Thirty-eight

877 31 1
                                    

Thirty-eight

"Papaaaa? Are you for real?" tili ni Hiraya habang pababa ng hagdan. Buhat-buhat ko si Baby Franco, habang nakaupo sa couch. Si Hiraya at Halina ay hawak ng Yaya ng mga ito. Malawak ang ngiti, namimilog ang kanilang mga mata dahil hindi makapaniwala na narito at nakikita nila ang Papa nila. Pero nang makalapit, nagbago rin ang expression ng mga mukha nila. Nilagpasan nila ang Papa nila sabay upo sa tabi ko.
"Mama, 'di po ba hindi natin bati si Papa? I-ta-talk po ba namin or not? Pero na-miss ko po si Papa, gusto ko s'yang i-hug, pero naisip ko, baka magalit ang wife n'ya, tapos magkakaanak na rin s'ya sa iba sabi ni Tal."
"Miss na miss kayo ni Papa, hug n'yo na s'ya dali na." Udyok ko sa dalawa. Ngunit mabilis silang umiling at niyakap na ako. Bumuntonghininga si France.
"Uuwi na lang pala ang Papa, nakaka-sad naman. Miss na miss ko pa naman ang mga prinsesa ko. Hindi pala nila ako na-miss."
"Papaaaaaa!" malakas na tili ng mga ito, saka nag-unahan sa pagtayo at nilundag ang amang mabilis naman silang na salo.
"Oh God, thank you! Palagi ko pong dasal every night na ibigay n'yo na lang sa amin ang Papa ko." Humihikbing sabi ni Hiraya.
"Hindi na mawawa si Papa, dito na rin titira si Papa. Mangingisda s'ya para may maipakain sa inyo." Biro ko sa mga ito.
"It's okay, pero Papa galingan n'yo manghuli ng fish." Naluluhang tumango si France at niyakap ang kambal.
Buhat-buhat ni France ang mga ito patungo sa tabi ko saka naupo.
"Papa, kamukha mo si Baby Franco. Baka maging habulin din ng girls tapos 'yong girls iiyak sa kanya, like mama to you." Seryosong ani ni Halina.
"Of course not!" mabilis kong tangi kay Hali."Magiging good boy natin."
"Hali, isasako natin si Baby Franco kapag lumaki s'ya tapos naging bad boy!" istriktang sabi ni Hiraya. Natatawang napailing na lang ako sa mga ito.
"Kawawa naman pala ang baby natin n'yan." Sabi ni Franco.
"Papa, kapag naging bad boy ka rin, isasako ka rin namin. Tapos ipapahulog ka namin sa dagat sa mga friend naming fisherman." Ngiting-ngiti na sabi ni Hiraya na waring iyon na ang pinakamagandang naisip nito para sa ama. Umugong ang malakas na tawa ni France. Saka pinupog nang halik ang mga bata.
"I love you!" ngiting-ngiti na sabi ni France. Dama ko 'yong labis nitong saya. Siguro naman this time, tuloy-tuloy na ang kasiyahan na iyon. Sa piling ng lalaking ito, sa piling ng mga anak namin.
"Mama, dapat happy na tayo."
"Oo anak, happy na."
"Mama, sabi ni Tita-ninang, always daw kaming matulog sa room n'yo ni Papa. Bakit po? Big girl na kaya kami." Napakagatlabi ako, napigil ang sarili na mapamura. Kaya pala kaninang maagang-maaga ay umuwi na ito kasama si Caven Love.
"Oo naman anak, tama si Tita-ninang. Gusto ni Papa, kasama palagi tayo kapag matutulog." Ngiting-ngiti na sabi ko rito. Habang si France, nanunulis ang nguso. Nginisihan ko lang ito.
Saka hindi pa rin naman pwede, 6 months ang palugit ko sa sarili ko upang maka-recover. Kung hindi s'ya makatiis, bahala s'ya sa buhay n'ya. Pero no worries, hindi naman s'ya ma-da-diet, dahil pwede namang mag-BJ kaming dalawa, tapos HJ. Marunong na kaya ako sa gano'n. Basic na lang iyon.

"PAPA, MAY NAHULI KA bang isda?" excited na salubong ni Hiraya sa akin. Kasunod ko si Manuel na bitbit ang timba nang huli namin nito. Nilampasan ako ni Hiraya, sumunod si Halina. Napakamot sa ulong sinulyapan ko ang mga ito. Sabay na namewang ang kambal na humarap sa akin.
"Papaaaa, sabi mo isa kang gwapong mangingisda. Bakit 3 fish lang ang meron dito?"
"Anak, pasensya na. Gwapo lang si Papa, hindi mangingisda. Hayaan mo, mag-e-enrol ako kila Kuya Manuel kung paano ba mangisda."
"Hira, mukhang tuyo na lang muna ang isda na uulamin natin. Tara na!" kakamot-kamot sa ulong sinundan nang tingin ang mga ito.
"Sir naman kasi, bakit naman kasi naawa kayo sa mga isdang nahuli natin. Edi sana marami kayong ulam ngayon."
"N-ext time!" alanganin tinapik ko ang balikat nito saka kinuha na rito ang timba upang umuwi na rin. Nadaanan ko pa ang ilang grupo ng mangingisda na abala sa blade-baldeng huli nila.
"Sir, good morning po!"
"Good morning, pwede bang bilhin ko na lang 'yang isang timbang isda n'yo?"

MALAWAK ANG NGITI, CONFIDENT PA akong pumasok sa bahay nila Carmela. Isang linggo na simula nang makasama ko sila. Nagyabang kasi ako kay Cara na sisimulan ko na ang buhay mangingisda sa islang ito. Pero akala ko kakayanin ko, hindi pala.
"Marami kang huli?" salubong ang kilay na tanong nito. Waring pinapaamin ako sa plano ko sanang pagtakpan ngayon.
"W-ala, kaya bumili na lang ako nang pag-ulam natin."
"Tsk, pabibo!" parungit nito na tinalikuran na ako. Tatawa-tawang humabol ako rito at sabay na kaming nagtungo sa kusina. Naroon ang kambal, ayon kay Cara, tulog daw si Baby Franco.
"Anong ulam natin, Hira?" tanong ni Halina.
"Tinolang tuyo."
"Mamayang gabi, anong ulam natin?"
"Sinigang na Tuyo."
"Bukas anong ulam natin?"
"Paksiw na Tuyo."
"Anak, bakit naman puro Tuyo?" natatawang sabi ko sa anak ko.
"Kasi wala kang nahuling fish, tsk. Gusto kong Papa 'yong marunong manghuli ng fish!"
"Marunong ako tilapia nga lang..." pasimpleng kinurot ako sa tagiliran ni Carmela.
"Bunganga mo!"
Malakas akong natawa dahil sa sinabi nito. Naiiling na lang din dahil kahit ganito ang buhay sa islang ito, masayang-masaya ako. Pwera na lang syempre kapag nag-che-check ako ng email from office. Parang may galit si Paris sa akin. Ang daming trabaho ang ipinapadala. Tsk.

The Memories of CarmelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon