Thirty-four
"France!" tinapik ni Thomas ang balikat ko. I literally cried last night, napanood ko ang ipinadalang video ni Belle. Sa ikalawang pagkakataon, wala na naman ako sa tabi ni Carmela nang nanganak s'ya. Gustuhin ko man, pero pinigilan ako ni Thomas.
"Gustong-gusto ko nang makita at makasama ang mag-iina ko." Sabi ko rito.
"Makakasama mo na rin sila, kaunting oras na lang."
"Babe!" ngiting-ngiti na tawag ni Tanya sa akin. Pumasok ito sa kabahayan. Malaki na ang umbok ng t'yan. Hindi ako ang ama, inuulit ko! Hindi ako ang ama. Pero pinalalabas nito na ako raw ang ama. Hindi nga ako tinatayuan sa babaeng ito, disgusting.
"Uwi na tayo!" wala akong choice kanina kung 'di isama ito, dahil nagpumilit ito. Sa bahay ni Mommy kami nananatili, magkahiwalay na silid. Dahil may pagkakataon na nasasaktan ko ito sa tuwing lumalapit ito. Pinaikot nito ang buhay ko, so loob ng ilang buwan na malayo ako sa mag-iina ko.
"Mahal na mahal mo si Carmela? Paano kung sabihin ko sa'yong, pwede ring madamay ang kakambal n'ya?" nakangising tanong nito. Natigilan ako. Sinong kakambal, si Lila?
"Si Lila Arguilla, the funny thing is, masyadong mababa ang security ni Lila Arguilla. Madali ko lang s'yang naipakuha sa mga tauhan ni Daddy." Tumawa na naman ito. Last time na tumawa ito nang gano'n ay nasampal ko ito. Simula nang ito ang lagi kong nakikita ay naging violent na ako.
"Patay na si Lila Arguilla!"
"Maglolokohan pa ba tayo? Alam nating pareho na impostor ang babaeng namatay sa pagsabog noon. Hindi iyon ang kakambal ni Carmela. Hawak ko ang kapatid n'ya, gusto mong makita? Akala siguro nila, wala na akong bala. Pero ang hindi nila alam marami pa akong alas para pahirapan si Cara!"
Iniangat nito ang cellphone at ipinakita ang babaeng kamukhang-kamukha ni Cara, lugmok sa isang sulok. Luhaan.
"P-akawalan mo s'ya!"
"No, no, and no! Bakit ko naman gagawin iyon? Chance ko na ito para mabawi ka. Ano kaya ang mararamdaman ni Cara kapag nalaman n'ya na dahil sa kanya napahamak ang tunay n'yang kakambal na tahimik na ang buhay malayo sa kanila. Baka nga makunan pa ito." Malakas na tumawa ang babae. Kuyom ang kamao ko na tinalikuran ito.
Kailangan malaman ito ni Thomas.
"Babeeee, kahit humingi ka pa nang tulong kay Thomas Arguilla, wala rin s'yang magagawa." Tumawa pa ito. Nakakainis na tawa na kung pwede lang sapakin ginawa ko na.
Pagdating ko sa mansion nito, halata ang pagpipigil nito nang galit. Hindi ko alam kung para sa akin, o kung para kanino.
"I-i am sorry!" feeling ko kasi ako talaga ang dahilan kung bakit may Tanya na nanggugulo ngayon sa mga kapatid ni Thomas Arguilla.
"Don't be!" mariing sabi ni Thomas. Dinampot nito ang baril saka iyon sinimulang linisin.
"Gagawin ko ang lahat para mabawi natin ang kakambal ni Carmela."
"Alam mo naman sigurong kapag tumulong ka sa akin ay hindi ka agad makasusunod kay Cara?"
"Yeah, I know that. Pero kung gusto mo akong makatulong at manatili sa katinuan, kahit man lang marinig ko ang boses nila. Maibigay ko ang mga pangangailangan nila."
"Yeah!"
"A-nong gagawin natin?"
"Ubusin mo ang oras ni Tanya, habang hinahanap ko kung nasaan si Lila."
PERO ANAK TALAGA ng demonyo si Tanya. Dahil halos kung saan-saan na naghanap si Thomas at ang mga tauhan nito. Pero bigo pa rin.
"Ikaw na lang ang umuwi! Wala akong oras para sa kabaliwan mo." Inis na sabi ko rito.
"Bakit ba kasi pinapapasok n'yo ang baliw na 'yan dito sa pamamahay ko." Ibinagsak ni Marikit ang hawak nitong baso na may lamang juice. Alam ko kung gaano kahinhin ang asawa ni Thomas, pero para itong tigre kapag si Tanya ang kaharap.
"OA mo naman, girl. Hindi mo rin naman talaga ito bahay. Nakasungkit ka lang ng mayaman." Nang-iinsultong sabi nito.
"Ah, gano'n ba?" dinampot nito ang baso saka humakbang palapit kay Tanya sabay saboy ng laman.
"How dare you?" tili ni Tanya na kunwari'y napahawak pa sa t'yan nito. Si Marikit at Belle ang gumagawa ng paraan para maging impyerno ang buhay ng babaeng ito.
Hindi ko nga akalain noong una naay itinatago rin palang kamalditahan si Marikit. Kasi si Belle alam ko na simula noong bata pa kami na maldita talaga iyon.
"That's enough!" tumayo ako at hinila palabas si Tanya.
"Nakita mo ba ang ginawa n'ya sa akin, Babe? You need to do something about it!" hiway ni Tanya. Ngunit dumiin ang pagkakahawak sa braso nito.
"Huwag kang umarte na akala mo naagrabyado ka. Una pa lang, ikaw naman talaga ang nagbigay ng gulo sa buhay nila. Kung ilabas mo na lang si Lila, baka maging okay pa."
"No way, kapag ginawa ko iyon. Tiyak kong iiwan mo na ako. Hindi ako papayag. Akin ka lang!"
"Pagod na pagod na ako sa'yo."
"Wala akong pakialam, hinding-hindi n'yo makikita si Lila Arguilla! At ikaw, hinding-hindi ka makakaalis sa akin. Malay mo naman, 'pag nagising na ang Mommy mo. Makilala na n'ya ang future grandson n'ya."
Mas lalong kumuyom ang kamao ko. Comatose rin si Mommy, kasalukuyan itong naka-confine sa hospital. Dahil sa ginawa ni Tanya na pagdukot dito, at paghahangad ni Mommy na makatakas, aksidenteng na bagok ang ulo nito. Hanggang ngayon, hindi pa rin ito nagigising.
Alam kong galit na galit na si Cara, pero hindi ko basta magawang iwas si Mommy. Ayokong malagay pa sa panibagong kapahamakan si Mommy dahil lang sa paghahangad ko na makasama si Cara.
Kung mailipat man ng hospital si Mommy, mas magiging madali sana ang lahat. Ngunit hawak din ni Tanya ang mga nagbabantay sa Mommy ko.
Umuwi kami ni Tanya na walang kibuan. Alam nitong pupunta ako sa office, kaya naman hindi na ito nagtanong nang makita nitong bitbit ko na ang attache case ko.
Pagdating ko sa office. Isang magandang babae ang inabutan ko roon.
Takang tinitigan ko ang babae.
"Hi, I'm Tattiana Romavei."
BINABASA MO ANG
The Memories of Carmela
General FictionMadami ang takot sa binatang bilyonaryo na si France Kevin El Frid. Pagdating sa negosyo wala itong sinasanto. Kahit pa gumapang sa hirap ang mga katunggali nitong kompanya ay wala man lang nararamdamang guilt ang lalaki. Naging bato ang puso simula...