Thirty-two

709 22 2
                                    

Thirty-two

KUKUNIN KO LANG si Mommy, kapag naitago ko na ito at tiyak ko nang ligtas ito ay titiyakin kong malilintikan sa akin ang babaeng iyon. 

Tiyak na nasaktan ko na naman si Carmela nang umalis ako at wala man lang paliwanag kung bakit kailangan kong umalis. Kailangan ko rin kasing magmadali upang makatiyak sa safety ni Mommy. 

Pagdating ko sa mansion, inabutan kong masayang nagkwekwentuhan ang mga ito. May mga tauhan si Tanya  sa labas ng mansion, tiyak na hindi iyon alam ni Mommy. Hindi rin naman lumalabas-labas ang mommy. 

Halata sa mukha ni Tanya ang tuwa nang makita ako. Pero blanko lang ang expression ng mukha ko. Mabilis akong lumapit at hinaklit ang braso nito. 

"F-rance?" takang tawag ni Mommy dahil sa ginawa ko. 

"Mag-uusap lang kami ni Tanya, Mommy. Go to your room. Now!" mariing utos ko rito. Nakita ko sa mukha nito na naguguluhan ito. Pero nang senyasan ko ito na sumunod na lang ay mabilis na itong tumango. 

"Babe?" malambing na sabi ni Tanya sa akin. Mabilis na lumambitin sa leeg ko, ngunit mabilis ko itong itinulak. I'm not the old France anymore, 'yong palaging soft pagdating sa mga babae. Malakas ding umigkas ang kamay ko patungo sa pisngi ni Tanya. Shock ang lumarawan sa mukha nito na napasalampak sa sahig. 

"F-rance?"

"Sa tingin mo, ako pa rin 'yong France na nabaliw sa'yo? No way, Tanya. Matagal na tayong tapos. Huwag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo dahil tapos na ako sa'yo. Ayoko na! May mahal na akong iba!" unti-unting nakabawi si Tanya. Ngumisi ito na tumayo at nag-e-echo ngayon ang nakakainis nitong tawa. Kumuyom ang kamao ko sa sobrang inis sa babae. 

Mukhang balewala rito kung sinampal ko ito. Ganito na ba katigas ang mukha nito para mabilis na mawala ang epekto ng sampal ko rito? 

Sobrang kapal ng mukha. 

"Wow, mas gusto ko ang aggressive France. Mas magiging wild ang sex life natin kapag ganyan ka palagi." Humakbang ito saka hinaplos ang dibdib ko. Salubong na salubong ang kilay ko. 

"Slut!" nagsalubong ang kilay ni Tanya. 

"Kahit pa anong sabihin mo, hindi mababago na akin ka!"

"Hindi na, matagal ng hindi!" mariing sabi ko rito. 

"Ayos lang na may mangyaring masama sa M-ommy mo?" kunwari'y malungkot nitong sabi. 

"Hinding-hindi mo iyon magagawa."

"Kaya kong gawin, at kung hindi mo susundin ang mga sasabihin ko ay pagsisisihan mo." 

Natigilan ako nang marinig ko ang tinig ni Mommy. Mabilis akong tumalikod ngunit mabilis na nahawakan ni Tanya ang kamay ko. 

"Hawak na s'ya ng mga tauhan ko, makikita n'yo lang s'ya kapag pinakasalan mo na ako. Hindi naman ako papayag na makuha ka ni Cara. Sino ba s'ya? Ipinapaako pa n'ya sa'yo ang anak nila ni Thomas Arguilla, nagpapatawa ba s'ya?"

"Magkapatid sila." Kita ko ang gulat sa mukha ni Tanya. Tiyak na kilala nito si Thomas Arguilla, dahil noong nakita nitong kasama ni Cara si Thomas, alam kong sinubukan din nitong akitin si Thomas, she's a total bitch 

"Really? Still, akin ka pa rin."

Sinubukan ko pang habulin sina Mommy. Pero wala na ang mga ito. Tanging sasakyan na lang na tuluyan nang nakaalis. 

Matalim ang naging tingin ko kay Tanya na ngumisi lang naman. 

"Gusto mo bang magkape muna? Tiyak ko naman ako naman ang pipiliin mo."

Kailangan kong habaan ang pasensya ko rito. Tanya is a bitch. Posibleng may gawin nga itong masama sa Mommy ko kahit pa naging mabuti ang mommy ko sa kanya. 

DADATING SI FRANCE, iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang pinanonood ang paglubog ng araw. Ilang araw, linggo at buwan na ba ang lumipas? Naka ilang ulit na ring bumisita ang pamilya ni Belle at pamilya ng kapatid ko rito sa Isla. Pero walang sagot na nakuha dahil lahat sila ay tikom ang bibig tungkol kay France. 

"Mama? Uuwi ba rito si Papa? Sabi kasi ni Caven Love may iba ng love si Papa." Napalingon ako kay Hiraya. 

"Anong sabi mo?" salubong ang kilay na tanong ko rito. 

"'Di ba po, ikaw ang magiging wife ni Papa? Sabi kasi ni CL, may ibang wife na si Papa!" singit ni Halina. Kaya ba matamlay ang mga ito? Kaaalis lang ng family ni Belle kahapon. Hindi ko narinig na sinabi ni CL iyon. 

"May family na raw po si Papa. Ang wife raw po n'ya ay si Tanya. Maganda rin daw po si Tanya. Tita Tanya rin daw po ang tawag n'ya. Sabi po n'ya, kapag nagkaroon daw ng baby si Papa at si Tita Tanya, magiging pinsan daw ni CL. Tapos mas magiging love po n'ya." Naluluhang sabi ni Halina. Kumuyom ang kamao ko. Kaya ba hindi na sumunod si France ay dahil asawa na nito si Tanya? Ano ba ang nangyayari? Para akong itinapon dito sa Isla na walang ka-ide-idea sa nangyayari. 

"M-ama, hindi na po mabubuo ang family natin?" tanong nito sa akin. Naninikip ang dibdib ko. Naaawa ako para sa mga anak ko, para na rin sa akin na nasa isip at puso ay parang muli na namang natalo. 

"Mama? Huwag ka pong mag-cry, kasi kahit hindi okay sa amin ni Hali, kakayanin po namin. Bata pa po kami. Pero alam po namin na nasasaktan ka. Okay lang po iyon, Mama!" tuluyan na akong napahagulgol nang iyak dahil sa sinabi ni Hiraya. Kinabig ko ang mga ito at mahigpit itong niyakap. 

"I'm sorry, kasalanan ni Mommy kaya kayo nasasaktan ngayon. H-indi ko dapat hinayaang masaktan din kayo ni Papa n'yo. I'm sorry mga anak!"

"'Wag ka na pong iyak, Mama. Kasi ma-sa-sad din 'yong baby brother namin. 'Di ba po, 3 months na lang lalabas na si Baby? Dapat po 'pag lumabas s'ya, naka-smile s'ya." Bahagya akong natawa, kahit pa luhaan dahil sa sinabi nito. 

"G-usto n'yo naka-smile s'ya 'pag lumabas s'ya? Parang ang weird naman no'n." Natawa ang mga ito sa sinabi ko. Weird naman talaga. 

"Pero, Mama. 'Wag ka na pong ma-sad. Kasi nandito naman kami ni Hiraya."

"O-oo, hindi na ma-sa-sad ang Mommy." Sabi ko sa mga ito at tumango-tango na. 

The Memories of CarmelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon