Twenty-seven
WALA si France, back to office ito. Ayon dito kakausapin rin daw nito si Paris tungkol sa gagawin nitong pagsama sa akin sa Isla.
"Ngiting-ngiti ang gaga, mukhang nadiligan?" ani ni Belle. Malawak ang ngisi nito na pumasok sa bitbit ang anak nito.
"Hindi kaya." Pero nakangiti pa ring sabi ko rito.
"Ano pala?"
"Willing daw s'yang sumama sa Isla."
"Talaga? Well, kahit pa siguro sa langit, sasama 'yong gagong 'yon. Mahal ka n'ya, alam kong nag-do-doubt ka pa rin pero alam kong kayang gawin ni France ang lahat para sa'yo. Buti na nga lang inabutan mo pang buhay, ilang ulit na kaya no'n tinangkang magpakamatay." Natawa pa ito saka umiling.
"Labis din naman akong naapektuhan."
"I know, sobrang laking epekto kaya kapag walang sumusundot sa target." Nagsisimula na naman po ito.
"Shh, karga mo pa 'yang anak mo. Bunganga mo!" saway ko rito.
"Yaya, pakikuha muna ang aking anak." Malakas na tawag ni Belle. Hindi pa rin nagbabago talaga.
Pagkakuha sa anak nito ay nagpatuloy ito sa pagsasalita.
"Kailangan itali mo na agad, bago pa may umagaw sa'yo. Sa panahon ngayon, hindi na lang ganda ang basehan para hindi maagawan."
"Hindi ko pa alam."
"Gaga, nakadalawa--este pang tatlong anak n'yo na 'yang nasa sinapupunan mo. Girl, hindi mo pa rin alam? So kailan? Kapag sampu na ang anak ninyo? Gago ka ba?"
"Magkaiba naman kasi tayo nang sitwasyon."
"Nope, pareho lang tayo. Bago kami naging mag-asawa ni Paris, alam mo ang pinagdaanan ko. May krungkrung na tulad ni Van na halos sumira rin sa relasyon namin ni Paris." Alam ko naman iyon.
"Sabagay," bumuntonghininga ako at napaisip.
"Pakasalan mo na, at least kung magloki pwede mo nang ipakulong." Natawa ako sa rason nito.
"Si Paris, paano kung magloko?" ngumisi si Belle.
"Malabo, kapag tinawag ko na 'yong 'my bayag ko' tuwang-tuwa na iyon. Baliw na baliw 'yon sa akin, malabo n'yang gawin iyon. Saka sa sobrang lawak nang kaalaman ko sa sexy time, hindi na maiisip ni Paris ang magloko, ang nasa isip na lang no'n kung ano ang new menu sa bed ang aabutan n'ya." Natawang tinapik ko ang balikat nito. Pareho kaming wild mag-isip ni Belle, pero simula nang maburo ako sa Isla, marami na ang nagbago. Saka wala rin naman akong natipuhan sa Isla.
"Masaya rin ang mga anak mo na kasama ang kanilang ama. Hindi rin natin masasabi na okay sila kahit pa nakikita mo silang tumatawa. Mas magiging okay sila kapag buo ang pamilya nila."
"Iyon naman din ang gusto ko, ang maging masaya ang mga anak ko."
Tumunog ang cellphone. May natanggap akong mensahe sa unknown number. Dahil tsismosa si Belle nakisilip din ito.
Hindi message ang dumating, kung 'di larawan. Larawan ni France na nasa office. Abala ito sa computer nito at nakasalamin pa. Hot ng gago.
Pero ang sumunod na message ang nagpawala ng kilig ko.
"Visiting my fiance."
"Ay, tang'na! Sigurado ako 'yong babaeng mukhang p*kp*k 'yan." Hindi pa man ako nakakapag-react, nauna na si Belle. Galit na ito agad.
Kinuha ko sa bulsa ko ang singsing na bigay ni France saka ko iyon sinuot. Saka iniangat ang damit, middle finger with the my engagement ring. Gusto kong isampal sa babaeng ito na buntis ako sa lalaking tinatawag nitong fiance, at suot na rin ang singsing. Natawa si Belle sa ginawa ko.
Saka ko iyong i-sinend dito. Pagkatapos ay tinawagan ko agad si France.
"Cara? May kailangan ka? Gusto mo na ba akong umuwi?"
"Gago, magtrabaho ka d'yan. Tumayo ka saka mo i-lock ang pinto. Dalian mo!" ani ko rito. Narinig ko pa ang malakas na pagkatumba ng upuan nito. Hindi ko man makita ito ay tiyak kong tumakbo ito patungo sa pinto at ini-lock iyon.
"Why? What's wrong?" takang tanong nito.
"May babaeng mukhang pekpek na parating. Kung gusto mo pang maging kapekpek ka namin?" natawa ito sa kabilang linya sa sinabi ko."Seryoso ako, kaya 'wag kang tumawa-tawa d'yan. Oras na makapasok 'yan sa opisina mo, d'yan ka na tumira." Inis na sabi ko rito.
"Okay, okay! Relax lang, hindi ko papapasukin kung sino man itong tinutukoy m..."
"France?" dinig naming tawag ni Tanya.
"So, she's the mukhang p*kp*k na tinutukoy mo?" aliw na sabi ni France.
"Oo, kung ayaw mo ring maging amoy bilasa. Huwag mong pagbubuksan."
"Okay, love. I love you!"
"Ay, si Gaga kinilig ang ting*l!" 'di napigil na sabi ni Belle.
"Ge, bye!" dali-daling paalam ko kay France. Sinamaan ko naman nang tingin si Belle na tumawa lang.
KUMAKATOK pa rin si Tanya. Pero para lang akong bingi na hindi ito pinagbubuksan.
Bakit ba hindi maunawaan ng babaeng ito na tapos na kami? Hindi rin ba ito nahihiya, pagkatapos nitong iparanas sa akin noon ang paulit-ulit na lokohin? Hindi pa ba enough iyon para maisip nitong ayoko na rito.
"Please, talk to me! France, babe!" dinampot ko ang telephone at tinawagan ang secretary.
"What the hell are you doing? Do something, nakakaabala na ang kaingayan ng babaeng 'yan!"
"Sorry, sir! Pinapaalis ko---"
"Babe, talk to me! Kahit saglit lang." Pagmamakaawa ni Tanya. Ngunit binagsak ko agad ito nang telephone. Nagawa pa talaga nitong hablutin ang telephone. Tsk! Desperate.
Paano kaya ang lunch ko nito?
ISINARA ko na ang inihanda kong lunch box ni France. Gaya nang udyok ni Belle na dalhan ko raw si France ng lunch, ito ako. Uto-uto na sumang-ayon naman. Si Belle pa ang nagprisinta na ihahanda ang kambal para maisama ko.
Pagkatapos ay nagtungo ako sa silid at tiniyak na magandang-maganda. Pagkatapos ay agad nang bumaba at inabutan si Belle karga ang anak nito, habang nakaupo naman ang kambal kong anak sa couch.
"Sabi ni Tita-ninang pupunta raw po tayo kay Papa?" excited na tanong ni Hira.
"Oo anak, kailangan behave kayo roon ha."
"Opo/Yes!" sabay na sabi ng kambal. Ipinahawak ko sa mga Yaya ang mga ito. Habang kinuha naman ng isang maid ang lunch box. Daig pa namin ang pupunta sa fashion show, kesa sa talagang purpose namin na maghahatid lang ng baon ng tatay ng mga anak ko.
Siguruhin lang talaga ni Tanya na wala na s'ya roon, baka masapak ko s'ya.

BINABASA MO ANG
The Memories of Carmela
Fiksi UmumMadami ang takot sa binatang bilyonaryo na si France Kevin El Frid. Pagdating sa negosyo wala itong sinasanto. Kahit pa gumapang sa hirap ang mga katunggali nitong kompanya ay wala man lang nararamdamang guilt ang lalaki. Naging bato ang puso simula...