Chapter 16

1.1K 37 6
                                    

Chapter 16

Binuksan ko ang pinto sa terrace mula dito sa kwarto ko at pinanood ang pagpatak ng ulan sa bubong. Awtomatiko akong napangiti sa kagandahang nasa harap ko.

Sabado ngayon ngunit nagising pa rin ako ng maaga. Nakakabulahaw naman kasi ang ingay ng ulan mula sa bubong, eh. Kaya kahit nakapikit pa rin ang mga talukap ng mata ko ay bumangon na ako sa kama at nag-ayos ng sarili ko. Pagkatapos iyon ay binuksan ko nga ang pinto sa terrace upang panoorin ang lagaslas ng tubig ulan.

Bigla akong nabuhayan nang dumampi ang ihip ng hangin sa balat ko. Nawala ang antok ko nang makita kong muling nabuhayan ang mga tanim na halaman ni mommy sa kanyang garden. Ilang linggo rin kasing hindi umulan kaya halos matuyo na ang mga ito. Blessing na maituturing ang ulan ngayon. Musika sa aking pandinig ang tunog ng tubig ulang kumakalampag sa bubong ng bahay namin. Sinabayan pa iyon ng tunog ng mga kuliglig na nagtatago sa kung saan.

Napahinga ako ng malalim.

This is the kind of morning I like to wake up to every day of my life.

Umupo ako sa upuang nasa terrace at nakapangalumbabang pinanood ang eksena sa harap ko. Nakakaramdam ako ng inner peace sa tuwing uulan. Pakiramdam ko ay pinapawi ng ulan ang lahat ng worries at problems ko sa buhay. Pansamantala kong nakakalimutan ang mga iyon dahil dito. Ipinapahiwatig nitong sa kahit na anong problema, nandiyan ang ulang handang pawiin ang lahat ng sakit ng nakaraan. At pagkatapos niyon ay sisibol ng muli ang araw, tanda ng panibagong pag-asa.

May something talaga ang ulan. Nagagawa nitong maging makata ang isang bagong gising na batang katulad ko.

Dahil sa sobrang pagkalibang, hindi ko na namalayang pumasok na sa kwarto ko si Kuya Sandro. Partikular na dito sa terrace. May ipinatong siyang dalawang tasa ng umuusok na mainit na tsokolate sa ibabaw ng mesa. Napaangat ang tingin ko sa kanya. Nakatayo pa rin siya sa may gilid ng mesa.

"Pampainit sa malamig na umaga," sabi niya nang nakangiti. "Good morning bubwit. Ang aga natin, ah?" dagdag pa niyang nakatingin na sa labas.

"Salamat Kuya Sandro," sabi ko sabay kuha sa tasa ng mainit na tsokolate. Sumimsim ako roon ng kaunti. Paborito ko itong inumin lalo kapag ganitong malamig ang panahon. Sarap, sabi ng isip ko.

"Ang lakas kasi ng ulan. Kumakalampag sa bubong. Ayan tuloy, nagising ako," sabi ko pa matapos uminom sa tsokolate.

Bumaling ulit si Kuya Sandro sa akin noon. Mukhang nalibang din siya panonood sa ulan.

"Bakit nandito ka sa labas? Pumasok na tayo sa loob. Baka lamigin ka," sabi niyang nakakunot ang noo. Bakas sa tono ng pananalita niyang nag-aalala siya sa akin. Napangiti naman ako ng tipid dahil doon.

"Saglit lang Kuya Sandro. Ninanamnam ko pa ang hangin, eh," sagot ko na lang.

Nagkibit balikat siya at umupo na sa tabi ko. Matapos 'yon ay inakbayan pa niya ako at hinapit papalapit sa kanya.

"Eh, di sige. Dito na lang din muna ako. Pero saglit lang talaga, ha? Papasok na tayo mamaya para mag-agahan," sabi niyang titig na titig sa akin. Hindi talaga maiaalis sa kanya ang pag-aalala kahit na minsan ay tinotolerate niya ako sa mga whims ko. Sarap talaga sa feeling na may nag-aalala at nag-aalaga sa'yo. Pero siyempre, ginagawa ko rin naman 'yong part ko kay Kuya Sandro, 'no. May mga time na siya rin ang pinagbibigyan ko sa mga kapritso niya.

Humilig ako ng kaunti sa balikat niya at ngumiti. "Opo. Five minutes na lang," sagot ko sa pag-aalala niya.

Tumango lang siya ay tahimik naming pinanood ang ulan. Ininom din namin ang mainit na tsokolateng hinanda niya.

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon