Thirty-nine

970 28 3
                                    

Thirty-nine

"A simple beach wedding---pero daing at tuyo ang handa." Maktol na sabi ni Hiraya, nakasalampak ito sa puting buhangin. Daig pa nito ang nag-pi-pictorial, samantalang nagmamaktol lang naman. Sinulyapan ko si France na kanina pa kamot nang kamot sa batok. Gusto kong maging unique ang kasal na ito. Nakipagpustahan ako kay France, kapag marami itong naiuwing isda, ito ang masusunod sa kasalang ito. Pero kung wala, ako ang masusunod sa lahat. Ang pagkain na ihahanda ay mula sa bunutan. Nabunot nito ay daing at tuyo. Kaya naman todo maktol ang mga anak namin. Sa totoo lang, sa kabilang bahagi ng Isla ang tunay na reception. Gusto ko lang pag-trip-an ang mga anak ko, pati ang mga bisita.
"Ang ganda-ganda ko, tapos Tuyo ulit kakainin ko? Mamaaaa, napupurga na po kami sa tuyo. Hindi po healthy!" nanunulis ang nguso ni Halina na sumalampak na rin. Natatawa naman ang mga bisita, pati na ang ibang member ng family.
"Dapat sinabi n'yo, nagdala sana kami!" ani ni Kuya na masama ang tingin sa akin.
"Pwede ba, bago reklamo um-attend muna tayo sa kasal ni Mama?" natatawang sabi ko rito. Napangiti naman si France na agad na umayos nang tindig. Magsisimula na ang procession. Kahit balak pa yatang magmaktol ng mga bata ay mabilis nang tumayo upang gampanan ang kanilang role sa kasal namin ng Papa nila.
"Girl, feeling ko kaya ka pumayag after 1 year pa ang kasal kasi plano mong makipagbakbakan sa honeymoon!" sinamaan ko nang tingin si Belle.
"Of course not!"
"Tsk, mapagpanggap! Kilala kita, alam mo kasing hindi mo pa kakayanin dahil sa panganganak mo. Buti hindi na diet si France?"
"May kamay at bibig naman ako ah!" nakangising ani ko rito." May pwet din ako."
"Hoyyyy, gago! Legit?"
"Oo!"
"Sh*t, the best ka my friend. Trinay namin ni Paris 'yan, kaso hindi ko kinaya." Nanunulis ang ngusong ani ng kaibigan ko. Natatawang umiling ako. Joke lang naman iyon. Daig ko pa ang pinasakan ng bakal sa pwet kapag gano'n.

"MAMAHALIN KITA, PAULIT-ULIT MAN tayong sinubok ng panahon at pagkakataon, 'yong puso ko nakalaan lang sa'yo. Ikaw 'yong Carmela ng buhay ko, ikaw 'yong babaeng dahilan kung bakit ako muling nakalaya sa lungkot na pinagkulungan ko sa sarili ko. Carmela, pasensya na rin, gwapong mangingisda lang ito. Isang kilong isda lang ang kayang ibigay sa'yo. Pasensya na rin dahil hindi ko matutupad ang pangako kong magiging pinakamahusay na mangingisda kasi mas may mahusay pa sa akin sa islang ito, gwapo lang talaga ang lalaking mahal mo." Pinitik ko ang noo nito, kanina pa tapos ang kasal, pero kanina pa ito bulong nang bulong sa akin. Vow raw nito iyon na nabuo noong hirap na hirap itong makahuli ng isda.
"Hayyyy, buti naman at hindi na tuyo ang pagkain natin. Sasama na yata ako kila Tal, kasi sabi n'ya hindi raw puro fish ang kinakain nila. May chicken, may meat and beaf!" dinig naming sabi ni Hiraya sa mga batang kaharap nito sa pambatang mesa. Daig na naman nito ang presidente sa lakas ng bunganga nito, at pagbibida.
Ayoko kong lumaking spoiled ang mga anak ko, gusto kong ma-adapt nila ang buhay na simple sa islang ito. Mas marami silang mararanasang experience na hinding-hindi nila makukuha kung lahat ng nais nila ay ibibigay namin ni France sa mga ito. Pumayag naman si France na ako ang masunod sa bagay na iyon. Dahil maski kasi ang kupal na ito ay kailangan ding matuto. Napabungisngis si Baby Franco na kandong-kandong ko. Nabuksan na pala nito ang dress na suot ko.
"Gutom na yata...kami!" bulong ni France na titig na titig sa bahagyang nakasungaw kong dibdib.
"Gago!" siniko ko ito, saka tinulungan ang anak na makapagdede nang maayos.
"Mahal kita!" ngiting-ngiti nitong sabi sa akin. Bahagya naman akong ngumiti at sumandal dito.
"Mahal din kita!"
"Tsk, Mamaaaa, nakakagutom magmahal si Papa!" ani ni Hiraya na mula ng mas maging malapit sa ama ay walang araw na hindi binuska ang ama. Natawa tuloy ang mga bisita. Habang ang Papa ni Hiraya ay napakamot lang sa ulo.
"Ipakita ko kaya sa anak natin ang bilyones ko sa bank?"
"Nope, ayokong kamulatan nila ang buhay na maranya. Gusto ko silang matuto, tulad ko na dito na sa Isla natuto sa buhay na masyadong malayo sa mala prinsesang buhay ko."
"Ipapakita ko lang naman, lagi na lang akong binubuli ng mga batang iyan." Natatawang umiling ako.
"Aliw na aliw lang sa'yo, kasi naman bakit wala ka man lang maiuwing magandang huli?"
"Tsk, naaawa nga kasi ako. Kasalanan ko bang super cute ng mga isdang nahuhuli namin. Nasusunog na nga ang balat ko eh." Maktol nito.
"Moreno lang, pero gwapo pa rin." Nakangising sabi ko rito. Ginagap nito ang kamay ko at mabilis na hinalikan iyon.
"Mamayang gabi, ang main event!" bulong ni France.
"Oo naman, magkakalumpuhan tayo mamayang gabi!"

End ( Special chapter na po ang next)

The Memories of CarmelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon