"Mama, Mama si Hira ayaw maligo!" Malakas na hiyaw ni Hali sa inang naghahanda ng isusuot ng mga ito. Huling araw ng klase ng mga bata kaya maaga silang nagising.
"Hira, ano nanaman ang problema? Tuwing umaga na lang ba sapilitan pa ang pagpapaligo sayo?" Nangungunsuming tanong niya sa anak na nakasalampak sa tiles sa banyo magulo ang buhok nito bukod sa alon-alon iyon hindi pa kasi nasusuklayan simula pagbangon sa higaan.
"Kasi naman Mama, sabi ni teacher Mauie magtipid ng tubig! Nakwento nya sa amin na may mga lugar sa Philippines na walang water na malinis!" Himutok ng bata sa ina.
"Hay naku Hira, neknek mo talaga everyday mo ng rason yan di mo pa aminin tamad ka maligo!" Si Hali na nakasimangot na sa kapatid.
"Hira, anong sabi ko sayo kapag ang bata ayaw maligo?"
"Babaho Mama, tapos lalapitan ng ipis kasi want ng mga ipis ang mababahong lugar!" Tugon ng bata.
"At saan sa katawan mo ang mabahong lugar kapag di ka naligo?" Nakaangat ang kilay na tanong niya rito.
"Sa kili-kili, sa hair, sa ammmm sa pepe?"
"That's right Hira, ligo na tayo nakakahiya kay Teacher Mauie kapag naamoy ka nya!" Si Hali na handa ng maligo. Lumapit ang Yaya na si ate Ami at pinagtulungan nilang asikasuhin ang kambal. Sa edad na apat ay aminado si Lila na may kalikutan ang mga ito. Malaro kaya nag-hire siya ng makakasama sa pag-aalaga sa mga bata.
Nang mapaliguan nila, binihisan nila ang mga ito saka inayusan. Saka sila bumaba sa kusina at nag-almusal.
"Ate Tala, sasama ka ba sa school?" Tanong ni Hali sa pinsan nito na nakasimangot sa cellphone nito.
"Ate!" Sabi ni Hira na medyo nilakasan ang tinig.
"May sinasabi kayo?" Gulat pa nitong tanong.
"Are you okay Tala?" Worried na tanong ni Lila sa pamangkin.
"I just remember my family in manila Tita, I tried to call Mom, but her line is busy!" Tugon nito na malungkot na malungkot ang expression ng mukha.
"Hayaan mo, susubukan kong tawagan si Kuya! Sumama ka na lang sa paghatid sa mga bata para malibang ka naman!" Tumango naman ito pero ganoon pa rin ang expression ng mukha.
"Bilisan nyo ng kumain!" Sabi niya sa dalawa na inaasikaso ni ate Ami at ni Nana Lora. Kumain na rin siya dahil siya siya ang kasama ng dalawang bata. Hands on siya pagdating sa dalawang anak. Hindi siya basta-basta nagtitiwala sa mga taong hindi personal na kilala. Madaming mapagsamantala sa panahon ngayon kaya hindi niya itetake-risk ang dalawa sa mga taong mula pagkabata niya ay iniiwasan na niya.
---
"Teacher Mauie, bakit uuwi ka? Hindi mo ba kami love?" Kanina pa si Hira na nangungulit sa guro. Kandang-kandong pa nga ito ng teacher nito. Habang si Hali ay nagkukulay sa harap ng guro. Tapos na si Hira kaya may oras na itong mangulit. Ang ibang kaklase nila ay tahimik na tinatapos ang ginagawa. Sila namang mga magulang ay nasa waiting area sa labas ng classroom. Sa edad kasi ng mga anak nila, uso pa ang tantrums sa loob ng silid-aralan. Hindi kakayanin ng isang guro ang madami nitong estudyante. Kaya nakaantabay silang mga parents.
"Love ko kayo, pero kasi need umuwi ni teacher dahil namimiss na ako ng Mama ko!" Malambing na tugon ng guro. Sumenyas si Lila sa anak na huwag itong makulit. Ngumiti lang naman ito.
"Tita, ganito lang ba talaga ang facility dito sa school nila Hira at Hali?" Di naiwasang tanong ni Tala.
"Oo, madami pang kulang dito! Pero di naman issue sa aming mga magulang iyon kasi magaling ang mga guro!"
"Hindi mo ba Tita naisip na mas magiging okay sila Halina sa city? Kompleto sa gamit, mas magiging malawak din ang mundo nila roon, not like here in the island!" Nauunawaan niya si Tala sa edad nitong katorse sanay sa mundo sa maynila.
"Tala, Hindi naman big deal sa akin ang ganda ng school facilities, high tech na mga kagamitan, gusali at madami pang iba na kayang ioffer ng siyudad! Ang akin lang, ligtas na lugar para sa mga bata! Dito namin sa Isla Arguilla na kuha ang katahimikan at kapayapaan na di naibigay ng maingay na maynila!"
"Tita, sana ganyan din ang mindset nila Mom noh? Wala din namang issue sa akin kung saan kami basta magkakasama kami at safe! Pero wala silang sapat na oras sa akin, masyadong tutok si Dad sa negosyo! Si Mom tutok sa pag-aalaga kay Tal! Saan ako lulugar sa buhay ng magulang ko?" Naiiyak nitong tanong. Lumapit siya rito saka naupo sa tabi nito. Medyo may distansya sa pagitan ng ibang magulang. Inakbayan niya ang pamangkin. Nauunawaan niya ito 14 years old lang ito. Naghahanap pa ng atensyon sa mga magulang nito.
"Nasabi mo na ba sa parents mo na ganyan ang nararamdaman mo? Alam mo, pwede mo namang sabihin sa kanila! Parents mo sila, makikinig sila sayo!"
"Takot akong sabihin sa kanila ang nararamdaman ko!" Mahigpit na niyakap niya ang pamangkin."Kasi feeling ko wala akong karapatan dahil ampon lang naman ako!"
"Tala, don't say that! Arguilla ka, pamangkin kita anak ka ng kapatid ko wag na wag mong iisipin na ampon ka lang!" Sabi niya sa pamangkin. "Yaan mo, kakausapin natin sila pagsundo ng Dad mo sayo! For the mean time enjoy the island!" Ngumiti ito pero hindi sapat para umabot sa mga mata nito.
"Thanks tita Lila!" Yumakap ito sa kanya. Walang pwedeng kumwestiyon sa pagiging Arguilla nito. Makikipag-away siya at ang kuya niya para sa batang ito. Mahal na mahal nila ito.
"Mama! Ate!" Malakas na hiyaw ni Hiraya na palabas ng classroom hila-hila ang bag nitong de-gulong. Kasunod si Halina na nakasimangot.
"Ang ingay-ingay mo talaga Hira, di ka ba naaawa sa amin pati kay Teacher Mauie? Mababasag na ang eardrums namin!"
"My God, why so dami ng reklamo? Mama, hindi po ako maingay! Good girl po ako!" Kinuha nila ni Tala ang bag ng mga ito at tig-isang hinawakan ang mga ito.
"Oh baka pag-awayan nyo pa yan that's enough!" Saway niya. Tiyak na di papatalo ang bawat isa kaya mas better na sawayin na.
"Nag-uusap lang kami ni Hali Mama, never kaming mag-aaway! Sabi kasi ni teacher magmahal daw ang lahat! Mas better ang world kung may peace and love ang bawat tao!" Sabi ng madaldal na si Hiraya na may pakumpas-kumpas pa ng kamay.
"Oo Mama, never kaming mag-aaway! Sabi ni teacher Mauie, masarap ang magmahal ng kapatid, magulang at mga kaibigan so titiisin ko na lang po ang kaingayan ni Hira kesa ang makadama ako ng hate, diba po?"
"Nakakatuwa naman kayong dalawa!" Nakangiting sabi ni Tala na medyo gumaan na ang mood dahil sa kambal na pinagtitinginan dahil sa tatas magsalita at dahil na rin sa itsura ng mga ito. Kahit kasi laking isla ang mga ito ang kutis ng mga ito ay maputi at makinis. Mamula-mula kapag natatamaan ng sikat ng araw. Pati ang buhok na kulay ginintuan. Matambok ang mga pisngi na parehong may dimples at ang mga matang tulad ng kay Lila. Abuhin ang mga iyon na waring iiyak ano mang oras. Pero nagnining-ning kapag masayang-masaya.
"Ate Lila, sa Isla Arguilla walang silid ang sadness!" Sabay na sabi ni Hira at Hali na may malawak na ngiti.
"Oo na!" Sabi nito na nahawa na din sa ngiti ng mga bata. At bilang ina ng kambal sobrang proud siya sa mga ito.
BINABASA MO ANG
The Memories of Carmela
Narrativa generaleMadami ang takot sa binatang bilyonaryo na si France Kevin El Frid. Pagdating sa negosyo wala itong sinasanto. Kahit pa gumapang sa hirap ang mga katunggali nitong kompanya ay wala man lang nararamdamang guilt ang lalaki. Naging bato ang puso simula...