunggali nitong kompanya ay wala man lang nararamdamang guilt ang lalaki. Naging bato ang puso simula...