Twenty-three
"Tanya? What are you doing here?" gulat na anas ko nang makita ko si Tanya na nasa sala ng family house namin. Nasaan si Mommy? Wala ba sila Paris dito at ang family n'ya.
"Hi! Miss me?" nakangising anas nito. Naghuhumiyaw ang utak ko 'run' malaking problema kapag nalaman ni Carmela ito. Tiyak na mas lalong lalayo ang babae sa akin. At hindi ko kakayanin iyon.
Akma itong yayakap ngunit umiwas ako.
"Babe? Hindi mo ba ako na-miss? Miss na miss na kita." Nakangusong ani ng babae.
"Tapos na tayo, matagal na."
"Alam ko, kaya nga ako na rito. Para bawiin ka."
"Marami na ang nagbago. Nakikiusap ako sa'yo, huwag mo na akong guluhin." Napaigtad ako nang bigla na lang nitong sapuhin ang pagkalalaki ko. Para akong napapasong lumayo rito.
"Alam ko namang ako pa rin, hindi ko nga alam kung bakit umaarte ka pa ng ganyan. Wala na si Carmela. Pati ikaw napaniwala na rin ni Belle. Patay na s'ya."
"Nope, she's not. Balak ko rin s'yang pakasalan. Mahal ko si Carmela, huwag mo na sana kaming guluhin pa." Sabi ko rito saka tinalikuran na ito at dali-daling pumanhik sa silid ko. Mag-iimpake lang ako, at magpapaampon na kila Cara. Kahit pa anong gawin ni Thomas Arguilla, ilalaban ko si Cara at ang mga anak ko.
GABI nang dumating si Kuya Thomas, inabangan ko talaga ang pag-uwi nito. Kakausapin ko ito tungkol sa plano kong pag-uwi sa Isla. Tiyak na iisipin ng lahat na tatakbo na naman ako. Pero oo, tatakbo talaga ako. Ayoko nang gulo sa buhay ko, lalo na sa tahimik na buhay ng mga anak ko. Sasalubungin ko pa lang sana ito nang makita ko ang lalaking may hila-hila na maleta, nakabuntot sa kapatid kong lalaki. May ngisi sa labi nito na waring proud na proud sa nagawa nito.
"What are you doing here? Kuya?" sinulyapan ko si Kuya Thomas na nagkibitbalikat lang.
"Kuya bakit pinapasok mo ang lalaking iyan dito? Anong ginagawa mo rito?"
"I'm here...for good."
"What the f*ck?" gulat na anas ko.
"Your mouth!" saway ni kuya. Kaya naman mabilis kong itinikom ang bibig ko. Kung may tao man na hindi sanay talaga sa bibig ko, 'yong kapatid ko iyon. Baka tahiin n'ya ang bibig ko kapag nagkataon.
"Mag-usap kayo, hindi na kayo bata na kailangan pa na ipagtulakan just to do the right thing. May mga anak na kayo. Isipin n'yo kung ano ang mas makabubuti sa kanila." Sabi ni kuya. Saka kami nito iniwang dalawa. Nang tignan ko si France. Nasa expression na ng mukha nito ang pagmamakaawa.
"Gusto kong lumayo, kasi iyon ang makabubuti sa amin ng mga anak ko. Ayokong makita 'yong sarili ko na wasak na naman. Hindi kasi iyon kakayaning makita ng mga anak ko. Kaya please, umalis ka na." Pakiusap ko rito.
"No, kahit ipagtulakan mo pa ako paalis. Hindi ako aalis, ganito kasi iyon. Nasa family house namin si Tanya. Sabi n'ya babawiin daw n'ya ako. Papayag ka ba no'n?" pinaglalaruan ng lalaking ito ang emosyon ko. Nakakagalit.
"Oo, payag ako. Bumalik ka na sa inyo."
"Pwes ako hindi ako payag, dito lang ako."
"Ang kapal ng mukha mo." Malungkot na anas ko rito. Lumamlam ang expression ng mukha nito.
"Kahit pa anong itawag mo sa akin, ayokong humantong ako sa puntong tanging lugar na lang na pupuntahan ko ay mental. Ayoko nang mangulila ng sobra. Nakakabaliw kasi iyon. Alam kong may pagkakamali ako, kaya ko namang itama. Bigyan mo lang ako nang chance. Mahal kita."
"Kung ikaw takot kang mabaliw, pwes ako, pagod na pagod na. Kaya please, ayokong matulad din ang mga anak ko sa akin. Kung kailangan mahal ka na, saka ka mawawala. Mas pipiliin ang iba. Hindi kasi deserve ng mga anak ko iyon. Hindi mo ako masisisi kung sobrang taas ng pader na iniharang ko sa pagitan nating dalawa. Ina na rin kasi ako, hindi pwedeng puro lang puso at t*ti ang nasa isip ko. Kailangan ko ring protektahan ang mga anak ko." Luhaang sabi ko rito. Bumuntonghininga ang lalaki.
"Buo na ang desisyon ko. Dito ako titira, susunod ako sa kahit saan man kayo pumunta. Hindi ko na uulitin pa ang malaking pagkakamali na nagawa ko noon. Baka sa asylum na ang bagsak ko kapag nawala pa ulit kayo. Hindi ako manggugulo. Hindi ako lalapit sa mga bata--- unless sila ang lalapit."
"Ang tigas ng ulo mo." Malungkot kong anas dito. Saka ito tinalikuran at pumanhik na ng silid. Hindi ko na rin nakita ng gumuhit ang sakit sa mukha ni France.
HINDI ako makahinga. Pakiramdam ko may nakadagan sa mukha ko at dibdib. Pilit kong iniangat ang dahilan kung bakit hindi ako makahinga.
Dito ako sa sala ng mansion natulog. Pakapalan na lang talaga ng mukha. Saka wala man lang nag-abalang bigyan ako ng silid kahit guest room man lang.
"Good morning, Papa!" ngiting-ngiti na anas ni Hiraya. Oo, simula ng makilala ko ang mga ito tinulungan ako ni Belle na makita ang differences ng dalawa upang mabilis kong matandaan.
"Nananaginip ba ako?" maluha-luha anas ko. Saka sinapo ang matabang pisngi ni Hiraya. Saka ang pisngi naman ni Halina ang pinisil ko.
"Nope, you're not. Para nga po kami ang nananaginip. Kasi palagi naming dasal na magkaroon kami ng Papa. Love talaga kami ni Mama, kasi binigyan na n'ya kami ng Papa. Sabi ni Uncle, ikaw raw si Papa."
"Sinabi ni Uncle Thomas n'yo iyon? Nasaan ang Mama n'yo?"
"Si Mama? Tulog pa po iyon."
"Papa, sabi ni Ate Tala sasama raw kami sa kanila. Kaya maiiwan kayo ni Mama. Alagaan mo si Mama. Babyeeeee!" sobrang daldal ng mga anak ko. Manang-mana sa nanay ng mga ito.
Binuhat na ni Thomas ang mga ito.
"Ikaw na ang bahala kay Carmela, tulog pa s'ya." Sabi ni Thomas. Napatango na lang ako saka tumalikod na ang mga ito.
Tumayo ako saka dali-daling pumanhik sa ikalawang palapag ng mansion. Inisa-isa ang mga silid, bago natagpuan ang silid ni Cara. Masarap pa ang tulog nito. Balahura rin ang babaeng ito, dahil naka-panty lang at naghihilik pa. Hindi man lang nagkumot or something.
Paano na lang kung may pumaso--- nanlaki ang mga mata ko nang gumalaw ito at tumihaya. F*ck, mukhang masarap ang breakfast ko.
BINABASA MO ANG
The Memories of Carmela
Fiksi UmumMadami ang takot sa binatang bilyonaryo na si France Kevin El Frid. Pagdating sa negosyo wala itong sinasanto. Kahit pa gumapang sa hirap ang mga katunggali nitong kompanya ay wala man lang nararamdamang guilt ang lalaki. Naging bato ang puso simula...