Thirty-seven

884 29 1
                                    

Thirty-seven

Kasarapan ng tulog ko nang makaramdam ako nang hirap sa paghinga. Kaya naman pilit kong tinanggal ang mabigat na bagay na nakadagan sa aki---sh*t, hindi bagay kung 'di braso iyon. Mabilis na binuksan ko ang lamp shade sa tabi ko. Nang kumalat na ang liwanag, tulalang napatitig ako sa lalaking naghihilik sa tabi ko.

"F-rance?" maluha-luha kong bangit sa pangalan nito. Tulog pa rin ang lalaki, ngunit nagawa nitong muling yakapin ako nang mahigpit. Sunod-sunod na pumatak ang luko ko.

MALAKAS NA SAMPAL ang nagpagising sa akin. Pagkatapos naming madala sa hospital si Lila para tiyaking ayos lang ito, agad akong nagpaalam kay Thomas na pupuntahan ko na ang mag-iina ko. Sabi nito, ito na lang daw ang makikibalita kay Tatti tungkol kay Tanya. Ito pa nga ang komontak sa pilotong pwedeng maghatid sa akin sa Isla.

Si Belle ang sumalubong sa akin, at oo, sinapok ako nito pagkakitang-pagkakita sa akin. Bakit daw ako natagalan. Alam naman nito ang dahilan, gusto lang talaga nitong manakit.

Inihatid ako nito sa kwarto ni Carmela. Gising si Baby Franco pagpasok ko. Hindi naman na sumunod si Belle. Agad kong binuhat si Baby Franco. Umiiyak pa nga, habang pinagmamasdan ito at pinaghehele. Pagkatapos kong mapatulog ito ay maingat ko ring ibinalik sa crib. Tulog na tulog si Carmela, kaya naman maingat akong tumabi rito. Hindi ko na muna gigisingin para surprise.

Pero sa paggising ko, ako pala ang ma-su-surprise. Malakas na sampal lang naman ang dahilan kung bakit ako nagising.

Tumambad sa akin ang luhaang mukha ni Cara habang muli na naman sanang sasampal ngunit mabilis kong napigil. Saka kinabig ito, at mahigpit na niyakap.

"S--orry, natagalan. Pero walang nagbago sa nararamdaman ko. Mahal kita, mahal na mahal kita." Bulong ko rito.

"B-akit ngayon ka lang? B-akit kailangan mong saktan muli ang puso ko? Ang sama mo!" sabi nito na puno nang panunumbat. Hindi ako itinulak or what, mas humigpit ang yakap ko rito. Past 3 am na, heto kami parehong luhaan.

"I'm sorry, na-comatose si Mommy. D-inukot kasi s'ya ni Tanya, hanggang ngayon hindi pa rin nagigising. Tapos 'yong kakambal mo."

"Si Lila? Bakit? Dinamay rin ba s'ya ni Tanya?"

"Yeah, s'ya ang pinagkaabalahan namin ng kapatid mo kaya natagalan din ako."

"A-sawa mo na raw si Tanya?" humihikbing tanong nito sa akin.

"Of course not! Ikaw lang ang gusto kong asawahin. Ikaw lang!" malambing kong sabi rito.

"P-ero ang sabi ni T-al sa mga anak ko, may asawa ka na raw."

"Wala, magkakaroon pa lang. 'Di ba, pakakasalan mo ako? Baby, sana hindi pa nagbago ang isip mo." Malambing kong sabi rito.

"H-indi pa naman, alam ko kasing ikaw 'yong palaging nagpapadala ng pagkain ko noong buntis ako." Biglang napabungisngis na sabi nito.

"R-eally?" gulat na sabi ko rito. Akala ko naman walang idea ang babae.

"Pero masama pa rin ang loob ko sa'yo, sa isip ko baka nag-chu-chukchakan na kayo ni Tanya."

Here we go again, may alien word na naman ang babaeng ito na hindi ko alam.

"What's that?" takang tanong ko rito.

"Nag-se-sex! Nagkakantut*n!" mabilis kong inilapat ang labi ko sa mga labi nito.

"Never!"

"P-erooo..."

"Mahal kita, hindi ko kayang gawin ang iniisip mo sa ibang babae. Sa'yo lang, ikaw lang ang babaeng gusto kong kasama sa pag-pe-perform ng Kamasutra."

"T-alaga?"

"Y-eah! Gano'n kita kamahal, huwag kang mag-do-doubt sa feelings ko sa'yo. Kasi mahal na mahal kita."

Tumango-tango ito, saka muling yumakap nang mahigpit sa akin.

"Si Tanya nga pala?"

"HAWAK KO NA SYA, ako na ang bahala." Sabi ko nang sagutin ang tawag ni Thomas. Agad ko rin itong nakuha dahil nagpunta ito sa bahay kung saan nito ikinulong si Lila Arguilla. Mainit ang dugo ko sa babaeng ito. Ito ang dahilan kung bakit wala na ang kababata kong si Van. Kung nakalaya ito noon, baka matagal na itong nakabaon sa hukay. Pero ito na ang chance ko.

Hindi ko man natulungan si Van, dahil sa misyon ko noon si Israel, dito man lang sa bruhang ito makaganti ako. Umabot din naman sa aking kaalaman ang maling nagawa ni Van sa family ng mga El Frid. Hindi ko na nagawa pa itong tulungan na maitama iyon. Pero dahil nalaman ko na hindi naging maganda ang trato ni Tanya kay Van noon, ako na ang bahalang gumanti sa gagang ito.

"Sino ka ba? Haaaa!" nagtitili ito na ikinakibitbalikat ko lang. Aliw na aliw ako rito. Nakatali ito, ayon kay Thomas, kabwanan na ni Tanya. Pero nang i-check ko ang t'yan nito ay fake baby bump lang iyon. In short, hindi ito buntis.

Pinitik ko ang syringe na naglalaman ng bagong invention kong gamot ngayon. 'Di ba, parang araw-araw may mga gamot akong na-iimbento.

Mula iyon sa sipon ng aso. Sinisipon kasi ang aso ko ngayon kaya naman inipon ko.

"Ano 'yan?" takang tanong nito nang humakbang ako palapit dito at nakita ang hawak ko.

"Vaccine!"

"Noooo! Ayokoooo!"

"Kahit naman magtitili ka d'yan, wala rin namang tutulong sa'yo rito. Ako ang Reyna ng lugar na ito. Of course, ako lang naman kasi ang nagmamay-ari ng lugar na ito. So, ako talaga ang Reyna."

"Pleaseeee, pakawalan mo na ako."

"Magmakaawa ka pa, go on. Pero hindi ibig sabihin no'n ay pakikingan kita." Hinawakan ko ang pulsuhan nito. Sa takot na kung saan matusok iyon, hindi na nakapalag si Tanya.

The Memories of CarmelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon