Chapter 24

994 39 19
                                    

Soundtrack for this part is Never Let This Go by Paramore.

**

Chapter 24

Napakapit na lang ako sa handrail ng hagdanan namin matapos akong iwan mag-isa ni Kuya Sandro rito. Bigla akong nanghina sa inakto at sinabi niya kanina. Bakit ganoon siya? Ano bang nagawa ko para ganituhin niya ako? Masama na bang magtanong tungkol sa nakita ko kanina? Nawalan na ba ako ng karapatan sa kanya ngayon? Ano?

Hindi ko maintindihan. Parang noong nakaraang linggo lang, eh, nag-usap kami tungkol sa relasyon naming unti unti nang nalalamatan ng kondisyon niya. Tinanong ko siya kung mahal pa niya ako at sinagot niyang oo. Pero may pero. Mahal niya ako pero hindi raw niya kayang makitang nasasaktan ako dahil sa kondisyon niya. Nahihirapan daw siya sa tuwing nalulungkot ako kapag may nakakalimutan siyang bagay, maliit man 'yon o malaki. Ang akala niya kasi ay ang mga bagay na iyon ang nagpapasaya sa akin. Pero mali siya, maling mali, dahil siya ang nagpapasaya sa akin. Bonus na lang iyong iba pang mga bagay.

Hindi naman ako nagrereklamo. Kinakaya ko naman, 'di ba? I won't say it's easy, because the hell it's not! Pero kaya ko naman. Pero bakit siya, ganoon? So he'd rather let me go than fight for our love? Ganoon ba iyon? Talaga bang iniisip niyang pabigat siya sa akin?

O baka naman excuse niya lang iyon para pakawalan ko na siya. Kasi mas gusto na niya si K. Ganoon ba iyon?

So he'd rather make me feel guilty than actually admit that he doesn't love me anymore?

No, hindi iyon ganoon. He told me he loves me. He still loves me. Ramdam ko iyon. At naniniwala ako sa kanya. I'll just hold onto that thought for a while.

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago pumasok sa kwarto upang magpalit ng pambahay. Nang matapos ako ay umupo muna ako sa gilid ng kama ko at nagpatuloy sa pag-iisip. Matapos ang naging sagutan namin ni Kuya Sandro kanina ay parang ayoko nang bumaba sa dining para kumain. Natatakot kasi ako, eh. Natatakot akong makita at makasama siya. Natatakot na akong harapin siya. Parang hindi ko na kasi siya kilala.

Napapitlag ako nang makarinig ako ng pagkatok sa pinto ko. Hindi pa ako umaangat sa pagkakaupo ay narinig ko na ang pagsigaw ni mommy.

"Leslie, baba na at kakain na tayo," sabi niya mula sa labas. Napatingin ako sa pinto at bumuntong hininga. Hay, I guess wala na akong magagawa kundi ang harapin na lang si Kuya Sandro.

Nagkibit balikat na lang ako at lumabas na ng silid ko. Dire diretso lang ako kung kaya't hindi ko na alintana nang lumabas din si Kuya Sandro sa silid niya. Tingnan mo nga naman, at nagsabay pa talaga kami, eh. Napailing na lang ako sa sarili ko.

Nang marating ko ang dining ay agad akong sumalampak sa isa sa mga upuan doon. Dali dali rin akong kumuha ng pagkain ko. Inunahan ko pa nga si daddy, eh. Napatitig na lang siya sa akin nang gawin ko iyon.

Nakapaglagay na ako ng kanin at ulam sa plato ko at sumubo na ng isa nang makaupo si Kuya Sandro sa upuan sa tabi ko. Napahinto ako sa pagsubo at pinakiramdaman siya. Nang tuluyan na siyang makaupo ay ipinagpatuloy ko na ang pagkain.

Halos mangalahati na ako sa kinakain ko ngunit pasimula pa lang ang mga kasama ko sa hapag. Mukha tuloy akong patay-gutom nito. Hindi ko na lang iyon pinansin. Gusto ko nang matapos. Ayokong magtagal sa isang lugar kasama si Kuya Sandro.

"Anak, may pupuntahan ka ba? Nagmamadali ka yata?" biglang tanong ni daddy sa akin. Nasa ikatlo sa huling subo na ako noon. Nabilaukan ako at tumingin kay daddy. Inabutan ako ni Kuya Sandro ng tubig. Kinuha ko lang iyon at hindi nagpasalamat sa kanya. Rude, right? Wala akong paki.

"Ah, eh, pupunta po ako sa kwarto ko. Iyon po," sabi ko kay daddy matapos kong uminom. Tumawa naman siya sa sinagot ko.

"Para ka namang maiiwan ng silid mo, anak. Ano bang gagawin mo?" Nagkatinginan sila ni mommy at nagkangitian.

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon