CRAPS

1.3K 26 9
                                    

Hi!

Cute Readers who APpreciate my Stories!!!

Gusto ko lang magpasalamat sa inyo ng paulit ulit dahil binabasa ninyo pa rin ang mga sinusulat ko kahit jejemon ito at kung minsan ay waley ang update. Hahah. Kahit din kung minsan, eh, ang tagal kong mag-update. Naalala ko nga, inabot yata ako ng two months bago nakapag-update, eh. Iyon kasi iyong panahong nasira ang laptop ko. So, nag-explain, ganern?

Maraming salamat, lalo na nitong mga huling update ko kasi nakikita kong mas engaging kayo ngayon. Nag-c-comment kayo, eh. Hindi ninyo lang alam pero sobrang laking bagay na niyon para sa akin. Natutuwa ako kapag may nababasa akong feedback mula sa inyo. Mapa-negative/positive man 'yan. Lalo na iyong mga reaksyon ninyo sa particular chapter. Basta! I can't explain it. Hahahah.

Basta maraming salamat craps! Mapa-silent or loudspeaker(hahahah) readers kayo, lubos ang pasasalamat ko sa inyo. You're my motivation in writing. Masaya ako kapag napapasaya ko kayo, yee. Ang drama, eww! Hahahah

Tama na. Nadidiri na ako sa sarili ko. Hahahah joke. Announcement na po tayo!!!

Kung binabasa ninyo ang details ng story na ito, makikita ninyong may nakalagay na ganito:

Ever Enough

Formerly Twisted Happiness (Season 2). Book 2 of the #SanLie Trilogy... Blah blah blah...

Ngee? Trilogy raw? So, anong kaguluhan ito?!

Tsk! Ibig sabihin, MAY SEASON 3!!!!

Alam kong may magrereact sa inyo. Diyos ko, si crappywriter, hindi na nagsawa kay Sandro, ah!!! Hanggang season 10 kasi ito, craps. Hahahah joke. Final na iyon. Malamang, trilogy nga, eh. Lol.

Bakit may season 3? Hindi ko pa pwedeng i-explain. Basta, basahin ninyo muna ang epilogue to find out. Sa pagtatapos noon ko idetalye ang mga bagay bagay. Mahaba pa ang lalakbayin ng #SanLie. Marami pa akong plano sa dalawang ito. Basta hahah.

Excited ba kayo? Sana. Kung hindi, keri naman. Hahahah.

Iyong title ng season 3 ay baka sa epilogue ko na sabihin. Kung hindi, basta, ipopost ko naman dito. Hintayin ninyo na lang. Salamat!

Osiya, hanggang dito na lang. Mahal na mahal ko kayong lahat. Wee!!! Magkita kita tayo sa season 3... I guess?!

Lubos na nagmamahal,

crappywriter

ps, CRAPS!!! May epilogue pa, ah? Baka kasi isipin ninyong last part na iyong p-in-ost ko ngayon. Last chapter lang iyon. May huling habilin pa hahahahah ge

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon