"Mama, ang ganda po dito! Pwede dito na lang tayo tumira?" Malawak ang ngiti ni Hira sa kanyang ina habang palinga-linga sa paligid. Maraming tao, pero panatag naman si Lila dahil nakapalibot ang bantay sa kanila.
"Anak, hindi tayo pwedeng tumira dito. Ang tawag sa place na ito ay mall!"
"Pero pwede tayong mag-visit dito palagi Mama?" Tanong naman ni Halina na karga na ng Yaya dahil pagod na daw.
"Oo naman!" Sabi ko na may malawak na ngiti. Pauwi na sila at madami siyang na biling gamit ng mga ito. Nag-enjoy din sa paglalaro ito at pinagbigyan niyang makakain ang mga ito sa Jollibee. Nagtake out pa nga sila. Kaso ng palabas na nagtantrums si Hira, gusto nitong bilhin ang statue ni Jollibee. Buti na lang na amo nila at pumayag itong stuffed toy na Jollibee na lang ang bibilhin nila.
"Lila" Napalingon agad si Lila sa tumawag sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Belle, Carmela's bestfriend.
"Belle/Ninang Belle!" Sabay na sabi ng kanyang mga anak. Kilala ng mga ito si Belle dahil kinuha niyang ninang ito at nakakavideo call din niya at ng mga anak niya.
Karga nito ang anak na si Caven Love. May Yaya at bodyguards na nakasunod sa mga ito.
Niyakap ni Lila ang mag-ina at inutusan ang mga anak na mag-hi sa kanilang Ninang.
"My gosh ang lalaki na ng mga inaanak ko!" Sabi nito saka pinisil ang pisngi ng anak niyang si Hira.
"Uuwi na ba kayo?" Tanong nito sa kanilang mag-iina.
"Oo, medyo pagod na kasi sila!"
"Ganoon ba? Sayang naman! Magset tayo ng date para naman makapag bonding ang mga bata!"
"Sure!" Sabi niya rito saka nagpaalam na.
Pag-uwi nila panay ang bida ng mga anak kung gaano ka excited ang mga ito sa lugar na pinuntahan. Pero after nilang mag-afternoon bath ay nakatulog na ang mga ito. Habang siya nagdecide na umidlip muna.
Kaso pagpasok niya sa silid cellphone ang inatupag niya. Sakto namang nag videocall si Belle na agad niyang ikinangiti.
"Hi Belle!" Katabi nitong nakahiga ang natutulog nitong anak na si Caven Love.
"Miss you girl!" Sabi nito na nagsad face pa na ikinatawa niya.
"Miss you too!" Sabi ni Lila saka malawak na ngumiti.
"Hoy, kelan mo balak sundan yan anak mo?"
"Kapag may asawa ka na, girl di ka ba naaawa sa kepay mo? Maglilimang taon ng panis yan, baka forest na yan!" Sabi ni Belle na malutong niyang ikinatawa.
"Hanapan mo kaya ako?" Sabi ni Lila na game na sinakyan ang biro nito.
"I know someone, kaso di pa naka move on sa minamahal niya!" sabi nito na may lihim na ngiti sa labi.
"Sino naman?" Aniya saka humiga ng maayos sa kama.
"Si ano---"
"Sino?"
"Si France!" Napasimangot siya at umiling.
"Kuya told me na iwasan ang mga ganoong uri ng lalaki! Wala na bang iba?" Tanong ni Lila sabay tawa.
"Yang kuya mo talaga, by the way available ka ba bukas? Magkita naman tayo, wala kasi si Caven bukas kukunin ng lola niya! Kita naman tayo, miss you na talaga!"
"Naku nagdrama, sige kita tayo! Pero baka hindi ko maisama ang kambal, mas better ng less ang labas nila for their safety!"
"Okay lang Yun, at least makapag girl bonding tayo!" At sa buong oras pinag-usapan nila ang plano hanggang sa nagising na ang anak nito.
---
"Mama ingat ka!" Ngiting-ngiti ang kambal na yumakap ng mahigpit sa kanya saka sabay na humalik. Nagtataka namang tinignan niya ang mga ito ng nag-apir pa talaga bago bumalik sa tabi ng Yaya Ami ng mga ito.
"Girls, what's going on?" Tanong niya na nakaangat pa ang kilay sa mga ito. Kaso nagkibitbalikat lamang sila muling nag-apir.
"Alis na ako, uuwi din si Mama after mameet si Ninang Belle! Pakabait kayo!"
"Okay Mama, sana pag-uwi mo may kasama ka ng Papa----" Nagtataka niyang tinignan si Hiraya na agad tinakpan ni Yaya Ami ang bibig.
"Ako na pong bahala ma'am sa kambal ingat po!" Sabi ni Yaya Ami kaya tumango siya at sumakay na ng van.
Habang tinatahak nila ang daan napatili si Lila ng biglang may dalawang sasakyan ang humarang sa Van.
Napatili pa siya ng barilin ang sasakyan. Buti na lang bulletproof ang salamin. Pero ng may lumapit na isang lalaki at Nag-angat ng pampasabog. Mukhang ilalagay nun iyon sa mismong sasakyan ay naalerto na ang mga kasama niya.
"Kailangan po nating bumaba ma'am!" Tumango naman si Lila na sobrang nanginginig sa takot. Ngunit pagbaba nila sunod-sunod na putok ang narinig niya. Napatakip na lamang siya sa tenga at mariing napapikit.
Nagmulat lang siya ng mga mata ng may marahas na humila sa kanya. Nakita pa niya ang mga nakabulagta ng mga bodyguards at mukhang wala ng buhay. Itinutok ng lalaki ang baril nito sa sintido ni Lila kaya wala siyang nagawa kundi sundin ang gusto ng mga ito. At yun ay ang sumakay siya sa van ng mga ito. Pagkaupo pa lang niya may humigit na sa buhok niya at may panyong mariing idinikit sa kanyang ilong hanggang sa siya ay mawalan ng malay.
Sana panaginip lang. Kaso pagmulat niya ng mga mata nasa isang motor boat na siya habang katabi niya ang isang lalaki na nakatutok ang baril sa kanyang sintido. Nang lingunin niya ang paligid hindi niya maiwasang maluha ng makita niya ang malawak na karagatan. Habang sa kanyang tapat may isa pang bihag ang hawak ng armadong lalaki. Nakatali ang kamay at paa nito habang walang malay. Sa laki ng bulto ng katawan tiyak siyang lalaki. Pero hindi niya makita ang mukha nito dahil may nakasaklob na telang itim.
Nang marating nila ang isang isla, Wala pa ding malay ang lalaki. Si Lila ang unang pinababa at pinagtulungan naman nilang ibinaba ang lalaki saka pabagsak na binitiwan sa damuhan. Gulong gulo si Lila, lalo pa ng sumakay muli sa motor boat ang mga armadong lalaki at umalis na lang Basta.
"Hoy, wag nyo kaming iwan dito! Hoy, mga hayop kayo! Iiyak yung mga anak ko----"
Napalingon siya sa lalaking bahagyang gumalaw. Agad siyang lumapit at tinulungan itong makaupo saka tinulungan tanggalin ang tali nito sa kamay. Pero patuloy pa din ang pag-agos ng luha ni Lila. Takot na takot siya. Alalang-alala pa sa mga bodyguards niyang naiwang nakabulagta sa kalsada kanina.
BINABASA MO ANG
The Memories of Carmela
General FictionMadami ang takot sa binatang bilyonaryo na si France Kevin El Frid. Pagdating sa negosyo wala itong sinasanto. Kahit pa gumapang sa hirap ang mga katunggali nitong kompanya ay wala man lang nararamdamang guilt ang lalaki. Naging bato ang puso simula...