Chapter 17

1.1K 30 7
                                    

Last 13 chapters, can you believe that?

Yay!! May word count na sa mobile version!!!

**

Chapter 17

"Ano, bubwit, hindi ka na nakapagsalita diyan?"

Napakurap kurap ako nang marinig kong magsalita muli si Kuya Sandro. Nandito kami ngayon sa entertainment room at katatapos lang namin manood ng all-time favorite movie ko, ang 50 First Dates. And as usual, umiyak na naman ako sa huli. Palagi namang ganito ang reaction ko sa pelikulang 'yon, eh. Ewan ko ba, pakiramdam ko ay malapit sa puso ko 'yong bawat eksena. 'Yong parang, nakakarelate ako, ganoon? Pero alam kong sobrang imposible naman no'n.

Ang unusual lang na nangyari ay 'yong naging usapan namin ni Kuya Sandro after that. Bigla niya akong binalaan. Ingatan ko raw ang sarili ko dahil baka magaya ako kay Drew Barrymore doon sa pelikula. Baka raw maaksidente ako. Baka raw makalimutan ko siya. Napatawa na lang ako sa isip ko. Sa isip isip ko, nasabi ko na lang na, 'eh Kuya Sandro, ikaw nga 'tong naaksidente, eh. Baka ikaw ang makalimot sa'kin.'

Right after I said those things inside my head, I suddenly shuddered. Shit. No.

Naaksidente si Kuya Sandro. But hell, that was like, several months ago! And if ever magkakaamnesia siya, dapat may signs and symptoms na, 'di ba?

No. This is just me being paranoid. Sure, he acts weird these past few weeks but that doesn't mean anything, right? Please, tell me I'm right. Kasi pakiramdam ko mali ako. Pakiramdam ko, ito na ang simula ng pagbabago sa pagitan namin ni Kuya Sandro.

Naramdaman kong pinitik ni Kuya Sandro ang ilong ko dahilan upang magising ako sa pag-aalala ko. Napatitig ako sa nakangiting mukha niya. Napangiti na lang din ako dahil nakakahawa ang kasiyahan niya. His happiness is radiating all over his face and I can't help but smile back at him.

"Ayan, maganda ka na ulit bubwit," sabi niya pagkaraan.

Nawala ang ngiti sa mga labi ko at kumunot ang noo ko sa kanya.

"Huh?"

"Ngumiti ka, eh. Kanina kasi, mukha kang busangot. Kunot na kunot ang noo mo tapos parang nag-aalala ka. May problema ka ba bubwit?" He touched the sides of my face and concern suddenly crowded his.

Ibinalik ko ang ngiti sa mga labi ko. "Wala, Kuya Sandro," sabi ko sa kanya.

"O baka naman may lagnat ka? Nalamigan ka yata sa air-con?" sabi niyang inangat ang haplos sa noo ko.

Tinampal ko ang palad niya. "Tumigil ka nga Kuya Sandro! Okay lang ako. Wala akong problema. Wala akong sakit. Hindi ba pwedeng nag-f-face dance lang ako?" sabi ko sa seryosong boses. To prove my point, mas lalo ko pang c-in-ontort ang mukha ko.

Natigilan si Kuya Sandro at tumitig lang sa mukha ko. Walang kahit na anong emosyong mababakas doon.

"Hindi nakakatawa, bubwit," walang emosyong sabi niya.

"Hindi naman ako nagpapatawa," irap ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya at hinapit ako palapit sa kanya. Kinulong niya ako sa mga braso niya kaya bigla kong naramdaman 'yong warmth na hinahanap ko. Sa kanya ko lang 'yon natatagpuan, eh. Siya lang ang nakakapagbigay sa akin ng mga bagay na kailangan ko.

I let myself be engulfed by his warm embrace for a moment. Kumalas ako sa yakap niya matapos ang ilang sandali. Tiningnan ko ulit siya. Bukod sa yakapan, titigan ang isa pa sa mga bagay na paborito namin gawin ni Kuya Sandro. Well, hindi pa kasama roon ang halikan, siyempre. Eh, namula naman ako sa naisip ko. Nakakahiya! Kung ano ano na naman ang naiisip ko.

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon