Twenty-six
KAYA kong magtiis, grabeng disappointment man ang naramdaman ko kanina, bawi naman na ngayon. Ako ang nag-asikaso sa mga bata, sa pagligo, pagkain at ngayon sa pagtulog nila. Marami ang nagsasabi na mas masarap ang buhay binata. Pero mali sila, mas fulfilling 'yong makita mo ang mga ganitong batang lalaki na mabuti. Mas masarap silang makasama, kay sa sa mga barkadang inuman at pambabae ang pwede lang maiambag sa'yo. Kaya ilan lang din ang kaibigan ko, at piling-pili.
Iniayos ko ang kumot ng mga ito. Bago umalis ay humalik muna ako sa noo ng mga ito.
"Sweet dreams, mga anak ko." Mahinang usal ko, saka tuwid nang tumayo. Nang sulyapan ko ang pinto, nakita ko pa si Cara roon na paalis na. Kumakbang na ako palabas, saka maingat na isinara ang pinto. Sumunod ako kay Cara. Nasa guestroom na ang mga maleta ko. Pero balak kong sa silid ni Cara matulog. Pagdating ko roon, sinubukan kong kumatok, ngunit wala yatang balak pagbuksan ako ni Cara. Napabuntonghininga na lang ako. Akma na sana akong aalis nang makarinig ako nang hikbi sa loob ng silid nito. Napabuntonghininga ito. Tiyak na ako na naman ang dahilan nang pag-iyak nito.
"C-ara?"
Marahang bumukas ang pinto. Tumambad sa akin ang luhaang mukha nito. Saka s'ya tumalikod, hinayaang bukas ang pinto. Marahan ko namang itinulak iyon at pumasok. Saka ini-lock ang pinto nito.
"Carmela," humakbang ako palapit. Saka ito niyakap mula sa likuran. Nasasaktan na naman ito. Ako na naman ang dahilan.
"Ayoko nang masaktan, simula bata ang dami kong gustong kalimutan na masasakit na pangyayari sa pamilya ko. Akala ko, makakahanap ako ng lalaking hinding-hindi na ipararanas sa akin ang sakit, pero maling lalaki 'yong nahanap ko. Ang nahanap ko kasi, 'yong lalaking hindi maka-get over sa fiancee n'ya. Nahanap ko 'yong lalaking ginawa lang akong pass time, rebound girl...tapos no'ng bumalik na 'yong babaeng mahal n'ya, para na lang n'ya akong binasura. Masaya kami eh, tawa lang kami nang tawa. Walang dull moments. Pero sa huli, kahit ako 'yong dahilan kung bakit naging masaya s'ya, pinili pa rin ng lalaking iyon na saktan ako." Mas humigpit pa ang yakap ko rito. Hindi ko namalayan na sa pakikinig dito ay umiiyak na rin pala ako.
"I'm sorry."
"Pero naisip ko, kung 'yong lalaking iyon ang bubuo sa happiness ng mga anak ko, isasantabi ko muna 'yong feelings ko." Handa itong gawin ang lahat para sa mga anak nito. Hindi ko rin pwedeng ariin ang mga batang iyon, tama ito. Similya lang ang naging ambag ko. Pero si Carmela, lahat. Ito ang bumuo sa pagkatao ng mga anak nito kaya mabubuting mga bata.
"Mahal ko kayo." Bulong ko rito. Naramdaman ko ang paghigpit nang hawak ni Carmela sa braso ko. Waring doon nito inilalabas ang pain na nararamdaman nito ngayon.
"Gusto kong tanggalin sa puso ko ang doubt ko sa'yo, gusto kong magtiwala para sa mga anak ko. Pero sumasagi sa isip ko na paano kaya kung maranasan din ng mga anak ko 'yong grabeng disappointment na ipinaramdam mo sa akin? Paano nila i-ha-handle 'yon?"
"Hindi ako perpekto, pero gagawin ko ang lahat upang hindi kayo ma-disappoint."
"T-atanungin kita, France. K-aya mo bang i-give up ang lahat at sumama sa amin sa Isla?" natigilan ako sa tanong nito."W-ag mo na palang sagutin, alam ko na rin naman ang magiging tugon mo." Malungkot nitong sabi na muling napahikbi.
"Kailan tayo pupunta sa Isla!" bahagya akong napangiti, para akong napigil nito ang paghinga nito. Iniikot ko s'ya paharap. Saka sinapo ang kanyang mukha.
"Sasama ako, kahit saan mo pa gustong magnatili! I'll stay by your side. Hinding-hindi na kita bibiguin."
"F-rance?"
"Pwede naman akong magtrabaho sa Isla, kung gusto mo nga ilipat ko na lang ang office ko roon. Kaya ko rin naman maging gwapong mangingisda. Basta kasama ko kayo."
"G-agawin mo 'yon? Paano kapag nanawa ka? Iiwan mo na naman ako? Kami ng mga anak ko?"
"Nope, ito 'yong inasam ko sa matagal na panahon. Ang makasama ka, kapag inasam mo, malabo kang manawa." Sabi ko rito, saka ito mahigpit na niyakap.
"H-indi mo pipiliin si T-anya? Hindi mo na ako ipapalit sa kanya?" tanong nito sa akin. Mas humigpit pa ang yakap ko rito. Alam ko kung gaano ka-confident si Carmela pagdating sa sarili n'ya. Pero sa nangyari noon, ang laki nang dagok no'n sa confidence nito.
"Matagal ng ikaw ang pinili ko, matagal ng ikaw ang laman ng puso ko. Mahal na mahal kita." Sabi ko rito. Tumango-tango ito, saka lang ito yumakap nang tuluyan sa akin saka umiyak nang umiyak. Sabi sa article, mas magiging emotional ang mga buntis.
"F-rance!"
"Shhh, tahan na. Uuwi tayo agad sa Isla kung iyon ang gusto mo. Sa akin naman, kahit saan pa 'yan basta kasama ko kayo." Tumango-tango ito.
"Wala nang bawian, ha!"
"Oo, wala na. Hindi ko na kayo pakakawalan." Sabi ko rito. Saka bahagyang inilayo ito. Pulang-pula na ang mata nito kaiiyak, pati na ang ilong at pisngi.
"K-akausapin ko si Kuya, sasabihin ko na pagkatapos nang bakasyon, sasama ka sa amin."
"Perfect!" ngiting-ngiti na anas ko rito. Labis na nakadama nang excitement sa ideang makakasama ko na ang mga ito.
"Sana hindi ka na gumawa nang dahilan para magbago ang isip ko."
"Hinding-hindi! Kung kailangan ipakulong ko ulit si Tanya para hindi na lumapit gagawin ko." Biro ko rito.
"Sira!" natatawang anas ko rito.
"S'ya lang naman ang posibleng manggulo. Tsk, gwapong-gwapo 'yon sa akin."
"Oras na makita kitang kasama s'ya, game over na agad." Para akong nanigas sa panlalamig.
"C-ara?"
"Kaya tiyakin mo lang na hindi na susulpot na parang kabute ang babaeng 'yon." Sunod-sunod akong tumango at niyakap ito nang mahigpit. Ipa-kidnap ko kaya si Tanya, tapos ipatapon sa Mars?
BINABASA MO ANG
The Memories of Carmela
General FictionMadami ang takot sa binatang bilyonaryo na si France Kevin El Frid. Pagdating sa negosyo wala itong sinasanto. Kahit pa gumapang sa hirap ang mga katunggali nitong kompanya ay wala man lang nararamdamang guilt ang lalaki. Naging bato ang puso simula...