Thirty-three

722 21 1
                                    

Thirty-three

"Mama, ang laki na ng t'yan mo po. Kailan lalabas ang baby natin?" araw-araw iyon ang tanong ng kambal. Salitan ang mga ito sa pagtatanong. Buti na lang sinasagot nila Nana ang mga tanong nila kapag hindi ko na kinakaya ang kakulitan nila.

Nagdagdag din ang kuya ko ng mga tauhan sa Isla para matugunan ang mga pangangailangan namin. Naging smooth naman ang pagbubuntis ko, dahil hindi hinayaan ng mga tao sa paligid ko ang malunod ako sa lungkot.

May mga pagkakataon na, may gusto akong kainin na wala sa Isla. Kaya naman tine-text ko ang numero na ibinigay ni Kuya upang contact-in kapag may gusto akong ipabili. Sinusubukan kong tawagan ang numero na iyon, ngunit kapag sinasagot ay hindi naman nagsasalita. Ewan ko kay Kuya Thomas kung ano ba ang trip n'ya sa buhay.

At kung tinatanong ninyo kung nasaan na si Fra---ay, bawal bad words sa islang ito. Masakit sa tenga, masakit pa sa dibdib.

Araw nang panganganak...

"Kaya mo 'yan, girl! Iiri mo! Gago ka, 'wag kang iiyak-iyak d'yan." Pang-che-cheer ni Belle sa akin. Napahikbi na ako, sobrang sakit kasi talaga. Tapos dumagdag pa itong baliw kong kaibigan, imbes na makatulong mas na-co-conscious pa tuloy ako dahil sa camera na hawak nito.

Kung saan-saan kasi iyon napupunta. Ang masama pa, may time na itinututok nito iyon sa vagina ko.

"Tanggalin mo nga 'yan!" malakas na hiyaw ko, kasabay nang pag-ire. Sobrang sakit talaga. Napahikbi na ako sa sobrang sakit. 'Yong frustration ko noong nagbubuntis ako, isinigaw ko na talaga ngayon.

Ang hirap maghintay, lalo't wala namang katiyakan. Humahantong sa point na napapagod na ako. Pero kapag nakikita ko ang mga anak ko, kapag sumisipa ang baby sa t'yan ko. Bahagya kong nakalilimutan ang sakit na nararamdaman ko.

"Iireeeee mo!" tang'na, kung may chance lang ako. Hihilain ko talaga ang b*lbol nitong Gaga na ito. Daig na namin ang nasa concert. Sobrang ingay ko na nga, dumagdag pa ito. Bakit ba kasi pinapasok ito rito? Tsk.

"Hingang malalim!" ginawa ko ang utos ni Doc. Habang ang tingin ay masama pa rin kay Belle.

"Ang pangit mo, girl!" tawa ito nang tawa. Habang ako kandangiwi na.

Gusto ko itong kutusan. Pero paano ko gagawin iyon? Pagkatapos na lang.

"Push, mommy!" sabi ni Doc. Mariin akong pumikit, at huminga nang malalim at tinodo na ang ire.

"Lordddd, hindi na ako magiging marupokkkkm!"

Nanlulumong ibinagsak ko ang katawan nang tuluyan nang lumabas ang baby.

"Baby boy!" ngiting-ngiti na sabi ni Doc. Naiiyak na mariin akong napapikit.

"Umisa ka pa, Cara!" nakangising sabi ni Belle na lumapit sa akin at itinutok ang camera sa mukha ko.

"Gago!" malutong kong sabi. Dahilan para humagalpak ito nang tawa.

Magiging worth it ang lahat, kapag hawak mo na sa kamay mo ang anak mo. Lahat nang sakit at luha, lahat nang paghihintay at kabiguan. Simula naman ng maging ina ako, sa kambal pa lamang ay sobrang saya ko na eh. Nadagdagan pa ng anak na lalaki.

"Kaya pala ang tagal lumabas eh. Ang taba!" nakangising sabi ni Belle. Sinamaan ko ito nang tingin.

"Isa pa?" nakangising tanong nito.

"Lumayas ka nga!" tumawa lang ito. Bakit ba kasi nataong isang linggo silang mananatili rito? Ito tulay ang kasama ko ngayon dito. Plano namin isa sa Yaya na lang. Pero dahil narito ang lukring kong kaibigan, wala na akong choice.

"I-u-upload ko ito. Don't worry, iblu-blurred ko 'yong kweba!"

"Gago!" ngumisi lang ito.

DITO LANG AKO SA clinic sa Isla nanganak. Nakahanda naman ang chopper in case na kailanganin bumyahe. Papunta na rin si Kuya at ang family n'ya.

"Ang cute-cute naman talaga." Karga na ni Belle ang baby boy ko. Ngingisi-ngisi sa akin. Alam ko naman na kung bakit.

"Grabe kung makapagpa-remembrance si France, 'yong tipong hindi mo talaga makalilimutan." Mariin akong napapikit. Ano pa bang aasahan ko rito? Pareho lang naman kami nang tabas ng dila nito.

Inilapit nito ang karga nitong sanggol. Saka maingat na ibinigay sa akin. 3.7 ang timbang nito.

"Baby ko..." malawak ang naging ngiti ko. Maluha-luha pa nga dahil nang makita ito, napawi ang lahat ng pagod ko.

"Ayos ka lang?" serious mode na si Belle. Umupo ito sa tabi ko at hinaplos ang pisngi ko. Pinahid ang luhang bumasa sa pisngi ko.

"Konting tiis na lang, Cara! Magiging worth it ang lahat. Magiging masaya ka na rin, konting hintay lang."

"Magiging okay rin ako, Belle. Hindi ko na kailangan maghintay. Ayos na ako. Saka kahit wala s'ya, magiging okay kami ng mga anak ko."

"C-ara, huwag mo munang isara ang pinto."

"Bukas, girl!" biro ko sabay turo sa pinto.

"Tanga! Ibig kong sabihin---"

"Joke lang, hindi na rin siguro. Mas mabuting iubos ko ang oras ko sa mga anak ko." Bumuntonghininga ito.

"Mahigpit na bilin ni Kuya Thomas na huwag sabihin sa'yo, Cara---"

"Kung ibinilin n'ya, sundin mo na lang . Ayoko rin namang makarinig pa ng kahit ano."

Pinitik nito ang noo ko. Tignan mo itong babaeng ito. Pagod na pagod pa ako, pero mapanakit na.

"Hindi pwede, team France and Carmela ako. Kailangan kayo ang magkatuluyan. Kung ayaw mong makinig sa i-chi-chika ko, bahala ka. Pero hindi ka pwedeng magsara ng pinto sa mga parating na chances. Kung ayaw mo sa akin marinig, s'ya na lang ang magsasabi sa'yo. Pero huwag bubuka agad ang hita ha."

"Gago!"

"Tsk, gaganyan-ganyan 'yan. Pero miss na miss na! Baby, ang mama mo talaga ang tunay na leader ng mga marurupok." Sabi nito na nilaro ang kamay ng anak ko.

"Anak, nadala na si Mama. Promise hindi na rurupok ang mama."

"Ano nga palang pangalan n'ya?" tanong ni Belle na ikinatigil ko. Ano nga ba?

The Memories of CarmelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon