Thirty

802 20 0
                                    

Thirty

SUNOD-SUNOD na tapik ang gumising sa akin. Mabuti na lang, dahil ang sama nang panaginip ko. Dahil daw walang balut na iniuwi si France, binato ko raw ito ng kutsilyo. Pero nang magmulat ako, nakangiting mukha nito ang bumungad sa akin. Saka iniangat ang mangkok na hawak at ang plastic na may itlog sa loob.

Biglang lumawak ang ngiti ko, hindi para kay France kung 'di para sa balut. Dali-daling tumayo ako saka inagaw iyon dito at nagpunta agad sa balcony. Sumunod si France, nakaangat ang kilay nito. Excited na nagsimula agad akong kumain. Buti naman may kutsara, asin at suka kaya perfect.

"Huwag kang masyadong magsuka!" paalala nito. Ngunit nag-angat lang ako ng middle finger dito. Napailing na lang ito. Saka ko pinagpatuloy ang pagtuktok sa itlog. Saka sinipsip ang sabaw, saka sinimulan iyon lantakan. Sunod-sunod pang napamura si France nang iangat ko ang sisiw at malawak ang ngising isinubo ko iyon.

"That's disgusting..." diring-diri na sabi nito.

"Disgusting mo mukha mo. Mas disgusting pa rin 'yang itlog mo."

"Hoy! Gustong-gusto mo nga!" depensa nito.

"Hindi rin, mas gusto ko pa rin ang balut kesa d'yan." Sabi ko rito. Saka muling dumampot ng isa pa.

"Mas masarap ito!" sabi nito na ayaw magpatalo.

"Mas masarap ito!"

"Mas masarap 'yong akin!"

"Gago ka, sigurado ka? 'Pag inasinan at sinukaan ko 'yan, baka magsisi ka." Natameme ito saka tinakpan ang pagkalalaki.

"Huwag masyadong marami ang kainin mo. Hindi healthy!" bilin nito.

Tumango lang naman ako rito.

"Magpa-check up na rin tayo." Hindi naitago sa mukha ko ang biglang paglukob ng takot.

"Heay?"

"S--orry, naaalala ko lang 'yong nangyaring pagsabog ng sasakyan." Sabi ko na napakagatlabi pa."Nagpa-check up din kasi kami noon."

"I understand, this time sasama ako sa'yo. Wala kang dapat ikatakot." Seryosong sabi nito. Tumango naman ako, saka ipinagpatuloy ang pagkain.

Kumuha ito ng tubig sa kitchen. Pagbalik nito ay tapos na akong kumain.

"Gising na ang mga bata." Sabi nito. Tumango naman ako, pagkatapos ibalik dito ang baso na pinag-inuman. Saka nagtungo sa banyo upang mag-toothbrush. Sumunod pala ito, saka iniabot sa akin ang towel. Nagpasalamat ako rito, saka sabay kaming lumabas ng banyo. Magkasama rin kaming lumabas ng silid upang puntahan ang mga bata.

Naglalaro na ang mga ito sa sala. Dinig na dinig ang mga boses ng mga ito.

"Maaaaa!"

"Heto na naman po, full charge na naman sila." Natatawang sabi ko rito.

"May energy na naman para magkulit." Ngiting-ngiti na sabi ni France. Nakaalalay ito sa akin, habang pababa kami ng hagdan. Saktong dumating sina kuya Thomas. As usual, seryoso na naman ang mukha nito. Sina Marikit lang ang may kakayahan na palabasin ang iba't ibang klaseng emosyon sa kapatid ko. Saka ko lang nakikita ang iba't ibang emosyon nito kapag napapasakit ko ang ulo nito.

"Kuya?"

"France, let's talk!" seryosong sabi ni Kuya Thomas. Nagkatinginan pa kami ni France. Bago ako tumango rito.

SUMUNOD AGAD AKO nang sabihin ni Thomas na gusto akong kausapin nito.  Kinakabahan ako, hindi dahil duwag ako. Kung 'di dahil kakausapin ako ng kuya ng babaeng mahal ko. Mas nakakakaba iyon. Paano kung nagbago ang isip nito? What if, sabihin nitong layuan ko na si Carmela?

Nakarating kami sa library nito na walang imikan.

"Pagkatapos kong ayusin at ibigay kay Cara ang tahimik na buhay akala ko magtutuloy-tuloy na. Tanya was your ex, right?" takang tumango ako rito. Why? May panganib na naman ba sa buhay ni Cara?

"Kailangan nilang bumalik ng Isla. Mas sigurado akong ligtas sila roon."

"Anong kinalaman ni Tanya?"

"Pinasusundan ko s'ya, simula pa noong lumabas s'ya sa kulungan. Kumakausap na s'ya ng mga tao na pwedeng mag-dispatya sa kapatid ko."

"F*ck!" hindi makapaniwalang anas ko. Sabay iling.

"Kung hindi mo pa kayang sumama sa Isla, ayos lang. Pero pagdating sa safety ni Carmela at ng kambal, hinding-hindi ko hihingiin ang opinion mo. Ako ang magdedesisyon, after all, ama ka lang naman ng mga anak n'ya. Hindi ka pa n'ya asawa." Kumuyom ang kamao ko sa sinabi nito.

"Sasama ako!" hindi ko kayang malayo pa sa mga ito. Kung kailangan kong talikuran ang lahat. Gagawin ko.

"Really? Paano naman si Tanya? Wala kang gagawin para tumigil s'ya? Kung saan ka tiyak na susunod iyon."

"Hindi ako papayag na mawalay pa sa mag-iina ko. Gusto kong makasama naman si Carmela, lalo na sa sitwasyon nito ngayon. Wala ako noong hirap na hirap s'ya sa kambal--"

"Okay, ako na ang bahala kay Tanya. Pero kailangan n'yong umalis kaagad." Sabi ni Thomas.

"Sige, t-atawagan ko lang ang kapatid ko." Sabi ko rito. Buo na talaga ang loob na lisanin ang siyudad at makasama ang mag-iina ko.

PAGLABAS KO NANG library ay agad kong kinuha sa silid ni Cara ang cellphone ko. Una kong tinawagan si Paris. Sinabi ko agad at walang paligoy-ligoy na kailangan na naming umalis nila Carmela. Kesa naman mapahamak pa ang pamilya ko dahil kay Tanya.

Ayon dito pupunta ito ngayon kasama sina Belle rito sa mansion.

Sunod kong tinawagan si Mommy. Tiyak na kakailanganin din nito ng paliwanag.

"Hi, France. Narito si Tanya, nakakatuwa na makausap ulit s'ya. Wait, kausapin ka raw n'ya. Oh, ikukuha lang kita ng juice." Nanlamig ang pakiramdam ko nang marinig ang sinabi ng ina.

"Hi, babe! Miss me?" boses na iyon ni Tanya.

"Anong ginagawa mo?" seryosong tanong ko rito.

"Wala---wala pa, gusto mo bang malaman ang pwede kong magawa sa mommy mo? Ayaw mo talagang bumalik sa akin?" bumungisngis pa ito. Dahilan para humigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Ang mga paa ay kusang humakbang pabalik sa library. Nagulat pa si Thomas nang senyasan ko ito na makinig.

"Ano ang plano mo?"

"Kapag hindi ka bumalik sa akin, titiyakin kong may gagawin nga ako sa Mommy mo." Tumawa pa ito.

"Walang kinalaman ang mommy ko sa kabaliwan mo!" mariing sabi ko rito. Nagsimulang magsulat si Thomas sa papel.

"Madadamay s'ya, at lahat ng taong nakapaligid sa'yo ay idadamay ko. Bumalik ka na kasi sa akin."

"F-ine," nanlulumong anas ko. Iniharap kasi ni Thomas ang papel na pinagsulatan nito. Sinasabi nitong omoo lang ako sa lahat ng condition ni Tanya. F*ck that bitch.

The Memories of CarmelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon