Twenty-eight

725 25 1
                                    

Twenty-eight

AURA kung aura kaming dalawa ni Belle. Habang karay-karay ang aming mga anak papasok ng gusali. Napapatingin tuloy ang mga tauhan ng company sa amin. Of course, kilala ng mga ito si Belle and Caven Love, her son. Kami naman ng mga anak ko, titiyakin kong kikilalanin din kami ng mga ito. Sa private elevator pa kami sumakay kaya naman mas naging maugong ang bulungan.

"Kapag nakita mo si Tanya mamaya, hihilain ko agad ang mga anak mo. Para hindi nila makita ang evil side ng kanilang ina." Bulong ni Belle sa akin.

"Tama, gawin mo nga 'yan. Para naman makatiyak ako na hindi ma-a-adapt ng mga anak ko ang pagiging basagulera ko." Ngumisi pa kaming pareho. Pagbukas ng elevator, hawak ko sa magkabilang kamay sina Hiraya at Halina na excited na excited makita ang Papa nila.

"Girl, positive!" bulong ko kay Belle.

"Kids, mag-hi muna tayo sa Daddy ni Caven Love! Dito 'yong door!" yaya ni Belle na bigla na lang binuksan ang pinto. Napatingin pa ang kambal sa akin. Mabilis naman akong tumango sa mga ito. Ayokong masira ang image ko sa aking mga anak.

"Yaya, samahan n'yo sila. Ako na muna ang bahala lunch box." Excited namang sumama sina Hira at Hali sa Tita-ninang nila, feeling ko hindi naman doon ang office ni Paris, nakita ko kasi ang label na conference room. Tapos naka paskil din doon na on-going. Baka atakihin sa puso ang mga naroon sa biglang pagpasok ni Belle at ng mga bata. Pero bahala na muna sila roon. Confident akong naglakad patungo sa office ni France.

"Good morning, I'm Carmela." Bati ko sa secretary nito.

"Do you have an appointment, Ma'am?" magalang na sabi ng babae.

"I'm France's fiancee!"

"C-ara?" sinulyapan ko si Tanya na kunwari'y nagulat pa.

"Heay, I didn't know na nakalabas ka na pala ng kulungan. Hindi ba s'ya nanggulo rito?" tanong ko sa secretary.

"Kanina pa nga po, Ma'am!" sumbong ng secretary.

"Naku! Ate, ako na ang humihingi nang dispensa. Hindi pa kasi nakainom ng gamot itong si Tanya."

"Are you out of your mind?" singhal ni Tanya na tumayo na sa kinauupuan nito.

"Nope, dapat tumawag ka na rin ng security. Medyo hindi kasi safe. May tendency kasi na bigla na lang s'yang nagwawala for no reason." Takot at nataranta naman ang secretary ni France na dinampot ang telephone.

"I'm not crazy, you bitch."

"Kanina ka pa ba rito? Bakit hindi ka pinagbubuksan ng pinto?"

"Wala s'ya d'yan, may meeting!" kunwari'y confident na sabi ni Tanya. .

"Oh, really? Baka naman ayaw ka lang pagbuksan kasi nga, kulang ka ng isang turnilyo."

"Sumosobra ka na, anong pinagmamalaki mo? Dahil binigyan ka ng singsing? Girl ako rin, pero tignan mo ang ginawa sa akin?"

"'Wag mong pagkumparahin ang sitwasyon nating dalawa, 'yong lalaking 'yon nag-advance na ng dalawa sa akin, plus isa pa." Itinuro ko ang t'yan ko."Ako 'yong matagal na hinintay, ikaw 'yong nandyan pero naghintay ba s'ya?" nakangising tanong ko rito."Sabihin na nating naging rebound ako, pero no'ng minahal na ako, bumalik ba sa'yo?"

"S-top!" naluluhang sabi nito.

"Hindi si France ang nagloko nang paulit-ulit. Hindi s'ya 'yong nanakit. Siguro naman ngayong gusto n'ya nang mag-settle, hayaan mo na s'ya." Bumukas ang pinto ng office ni France. Shock ang mukha nang makita ako, agad akong lumapit dito saka s'ya niyakap nang mahigpit.

"Nandito ka pa pala, Tanya?" mukhang hindi rin alam ni France na hindi pa pala umalis si Tanya girl.

"G-usto lang sana k-itang makausap." Nangingilid ang luhang sabi ng dalaga.

"Next time na lang, magpa-set ka ng schedule sa akin. Tignan natin kung papayagan ko." Nakangising sabi ko sa babae.

Saktong dumating ang security.

"Next time, tiyakin n'yo kung safe ba ang taong papapasukin n'yo sa building na ito." Istriktang sabi ko sa mga ito.

"Yes, Ma'am."

"Don't touch me!" maldita pa ring sabi ni Tanya. Saka nag-walk out at iniwan kami.

Nakangising sinulyapan ko si France.

"Good job!" naiiling na pinisil nito ang ilong ko.

"Nasaan ang mga bata?"

MABILIS kong binuksan ang pinto, without thinking kung may maaabala ba ako. Saka iginiya ang mga bata papasok. Mapapasabak ang aking kaibigan. Ayokong madungisan ang ulirang ina award nito.

Natahimik ang lahat ng tao sa conference room. Una kong nakita si Paris na nakatayo, habang may dini-discuss sa harapan.

"Daddyyyyy!" tili ni Caven Love at nagpababa sa akin. Sina Hiraya at Halina ay parang nahiya pa dahil sa amin na nakatingin ang mga tao na inabutan namin sa loob.

Pati ang mga Yaya ay nahiya. Pilit nagtatago sa likod ko.

"Hiiiii!" puno nang energy na bati ko sa mga ito. Salubong ang kilay ni Paris na nakatingin sa akin. Parang ang dating dito ay nakalasan na naman ako ng turnilyo.

"Belinda Ligaya?" nakaangat na ang kilay nito, saka binuhat ang anak namin. Bumuntongisngis ako. Aba'y napahiya na nga, ipapakita pa? No way!

"Binibisita ko lang kung productive ba kayong lahat, ayaw n'yo ba akong makita?"

"Of course, gustong-gusto." Sabi ng ginang na isa sa Ninang namin sa kasal.

"Let's continue this tomorrow, dismiss!" sabi ni Paris. Kinuha ko si Caven Love rito. Saka lumapit na kina Hiraya at Halina, binuhat nito ang mga iyon.

"Gusto mo na rin ng kambal? Gawa na tayo?"

"Shut up, may mga bata. Ikalma mo 'yang bibig mo." Sabi nito na tinawanan ko lang. Sumunod na rin kaming lumabas. Tapos naman na sigurong makipagbardagulan si Cara, hindi nito pwedeng ipahiya ang pederaston ng mga kapekpek.

Nagtungo kami sa office ni France.

"Sina France?" tanong ko agad sa secretary.

"N-asa loob po, b-aka po pwedeng balik na lang kayo. Nagkakalabugan sa loob." Natawa ako sa sinabi ng secretary.

"Paris, sa office mo na muna tayo. Order ka ng food."

"Hindi mo ako dinalhan ng lunch?"

"Hindi, matanda ka na." Sabi ko lang dito na nginisihan ito. Napailing na lang ang asawa ko.

The Memories of CarmelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon