Chapter 13

1.2K 39 11
                                    

Jan 13 pa 'yong last update ko. Medyo nahiya naman ako kaya nag-update na'ko ngayon. Hahah!

'La kasi akong laptop Craps. Right now, I'm updating using my phone so good luck with me. 'Di ko alam kung maiksi o mahaba ang magiging kahihinatnan nito kasi walang word count. So, yeah.

Let's get it on!!! Haha

**

Chapter 13

Tahimik na natapos ang lunch namin. Wala ni isang sumubok na magsalita matapos ang sinabi ni Kuya Miguel na nakapagpalakas ng hinala ko sa kung ano man ang nangyayari kay Kuya Sandro. Bingo, sabi ko sa isip ko. Nang dahil sa sinabi ni Kuya Miguel ay alam ko-sigurado akong-may sakit si Kuya Sandro.

Pero kung ano 'yon? 'Yon ang kailangan ko pang alamin.

Hindi ko maintindihan si Kuya Sandro. Bakit kailangan niyang maglihim sa akin, 'di ba? Kapag ako naman itong nagkakalagnat ay siya pa ang unang nakakaalam at umaasikaso sa akin. Basta pagdating sa lahat ng bagay na tungkol sa akin ay dapat ay alam niya. Pero bakit hindi 'yon ma-i-apply sa akin? Bakit kapag siya na 'tong nagkakaproblema, bakit ako pa itong pinakahuli sa nakakaalam?

Okay, I get it that Kuya Miguel and Kuya Charlie are his best friends. But c'mon, I thought I was his better half? O baka naman ako lang ang nag-iisip no'n.

Hay, Leslie. Tama na nga ang pagdadrama. Hindi mo 'yan ikagaganda, pagpapakalma ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim at tsaka tumayo sa kinauupuan ko. Tsaka ko lang napansing kanina pa pala sila nakatayo at nakatingin sa akin. Nakasuot na ulit sila ng shades nila at handang handa na ulit rumampa. Despite my worries, napangiti ako sa hitsura nila.

Lumapit ako kay Kuya Sandro at ikinawit ko ang braso ko sa kanya. Pagkatapos noon ay ngumiti rin ako ng matamis sa kanya.

Hinawakan niya ang braso ko at pinadausdos ang kamay niya sa palad ko. Nang magkadaup na iyon ay marahang pinisil pa niya ito bago ako gawaran ng matamis din niyang ngiti. But despite that, I can feel his nervousness. Dahil alam niyang alam kong something's up. Hindi ko na lang 'yon i-b-bring up ngayon dahil ayokong masira 'yong sweet moment naming dalawa.

Nauna nang maglakad 'yong dalawang ugok sa amin. Nakahilig naman ako ng bahagya kay Kuya Sandro habang naglalakad kami dahilan upang ma-drag ko siya sa paglalakad.

Niyugyog ni Kuya Sandro ang balikat niya dahilan upang makalog ng kaunti ang ulo kong nakasandal doon. Inis na napatingin naman ako sa kanya.

"Umayos ka nga ng tayo mo bubwit. Para ka namang timang diyan, eh," nakakunot ang noong saad niya sa akin.

Umismid ako sa kanya. "Bakit ba? Naglalambing lang, eh," kunwari ay nagtatampong sagot ko at lalo pang humilig sa kanya. Patuloy naman siya sa pagkalog sa akin. Inis na tumuwid na lang ako ng tayo.

"Aish!" pagdadabog ko.

Tumawa lang siya sa akin dahilan upang mapalingon sa amin ang dalawang ugok.

"Hoy, bilisan n'yo ngang maglakad diyan. Bubs at ugs talaga kayo, eh!" sigaw ni Kuya Charlie sa amin. As usual, bitter na bitter na naman ang hitsura niya.

Tumigil sa pagtawa niya si Kuya Sandro at tsaka umubo ng kaunti. Tumuwid din siya ng tayo pagkatapos.

"Yes, boss! Una na kayo sa room at ihahatid ko pa itong boss ko," sabi pa niya sa dalawa. Sumaludo lang naman ang mga ito sa kanya at nawala na sa paningin namin.

Nang kaming dalawa na lang ang nasa hallway sa cafeteria ay bigla naman akong hinapit ni Kuya Sandro at hinalikan sa buhok ko. Sininghot pa niya iyon. Tumaas ang isang kilay ko sa ginawa niya at nagtatakang tinitigan siya.

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon