Twenty-five
MASARAP ang tulog ni Cara, hindi ko pinapunta ang masahista, mas masarap ang masahe ko. Kaya ngayon tulog na ito. P*ssy massage and Br*ast massage.
Perfect iyon sa malamig na panahon. Iniayos ko ang kumot nito. Saka ako tumabi sa kanya. Kinuha ko rin ang cellphone nito na wala man lang lock, saka ako nagtungo sa search engine.
"How to take care of a pregnant woman?"
Marami ang agad na lumabas doon. Isa-isa kong binasa para mas maunawaan at maalagaan ko si Carmela, na hindi ko nagawa noon dahil sa kasalanan ko sa kanya. Sinulyapan ko ito na masarap pa rin ang tulog. Pero waring may kinakapa kaya hinawakan ko ang kamay nito. Saka ito nagsumiksik sa akin. Mamayang hapon pa ang uwi ng mga bata. Susulitin ko muna ang mga oras na solo ko pa s'ya. Habang yakap ko ito ay patuloy ako sa pagbaba ng mga articles. Doon nalaman ko na delekado para sa mag-ina ang unang tatlong buwan ng pagbubuntis. Kaya kailangan triple ang ingat para safe ang mga ito.
Paggising nito ay agad ko itong niyaya na kumain na. Tiyak na nakapagluto na ng lunch ang mga kasambahay. Pagdating doon ay tama nga ang hinala ko. Agad na pumwesto si Carmela na akala mo'y gutom na gutom. Nilantakan talaga nito ang tinola, halos iyon nga lang ang kinain nito. Kung hindi ko pa subuan ng kanin ay hindi papansin ang nakahandang kanin. Nabasa ko sa article kanina na posibleng magbago-bago ang gana sa pagkain ng buntis, pwedeng mas lumakas kumain pwede ring mawalan sila nang gana.
"Sarap!" iniangat pa nito ang mangkok at hinigop ang sabaw. Pagkatapos ay uminom ito ng tubig. Hindi ko pa nakakalahati ang pagkain ko.
"Pwede ba tayong magpa-check up?" tanong ko rito. Nagsalubong ang kilay ni Carmela.
"Bakit? May sakit ka ba?" tanong nito sa akin. Wala talagang balak sabihin ang sitwasyon nito ngayon. Masakit sa dibdib iyon. Pero kailangan kong unawain ito.
"W-ala." Nag-iwas ako nang tingin.
"Bakit magpapa-check up? Sino ang ipatitingin?" muling tanong nito.
"I-kaw."
"Me? Why? I'm so healthy..." natigilan ito, kasabay no'n ay nag-iwas nang tingin.
"Alam ko na, bago pa tayo umalis ng Isla." Sabi ko rito.
"So?"
"Gustong kong kasama ako sa journey ninyo ni Baby? Please!" pakiusap ko rito. Bumuntonghininga ito saka tumango. Napangiti naman ako, saka tumayo at niyakap ito. Sa ganitong pagpayag ito, pakiramdam ko unti-unting ibinababa na nito ang harang sa pagitan naming dalawa. Magandang simula iyon.
"Ma'am Cara, may tao po sa labas. Hinahanap po si Sir France." Imporma ng kasambahay.
"Sino raw?" salubong ang kilay na tanong ni Carmela.
"Tanya raw po, fiancee ni Sir." Sunod-sunod akong napamura. Lalo na't dali-daling tumayo si Cara, dahilan para mapasunod agad ako. Pagdating namin sa gate, naroon nga si Tanya. Malawak ang ngiti nito lalo pa't nakita ako.
"Babe, sabi ko na nga ba narito ka lang. Sunduin na kita, Hello girl!" sabi ni Tanya kay Cara na poker face lang ang expression ng mukha ngayon.
OKAY na 'yong mood ko kanina, pero nang malaman kong narito ang tinik sa buhay ko ay nasira na naman ang mood ko.
"Anong ginagawa mo rito?" salubong ang kilay na tanong ko rito.
"Well, sinusundo ko lang ang fiance ko." Iniangat pa nito ang kamay na suot-suot sa daliri ang engagement ring na ibinigay ni France dati rito. Tumango-tango ako na sinulyapan si France na mabilis na umiling.
"Tapos na tayo, Tanya."
"Nope, hindi pa. Sinong may sabi? Umuwi na tayo, babe. Kung ayaw mong mag-iskandalo ako rito." Pagbabanta pa nito.
"Tanya, masyado ka namang desperado." Inis na sabi ko rito.
"Ako pa? Samantalang ikaw itong naging other woman ng fiance ko, nagkalabo lang kami saglit isiniksik mo na ang sarili mo sa kanya."
"Hoy, si France ang may t*ti s'ya ang nagpumilit pumasok sa kepyas ko. Gaga 'to!" singhal ko rito. 'Yong t*ti ng gago ang nagsumiksik. Hindi 'yong akin.
"Tsk, disgusting! Let's go, France." Sabi ni Tanya.
Sinulyapan ko si France na mabilis umiling sa akin sabay yakap nito sa akin.
"Huwag kang maniwala sa kanya, Cara. Wala na kami. Matagal na!"
"Umalis ka na, Tanya. Kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga tauhan namin dito. Hindi welcome sa lugar na ito ang babaeng kaladkarin na katulad mo. Grabe, hindi kontento sa isang lalaki, gusto lahat. Ano 'to? Mine all you can? Gaga!"
"Umalis ka na, Tanya. Tapos na tayo, matagal na." Pilit ko nang inilalayo si Cara. Baka kung mapaano pa si Baby ng dahil sa unwanted visitor.
"F-rance!" mangiyak-ngiyak na tawag ni Tanya na waring napahiya.
"Sandali!" ani ni Carmela. May kinuha ito sa bulsa nito. Binuksan ang kahon kung saan naroon ang regalo ko.
"Hindi ko na pag-iisipan pa, tang'na!" isinuot nito sa kamay ang singsing.
"G na, pakasalan mo na ako." Sabi ko rito. Mamaya babawiin ko rin, gusto ko lang asarin si Tanya. Nanlaki ang mata ng babae, habang si France parang tuwang-tuwa pa sa nangyari.
"Mahal ako, gusto akong makasama habang buhay. Kaya lumayas ka na!" mariing anas ko rito. Saka sinenyasan ang mga bantay na paalisin na si Tanya. Bawal basura sa lugar na ito.
"C-ara?" naluluhang anas ni France. Ipinagtulakan na si Tanya ng mga guards. Kaya wala na ito.
Mabilis kong hinubad ang singsing.
"Joke lang, saya ka." Parungit ko rito saka dali-daling tinalikuran si France. Hindi na nakita ang pagguhit ng disappointment sa mukha nito.
Pumasok agad ako ng mansion na ngingisi-ngisi. Magdusa muna sila. Hindi pwedeng ilang taon akong ngumawa, tapos happily ever after agad.
BINABASA MO ANG
The Memories of Carmela
Genel KurguMadami ang takot sa binatang bilyonaryo na si France Kevin El Frid. Pagdating sa negosyo wala itong sinasanto. Kahit pa gumapang sa hirap ang mga katunggali nitong kompanya ay wala man lang nararamdamang guilt ang lalaki. Naging bato ang puso simula...