Chapter 11

1.4K 51 23
                                    

Happy 2015 CRAPS! I love you all!

P.S., HAYLEY WILLIAMS AND CHAD GILBERT ARE GETTING MARRIED!!!! YAY! (Okay walang may paki. XD)

P.P.S., new cover!!!

**

Chapter 11


I stormed out of the dining room, out of the house. Nagpapadyak pa ako ng mga paa ko at umuusok ang mga butas ng ilong ko. I'm freaking mad right now! Nakakainis sila! Sina Daddy at Mommy! Lalong lalo na si Kuya Sandro! Gosh! Ano bang problema nila? 

Ibinalibag ko ang pinto nang makaalis ako. Pati ang gate namin ay pabalang ko ring sinarhan. Gusto kong marinig nila ang pagkainis ko sa mga pangyayari. Ang akala ko nga ay susundan ako ni Kuya Sandro at hihilahin ang kamay ko at ipapaharap ako sa kanya. Ang akala ko ay yayakapin niya ako at magpapaliwanag siya sa akin. Akala ko lang pala 'yon dahil ilang minuto na akong nakatitig dito sa harap ng gate namin ngunit walang Kuya Sandrong dumating. Inirapan ko na lang 'yong gate namin at nagmartsa na palabas ng subdivision. Mag-c-commute na lang ako.

Malapit na ako sa gate palabas ng subdivision nang makarinig ako ng busina. May isang kotse na pala sa harapan ko at muntik na akong mabangga nito. Pamilyar sa akin 'yong kotse at kung hindi ako nagkakamali ay kotse iyon ni Kuya Charlie. Nakumpirma lang ang hinala ko nang lumabas si Kuya Charlie sa kotse niya.

"Les! Sorry! Hindi ko sinasadya. Ano, may dugo ka ba sa katawan mo? Tara, dadalhin na kita sa ospital," sunod sunod na sabi ni Kuya Charlie habang papalapit sa akin. Sinipat pa niya ang kabuuan ko. Kahit sobrang inis na inis ako sa pangyayari ay nagawa ko pang tumawa sa sinabi at hitsura ni Kuya Charlie. Mukhang seryoso talaga siya sa sinabi niya. Nakakunot pa ang noo niya, eh.

Natigilan siya sa pagsipat sa akin at nakakunot-noong bumaling sa mukha ko. "Oh, ba't ka natatawa diyan Les?"

"Wala, kuya. Tigilan mo nga ako. At tsaka, anong ginagawa ng bulok mong sports car dito sa subdivision namin?"

Sa totoo lang, hindi naman bulok 'tong sports car ni Kuya Charlie kaso trip ko lang siyang asarin dahil ang kyut niyang maasar, eh. Kagaya ngayon.

"Ano ka, bubwit! Corvette Stingray ito! Bulok ka diyan!" pagmamayabang niya sa kotse niya. Wala naman akong pakialam kung Corvette chorva 'tong kotse niya.

Tumaas lang ang kilay ko sa sinabi niya.

Tumakla siya. "Palibhasa, BMW nina Sandro at Denver lang ang nasasakyan mo, eh," dagdag pa niya. Aba! At ano namang problema niya sa mga kotse nina Kuya Sandro at Denver? Itong Carlitong ito talaga, oh!

"Tse! 'Wag mo nga akong buwisitin Kuya Charlie! Naiinis ako! Tsaka, hindi mo pa sinasagot 'yong tanong ko!"

"Ano bang tanong mo?" Kunot-noong sabi niya pagkaraan.

"Sabi ko, anong ginagawa niyang bul—este Chorva Stingray mo dito sa subdivision namin?" Bihira naman kasing mapadaan ang isang 'to dito sa subdivision namin, eh. Hindi naman taga dito si Ate Jamie at magkasubdivision naman sila. Isa pa, nasa States na ang isang 'yon kaya nakakapagtaka lang na napadpad siya dito sa pobreng subdivision namin.

Nagsalubong na naman ang mga kilay niya. "Anong Chorva Stingray? Corvette! Corvette Stingray! Bubwit naman, oh," nagkakamot ang ulong sita niya sa akin. Tumawa na lang ako sa kanya. Kyut kyut talaga!

"Oo na, oo na," nailing na sabi ko na lang.

"Sabihin mo nga," pangungulit pa niya sa akin.

"Chor—hmm—Corvette Stingray. Okay na po?"

Tumango siya at ginulo ang buhok ko. "Opo. Pupunta kasi ako sa bahay ninyo at may kukunin ako kay Sandro. Nga pala, ba't 'di mo kasabay ang isang 'yon? LQ?"

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon