Thirty-five
"Hi, I'm Tattiana Romavei." That f*cking aura, nagdulot iyon nang kakaibang creepy feeling sa akin ngunit hindi ko lang ipinahalata rito.
Tinanggap ko ang nakalahad nitong kamay at nakipagkamay rito.
"I'm France El Frid!"
"Have a seat!" nagsalubong ang kilay ko. Last time I checked, office ko ito.
"Ay, mali. Ikaw pala dapat ang magsabi." Natawang sabi ng babae. Pero tumalikod na ito at naupo sa couch.
"Excuse me, what can I do for you?" takang tanong ko rito.
"Thomas is your friend, right?" kaibigan ko ba 'yong gagong iyon? Parang hindi, palagi nga kaming magkasama, pero 'pag bored ito ay niyayaya akong makipag-sparring sa kanya. Bugbog ako palagi sa kapatid ni Cara. Parang sinasadya nito, parang gumaganti dahil sa sakit na naidulot ko sa kapatid nito.
"M-aybe?"
"Well, I'm here to help you."
"Help?"
"Ang kaibigan mo kasing iyon desperado nang mahanap ang kapatid n'ya. Humingi na s'ya nang tulong sa grupo namin. Ako ang pinadala ni Lady A to do the job."
"P-aano n'yo kami matutulungan?" nakadama ako nang excitement dahil kung malaki ang maitutulong ng mga ito tiyak na mahahanap namin si Lila, at makakasama ko na ang mag-iina ko. F*ck!
"'Wag masyadong ma-excite. Hindi man maningil si Lady A, pero ako maniningil."
"Anything!" buo ang loob na sabi ko rito.
"Nice, simple lang naman. Oras na mahuli ko si Tanya, ako ang tatrabaho sa kanya."
"What do you mean?"
"May pinag-aaralan kasi akong gamot ngayon, gusto ko s'yang gamitin as human tester."
"Is it allowed?"
"Nope, pero 'yon ang condition ko sa'yo."
"Tsk, fine. Wala naman akong pakialam sa kanya."
"So, deal?" nakangising tanong nito. Tumango-tango ako rito.
"Deal!"
KANINA PA UMALIS si Tatti, Tatti na lang daw ang itawag ko rito. Sabi nito, bigyan lang daw namin s'ya ng isang araw para gawin ang trabaho, honestly I doubt talaga kung kaya ng isang araw ang gawain na ilang buwan na naming ginagawa. Pero ano pa bang magagawa namin, idaraan na lang namin sa dasal.
"France!" pukaw ni Paris sa akin. Mabilis akong ngumiti sa kapatid ko.
"Are you okay?" salubong ang kilay na tanong nito. Mabilis naman akong tumango. Oras-oras ata ay nagtatanong ito. Ayokong makialam si Paris sa sitwasyon ko ngayon dahil sa takot ko na rin madamay ang pamilya nito. Kaya nga pumayag ito na mas maging tutok sa company, habang ako, excuse ko lang talaga na pumasok sa office para hindi makasama si Tanya. Wala kasing pinapalampas na oras si Tanya sa paghuhubad sa harap ko. Pero never ko namang hinayaang matukso ako nito.
Hindi na s'ya ang dahilan ng pagtayo ng 'ano' ko. Boses nga lang ni Carmela sa tuwing tumatawag ito, tinatayuan na ako eh. Gustong-gusto kong naririnig ang iretable nitong boses, kahit hindi ako nagsasalita. Miss na miss ko lang talaga.
"May dumating daw na babae sa office mo, sino 'yon?" tanong nito. Mukhang nahawaan na ito ni Belle. Nagiging tsismoso na rin ang kapatid ko. Nahawa na si Paris kay Belle, hindi ko alam kung good or bad ba iyon.
TUMUNOG ANG CELLPHONE ko. Tumatawag si Carmela, siguro kapag nalaman nitong ako ang may-ari ng number na tinatawagan nito ay baka i-block na ako nito. Sinagot ko ang tawag nito.
"Kuya? Bakit hindi kayo natuloy pumunta rito? Nanganak na ako, super healthy ng baby ko." Excited na kwento nito. Gustong-gusto kong sabihin na ako iyon pero nagpigil ako. Gusto ko pang marinig ang boses nito. Miss na miss ko na ito.
Gusto kong tanungin kung ano ang pangalan ng baby namin. Pero pinigil kong muli ang sarili ko.
"Hay, nakakainis ka naman." Pinatay na ang tawag. Napabuntonghininga ako na pilit ang naging ngiti.
INITSA KO ANG cellphone sa kama. Kanina pa ako salita nang salit, pero hindi naman sumasagot. Hindi ko man aminin umaasa akong si France iyon. Lihim din akong marupok. Ayoko lang aminin dahil umaasa akong si France nga ang tinatawagan ko. Alam ko naman kasing kung si Kuya Thomas iyon, ay sasagot at sasagot iyon.
"Mama?" ngiting-ngiti na bungad ng kambal. Excited na namang bisitahin si Baby Franco. Madalas sayawan at kantahan ng mga ito. Tuwang-tuwa sa kapatid nilang may sariling mundo.
"Mama, kailan kami mag-pla-play ng ball?" ilang beses na ba nilang tinanong iyon? Ibang klase talaga ang kambal na ito. May pinagmanahan.
"Matagal pa, Hira. Sina Nana muna ang kalaro n'yo ha." Sabi ko rito. Baka mamaya magulat na lang ako binabato na nila si Baby Franco ng bola. Hindi malabong mangyari iyon dahil walastik ang utak ng mga ito.
"Mama, alam mo po may na-mi-miss ako. Pero sabi ni Hali, bawal daw magsabi ng bad word."
"What?"
"Kasi Mama, miss na raw ni Hira si Papa." Napakagatlabi ako sa sinabi nito.
"M-iss n'yo na?"
"Opo, pero 'wag kang mag-alala po. Ayos lang po ako. Siguro naman darating ang time na makakalimutan ko na s'ya."
"Mga anak, hindi n'yo naman kailangan gawin iyon. Darating ang papa n'yo rito. Makakasama n'yo na rin s'ya."
"Eh, ikaw po? Hindi ka makakasama ni Papa?"
"A--nak?"
"Kung ayaw mo na pong makasama si Papa, ayaw na rin namin."
Mabilis akong umiling. Naluluha ako pero ayokong umiyak na naman sa harap ng mga ito.
"Hindi dapat gano'n, Papa n'yo s'ya."
"Asawa ka naman po ni Papa!"
"Hira, hindi nga si Papa ang asawa ni Mama. Nakalimutan mo na ba may wife na si Papa sabi ni Tal."
"Oo nga pala."
"Mga anak, kahit naman anong mangyari Papa n'yo pa rin si Papa France ninyo. Hindi iyon magbabago. Kahit pa may asawa na s'yang iba."
"Pero sa'yo po may magbabago kapag gano'n." Malungkot na sabi ni Halina.
"Magiging okay lang si Mama, basta magpapakabait kayo."
"Okay po, I love you po." Niyakap ako ng mga ito.
"Mahal ko rin kayo."
![](https://img.wattpad.com/cover/239896811-288-k287546.jpg)
BINABASA MO ANG
The Memories of Carmela
General FictionMadami ang takot sa binatang bilyonaryo na si France Kevin El Frid. Pagdating sa negosyo wala itong sinasanto. Kahit pa gumapang sa hirap ang mga katunggali nitong kompanya ay wala man lang nararamdamang guilt ang lalaki. Naging bato ang puso simula...